Wednesday, October 21, 2009

LALIM

Ayaw kong magsimula ang dilim,
ayaw kong sa sulok ng patalim,
tanawin kang puno ng panimdim.

Sinasalimpan ang bawat tikim
sa lipstick mong kumapal, sa lihim
ng kindat na nagtago sa dilim.

51 comments:

Ian Chris Alejo said...

Bago pa man duamting ang takipsilim,
Bago pa dumating ang lagim,
Di na matiis ng oras sumapit ang itim.

Ewan ko kung matatawa ako o isa itong "romance".

Clarisse Liberato said...

Isang malalim na Tula, hindi ko mahinuha ang nais ipabatid ngunit tila may isang sikretong nakatago sa taong nagsasalita.

patrick james abelardo said...

madali talagang makatukso ang dilim lalo na kapag may kasama kang kapareha o partner mo sa buhay dahil dito nyo naipapahayag ang inyong pagmamahal sa isa't isa pero hindi sa lahat ng oras at pagkakataon ng buhay nyo.
-by Patrick James Abelardo ABE 1-1

JayBoy Ladag said...

ang tula marahil ay ang pag iwas sa mga bagay na sadyang di mapipigilan pag naandun na sa ganoong kalagayan.

Paul Cruz said...

Kailangan hindi tayo magpatukso sa mga bagay na maaring magawa kapag nasa lugar na walang sasaway

angel mananquil said...

maraming mga bagay sa mundo ang aagaw ng atensyon mo.kailangan ay alam mong kontrolin at limitahan ang iyong sarili.pag-isipan mong mabuti ang mga bagay na iyong gagawin.

Michael Vincent Trugillo said...

Masyadong malilim at hindi ko maintindihan, ngunt ganumpaman, astig yung rhyming scheme!

annie aurigue said...

Nahulaan ko kung sino/ano ang tinutukoy.. sana tama ang hula ko :)

Deo Javier said...

Di ko masyadong naintindihan yung tula pero astig padin dahil gaano man ito kaiksi, napakalawag at may kabuluhan! :)

Patricia Belmonte said...

Hindi ko masyadong naintindihan ang tula. Feeling ko, ito ay tungkol sa pag-ibig(?) Siguro, ang mga makakaintindi lang dito ay yung may mga malalalim na pang-unawa at malalawak na pag-iisip o imahinasyon :)

Pauline Santos said...

Sa tingin ko ay alam ko ang nais ipahiwatig ng sumulat ng tula. Magaling ang pagkakasulat nito dahil may tugma ang dulo ng bawat salita sa bawat saknong.

Marc Samson said...

Magandang araw po sa iyo Ginoong Rom Peña!!!

Napakainteresante ng tulang ito ngunit hindi ko po matarok ang gusto nitong ipahiwatig. Natagpuan ko ang aking sarili na tinatahak nanaman ang mapaglakbay na landas ng aking kaisipan at dalawa lamang ang lumitaw sa dulo ng landas na ito.

Marahil ay ito ay isang "kalapating mababa ang lipad"? o isang nilalang na nagpapalit ng kasarian tuwing sasapit ang gabi?.

-Marc-

Marc Samson said...
This comment has been removed by the author.
Rosean Dellamas said...

Hindi ko kaagad naintindihan ang nais ipahiwatig ng tula subalit ito'y kanais-nais na basahin.

janina camille danao said...

malalim ang tula..hindiu madaling maunawain pero may nais itong iparating sa mambabasa

Mee Ann Cabato said...

kht na napakaikli ng tula ay masasabi natin ito ay may kahulugan. ngunit sa lalim ng pagkakalikha nito ay tila hindi natin mabatid kung ano ang nais ibinabatid na may-akda.

Justine Jamella Pecasales said...

Napakalalim ng tula. Tila malalim ang pinaghugutan na sa sobrang lalim ay hindi ko naintindihan. Ngunit maganda ang pagkakasulat dahil sa mga tugmang salita sa dulo. :)

Justine Jamella T. Pecasales
BS Psychology 1-4

Cristina Ilao said...

napakaikli ng tula pero tiyak na nakapag iwan ito ng napakaraming kaisipan sa mga mambabasa.

Tyrence C. Medes Jr. BSA I-15 said...

Napakaikli ng tulang ito, ngunit kapag binasa mo ay talagang mapapaisip ka. Bagay na bagay ang kanyang pamagat sa kanyang nilalaman dahil malalim ang kahulugan ng tula. Sa aking palagay ay ayaw sumapit ng may akda ang kadiliman dahil mas madami ang tukso sa mga oras na ito at ayaw niya ring magpatukso sa isang babaeng mapusok.

Mariz Paculanan said...

Ang tulang ito ay isa sa mga tulang kay hirap malaman kung ano ba talaga ang nais ipahiwatig.

Pero base sa aking interpretasyon tungkol sa tulang ito. Sadyang marami talagang tukso sa mundo itong mga tuksong ito ay masasama at dapat iwasan. ^-^

Marjorie Quimora Fernandez said...

Naipakita ng tula ng maayos ang kanyang mensaheng nais ipabatid sa mga mambabasa sa pamamagitan ng isang maikling tula. Naging mas madali para sa mga mambabasa na maunawaan ito agad dahil hindi ito nangangailangan ng matagal na oras sa pagbabasa. Mas madali itong maunawaan dahil simple lang ang mga salitang ginamit para mabuo ang isang makabuluhang tula.

karen rose Ramilo said...

Maigsi man ang tula, hindi naman maikukubli ang mensaheng nais iparating nito… ginamitan rin ito ng mga salitang magkakatugma na naging dahilan upang mas lalo pa itong maging kaaya-ayang basahin at magandang pakinggan.

marie lyca dela cruz said...

Kahit binubuo lamang ng dalawang saknong ang tulang ito, napakaraming hinuha ang maaring makuha rito. Isa lamang patunay na “malaman” ang nasabing akda at di lamang basta tula.
Ang unang pumasok sa aking isip nang basahin ko ang tula ay tungkol sa mga kababaihang nag-iindorso ng aliw. Maaaring mali ang aking hinuha ngunit, masasabi kong tunay na na maganda at takaw-pansin ang nasabing tula.

lizzette elago said...

sabi nga "lalim"..malalim nga ang tula!

carlo jimenez said...

Sobrang lalim ng tula. Ang hirap unawain. Pero sadyang magaling si Rom.

jojelyn colopano said...

hays . ang lalim ng kahulugan !

Tristan Jay Cruz said...

Masyado malalim ang kahulugan ng tula.Kaya hindi ko lubos maisip kung ano ang tunay na kahulugan nito.

camille crisostomo said...

dito ipinapahayag ang misteryong dulot ng pagkagat ng dilim. sa lalim ng tula, mahihirapan ang mambabasa na tukuyin ang kahulugan nito sa isang beses na pagbasa lamang.ngunit saya at pagkakuntento naman ang madarama mo kung sakaling maintindihan mo na ito sa ikalawang pagbasa.

Michael Joseph Tapit said...

marahil ito ang tulang nagpapahayag ng simpatya sa mga bayarang babae...........sapagkat kung susuriin itong mabuti ay mapapansin ang mgapahiwatig na nagpapakita ng aking opinyon

Stephen Zion Macaraeg said...

ang tula ay akma sa pamagat , LALIM.
bagamat maikli akoy naniniwala na mayroong mensaheng nais iparating ang tula .

jesse del rosario said...

sa aking palagay, ang tauhan na tinutukoy dito ay ang mga bayarang babae. dahil hindi man nila gusto ang kanilang trabaho tuwing gabi, ay napipilitan pa rin silang gawin ito para lamang magkapera.

kcirlenn rodelas said...

Sa sobrang lalim ng mga salitang ginamit ay masasabi kong doon nagmula ang pamagat ng misteryosong tulang ito. Gayunpaman, susubukan kong bigyan ng sariling interpretasyon ang tulang ito. Marahil ang tinutukoy ay isang taong makasalanan.May tinatagong madilim na lihim sa kanyang tunay na pagkatao.



Kcirlenn Rodelas
BS Psychology I-4

Ricardo Bohol said...

tunay nga na akmang akma ang ang pamagat na lalim dito dahil sa sobrang katalinghaga ng mensahe nito ay mapapaisip talaga tayo ukol dito. siguro ang tema nito ay ang lihim na tinatago ng isang tao?? parang yun ang aking pagkakaintindi. nagsisilbi tuloy isang palaisipan sa akin itong tulang ito.

Camille Nicole Sanchez said...

maganda ang tulang ito at napakalalim ng ibig sabihin nito ngunit my mga misteryong bumabalot dito.

Rhian Bitoin said...

Tungkol ba sa panunukso ang tula? Parang may kaugnayan sa romansa at kailangang hindi matukso sa "dilim"

Manuel Joseph Servando said...

Marahil ang storyang ito ay isang uri ng romansa at dahil nga mga bata pa tayo kaya hindi pa natin maabot ang malalim na kahulugang ipinapahayag ng akda.

Abigail Manalo said...

Ang ganda. Ang tulang ito ay tumpak na tumpak para sa ating mga Pilipino (no offense), sa totoo may ibang kahulugan ito maliban sa "tula mismo". Nakaka takot ang dating sa akin ng tulang ito. Ayaw ko magsabi ng lugar baka mareklamo ako. Haha pero sa totoo lang nakakatakot talaga siya. Tulang malalim na nakakatakot pa ang ibig sabihin...

Abigail V. Manalo
BS Psychology 1-4

jocy pito said...

Ang tula ay masyadong makahulugan. Sa aking palagay, ang mensaheng nais iparating nito ay may kinalaman sa mga kababaihan at kaugnay din ang tukso.

Cess said...

Ang lalim lalim ng nais iparating ng tulang nasaad. Sa kabilang dako, maari itong maikonekta sa tunay na buhay. Ito ay tunay na nakakatakot, pansinin ang mga salita na may diin.

maureen de guzman said...

Kahit ang tula ay maikli, may lalim naman ang bawat linyang binigay. Sa aking palagay, ang tinutukoy dito ay iwasan sana natin ang mga tukso maging sa pag-ibig dahil kapag nagkataon ay mahirap na itong lusutan o gawan ng paraan.

Jeremy Ann Catunao said...

Marami talagang mga hiwaga ang nakatago sa mga madidilim na lugar. Hangga't maaari, iwasan natin ang mga bagay na pagsisisihan natin sa huli.

Joanna Marie Joaquin said...

Ang simple ng tula pero napakalalim. Di ko masyadong maintindihan ang nais ipahiwatig ng tula.

Pero na-appreciate ko naman ang tulang ito dahil nag-iiwan ito ng lalim sa isipan ng makakabasa nito.

Mary Joy Urminita said...

Masyadong malalim ang tula at hindi ko masyadong naintindihan ang nais ipabatid nito. Pero sa aking palagay sinasabi sa tula na dapat nating iwasan ang mga bagay na maaaring makapagpasama sa atin.

Joseph Cabrera said...

Akmang akma ang pamagat ng akda sa tula. Pang Palanca Awards ang dating.
Para sa akin simple lamang ito, magkaroon ang bawat isa sa atin ng wisdom at ipagpatuloy ang buhay nang walang pagpapasubali at pretensyon.

Gerald Aloc BSA 1-15 said...

"LALIM" nga, hindi ko malaman ang ibig ipahiwatig ng tula

John Salvador Flores said...

ang akdang ito ay napakalalim tulad ng kanyang pamagat. siguro ang tema nito ay tungkol sa kwento ay madaling siyang matukso sa kasama niya sa isang napakadilim na lugar dahil hindi nila talaga makaya ang tukso na naramramdam. nagbigay ito ng napakalaking tanong sa aking isipan na kung ano ang pangangahulugan ng tulang ito.

Melissa Lyn Ariman said...
This comment has been removed by the author.
Melissa Lyn Ariman said...

Sa tingin ko na ang tula ay tungkol sa isang mangingibig na umibig sa isang babae ang pinagkakakitaan ay ang pagbibigay aliw sa gabi. ewan ko kung tama pero yun ang mensaheng pinararating nito sa akin.

Richelle Balza said...

Ang buhay ay puno ng tukso. Matuto tayong umiwas dito. :)



Richelle Inocencio Balza
BSA I-15

Arah Charisse Pile said...

Di ko po nagets sir. =)

Geleen Gail Inocencio said...

Isa nanamang tula puno ng kahulugan. :) Sa aking palagay hidni niya gustong simulan ang kanilang pagsasama sa "climax" kundi sa umpisa talaga at ganun dapa i-respeto ang mga babae. At sa mga babae naman kung gustong umani ng respeto ay dapat simulan sa sarili. :>