Tuesday, October 13, 2009

HATING SIYUDAD Tula

Nasnas na ang paghihintay.
Nawawala na sa hulog
ang paghahanap,
wala na ang liwanag ng pagtunton
sa daan na dapat landasin
para magbalik ka sa akin.

Nasnas na ang pagsasaliksik.
Hindi na kita maibabalik
kung hindi na sariwa
ang mukha mo
na hindi naman mukha ng mga alamat
sa mga daan ng hating siyudad.

Nasnas na ang paglilimi.
Hindi na kita magugunita
na madalas kong ginagawa.
Hindi na isisilid sa isip
ang mga bagay
na ikaw ang nananatiling
mukha.

50 comments:

angelica BSA 1-2 said...

Sa bawat taludtod ng tula ay mababanaag ang saloobin ng may akda .Waring ito ay may nais na balikan buhat sa kanyang nakaraan,subalit alam naman natin na sa ppaglipas ng panahon kahit gaano man kaganda o kapait ang ating mga naranasan ay mananatili na lang itong isang matamis na alaala na tanging sa baliktanaw na lang muli magugunita ang bawat lugar,tao,o bagay man na nakapagbigay sa atin ng kakaibang karaanasan na kumintal sa ating mga isipan.

-angelica BSA 1-2

Ian Chris Alejo said...

Ang tanging reaksyon ko dito lamang ay may malalim na kahulugan ang tulang ito kompara sa ibang tula na nabasa ko sa blog mo, Sir. Marahil ay may kahulugan ito sa nakaraan o sa limitasyon ng isang bagay kaya ito may "hati".

Clarisse Liberato said...

Sa buhay, lahat tayo ay mayroong mga pangyayari sa ating nakaraan na nais balikan. Malungkot, Masaya, Nakakakilig, nakakaluha atbp. Kahit gano natin kanais pang ito ay balikan at muling maramdaman ay wala na tayong magagawa kundi ang ito ay tanggapin at ibaon na lamang sa alaala at gunitain paminsan minsan

-BsPsychology1-4

Mariel Joyce Portillo said...

Ang tula ay nangangailangan ng masusing pag-aanalisa. Magkagayunman, batid kong maganda ang nais ipabatid nito. Marahil, ang tinutukoy nito ay mabilis lumipas ang oras. oderno na ang panahon. Hindi na natin maibabalik ang mga nakalipas. Ito ay mananatili na lamang sa ating mga gunita. Ang tangi na lamang nating magagawa ay pagyamanin kung anong mayroon ka sa iyong palad sa kasalukuyan.

patrick james abelardo said...

ang tulang ito ay gumamit ng mga malalim na salita, marahil na nangungulila ang sumamulat at nais nitong ipahayag ang kanyang damdamin para sa isang taong nawalay sa kanya at hindi na nya nahanap at tanging mga alaala nalang ang mga natira.

Michael Vincent Trugillo said...

Nakakalungkot isipin na ang mga bagay na gustong gusto mong maibalik sayo ay hindi mo na makukuha. kalungkutan ang laman ng tula at masasbi kong nadama ko iyon.

annie aurigue said...

MAHUSAY ANG PAGKAKAISIP NG MGA SALILTA :)

elyssa leonardo said...

Hindi lahat ng mga pangyayaring nakalipas na ay maaari mo pang balikan kaya habanng nandun ka sa panahong iyon, siguraduhin mong nagawa mo ang lahat upang maging masaya ito. Yung mga ala-alang iyon ay mananatili na lamang sa isip at puso mo.

Rosean Dellamas said...

Ang mga bagay na nangyari na ay kailangan na lamang nating tanggapin at alalahanin na lamang. Dahil di na natin ito mababago pa.

Mee Ann Cabato said...

napakalalim na mga salita ang ginamit sa tulang ito..sa bawat taludtod ng tula mababanag ang saloobin ng may-akda... parang gusto neang balikan ang nakaraan subalit alam namn natin sa katotohanan na ang nakaraan ay isa na lamang matamis na alaala na hindi na maaring balikan...

Marc Samson said...

Magandang araw po sa iyo Ginoong Rom Peña

Kahit hindi ako pinanganak noon nakikita ko sa mga larawan ng Escolta at Azcarraga ang kalinisan, kaunlaran, kaayusan na napagsabaysabay. Ngunit ngayon ay tila bagang kaunlaran na lamang ang pinagtutuunan ng pansin. Hindi na nakakayang pagsabaysabayin ang tatlo na napakaebidente noong mga nagdaang panahon.

Ako ay nanghihinayang dahil hindi ko naranasan na mamuhay sa mukha ng dating Maynila.

Kung tutuusin ay kayang pagsabaysabayin ang mga aspeto ng dating Maynila kung ang mamumuno ay magiging sinsero sa pagbabalik nito.

-Marc-

robert roy said...

Masasabi kong sa bawat salita ng tula ay nakakalungkot dahil sa bawat oras na lumilipas at sa mga nagdaang panahon ay siya parin ang naaalala at naging inspirasyon hanggang sa kanyang paglisan.. :)



-BSPSYCHOLOGY 1-4

Cristina Ilao said...

ito ay nagpapahiwatig nang isang pangyayari sa nakaraan na gustong balikan ng may-akda.

Tyrence C. Medes Jr. BSA I-15 said...

Mukhang ito'y isang tulang tungkol sa pag-ibig na nabigo ng may akda. Waring siya'y isang hindi matinong tao ngunit nang makilala si babae ay mukhang nagbago siya. Pero nang hindi naglaon, ito'y nawala din dahil may mahal ng iba ang babae. Sayang at hindi pa ito nanatili dahil marami pa sana siyang magagandang magagawa.

Jenalyn Meneses said...

May mga bagay talaga o pangyayari ang hindi na natin kailanpaman maibabalik. Kalungkutan, yan ang naghahari sa tula.

Mariz Paculanan said...

Ang tulang ito ay isa sa mga tulang maraming maaring maging interpretasyon. Sa aking unang pagbasa sa tulang ito, naisip kong marahil ay ang may akda ay bigo- maaring bigo sa pag-ibig ang sigurado lang para sa akin ay malungkot ang tula, ng mabasa ko ang tulang ito nakaramdam ako ng lungkot.

Marje Andag said...

Tunay, hindi na natin maaari pang balikan ang mga bagay na nagyari na.Ang maaari na lamang natin gawin ay baunin ang mga ito sa ating mga alaala at matuto mula sa mga ito.Upang maiwasan natin na mabigo ay gawin natin kung ano ang dapat habang naroon pa tayo sa sitwasyon iyon.

Malungkot ang tulang ito sapagkat may mga bagay itong gustong balikan pero hindi na maaari.Ipinapaalala nito na dapat nating pahalagahan ang oras.

Claresille Ladao said...

Di natin maiaalis ang panghihinayang natin sa mga pangyayari sa nakaraan na nais iparating ng tula . Ngunit lagi nating tatandaan na ibigay na natin ang lahat ng ating makakaya sa paggawa sa mga gawin sa kasalukuyan na ito ay maging epektibo upang di ito pagsisihan sa hinaharap .

kimberly beo said...

ang buhay ay binubuo ng kasiyahan at kalungkutan .. pagpupunyagi at mga problema ..

sa paglipas ng panahon .. maraming bagay ang ating minamahal at pinapahalagahan.. ngunit dumarating ang oras .. na kailangan na natin tong iwanan ... at minsan . kailanma'y di na natin maaaring balikan ..

ngunit magkagayunman .. ang mga alaala nito ay mananatili sa ating puso at isipan habambuhay ..

napakatalinhaga ng tulang ito ..
mahusay ang pagkakalikha ..
:)

kimberly beo said...

ang buhay ay binubuo ng kasiyahan at kalungkutan .. pagpupunyagi at mga problema ..

sa paglipas ng panahon .. maraming bagay ang ating minamahal at pinapahalagahan.. ngunit dumarating ang oras .. na kailangan na natin tong iwanan ... at minsan . kailanma'y di na natin maaaring balikan ..

ngunit magkagayunman .. ang mga alaala nito ay mananatili sa ating puso at isipan habambuhay ..

napakatalinhaga ng tulang ito ..
mahusay ang pagkakalikha ..
:)

jojelyn colopano said...

ang buhy ay puno ng iba't ibang pangyayari na siyan magpaptibay sa atin sarili

carlo jimenez said...

Masyadong malalim ang tulang ito. Ngunit maganda ang nilalaman. Malaman kumbaga. Pag-ibig ang nanaig sa damdamin ko. Isa kang henyo Rom!

lyme garcia said...

damang dama ko ang saloobin na nais iparating ng may akda.bawat minuto, oras at araw ay mayroong mga pangyayari sa ating buhay na hinihiling natin na sana'y maulit ang lahat ng magagandang pangyayari na dumaan sa ating buhay.

Tristan Jay Cruz said...

Malalim ang kahulugan ng tula. Pero ramdam ko na ang kalungkutan ang nangingibabaw sa tulang ito.

camille crisostomo said...

mababanaag sa bawat taludtod ang damdamin na nais ipahayag ng may akda. napakalalim ng tula at lubhang napakaganda talaga.

Rizzelle manalad said...

Ang tula ay nagkaroon nang isang magandang interpretasyon na hindi lahat nang iyong pagkakamali ay kaya mong balikan nang ganun na lamang. Dahil hindi lahat ay kaya mong itama nang ganun na lang. Maganda ang pagpapangaral nang tula dahil dito matuto ang mga makakabasa nito na may mga nadadaanan na hindi na maibbalik pa bagkus pagbutihan na lang ang bawat pagdaan upang hindi pagsisihan.

jordan balladares said...

Tila nais ng may-akda na ipakita ang kahalagahan ng kasaysayan. Ang pagbabalik tanaw sa nakaraan upang malaman ang tatahaking daan sa kasalukuyan.

harry medenilla said...

Ang tanging masasabi ko rito ay mahirap nang balikan at mga kasiyahan sa buhay lumg kayat wala tayong magagawa kundi tanggapin kung ano ang meron sa ating ngayon.

crisby delgado said...

Naging malalim ang nais ipakahulugan ng may-akda sa mga mambabasa.tila ba may nais siyang balikan mula sa nakalipas subalit huli na ang lahat. mahihinuha sa bawat taludtod ang nais ipahayag ng may akda, ang kanyang malalim na saloobin at damdamin ay naging mahusay.

crisby delgado said...

Naging malalim ang nais ipakahulugan ng may-akda sa mga mambabasa.tila ba may nais siyang balikan mula sa nakalipas subalit huli na ang lahat. mahihinuha sa bawat taludtod ang nais ipahayag ng may akda, ang kanyang malalim na saloobin at damdamin ay naging mahusay.

Stephen Zion Macaraeg said...

maaaring hindi maintindihan kung binasa ng diretso ngunit kapag inintindi ay may mgandang mensahe :D

Camille Nicole Sanchez said...

ang mahihinuha ko dito ay waring may pinaghuhugutan ang may akadea na waring mjy pinagdaanan sya.

Ricardo Bohol said...

siguro ay nagkakahulugan ito ng mga naganap pagkatapos ng isang depresyon. ginamitan ang tulang ito ng mga malalalim na salita, marahil na nangungulila ang sumulat at nais nitong ipahayag ang kanyang damdamin para sa isang taong nawalay sa kanya at hindi na nya nahanap at tanging mga alaala nalang ang mga natira. nakakabagbag-damdaming tula.

VM Paloma said...

Ang pagkakaintindi ko sa tulang ito ay parang may bagay o taong gustong maibalik o makita muli ang persona at hindi niya na ito magawang maibalik o makita pa.

Liezel Alco said...

Isang tulang may malalim na damdamin ang aking napansin. Mahusay ang mga tulang isinusulat nyo po sir, malalalim at makahulugan para sa bawat mambabasa nito. Mabuhay po kayo !!

Justin Angelo Roldan said...

Maikli ngunit isang napakalalim na tula. Kung susuriin ay napakaganda ng mensahe ng awtor dito. Noong unang basa ko ay di ko pa nahinuha ang mensahe, ngunit sa paulit ulit na pagbasa ay malinaw naman pala ang mensahe masyadong malalim lang talaga ang tagalog ng may akda.

ghie ghie said...

May Gusto siyang balikan ngunit itong bagay ay nagbago na hindi na pwedeng balikan. Sa ating buhay may mga bagay na nagbabago yung iba para sa kabutihan yung iba naman para sa ikakasama. Lagi tayo dapat handa sa mga pagbabago, Dahil sa mundong ibabaw walang pernamente. Ang lungkot ng persona sa tulang ito. Hindinya matanggap ang pagbabago.

Irene Joy Geroy BSPsy 1-4

Rhian Bitoin said...

Pinapakita sa tula ang isang malungkot na pangyayari sa may akda kung saan hindi na niya magawang balikan pa ang nakaraan.

adnel rose barbo said...

Tunay na napakalalim ng kahulugan nito. Batay sa pagkakaintin ko. ay nais balikan ang may akda sa kanyang nakaraan.

Myra Togonon said...

Malalim at makahulugan ang mensaheng nis iparating ng tula. Sa bawat taludtod ay madarama mo ang emosyon ng may-akda. Tunay na isa ka pong magaling na manunulat, Sir. Naipahayag mo ang iyong mga saloobin sa pamamagitan ng masining na paglikha ng tulan ito.

Shaira Mae Maliwat said...

Ang tulang ito ay nagpapakita ng masidhing damdamin. Nais ipahatid ng tula na minsan ang mga bagay, tao at mga pangyayari sa ating buhay na hindi na natin maibabalik..

Joanna Marie Joaquin said...

May mga bagay tayong ginawa sa nakaraan na gusto nating balikan.. Ngunit hindi na nababalik ang panahon na lumipas.

SalvieBallori said...

Ang lalim ng ibig sabihin ng tulang ito. Sa buhay ng tao marami tayong nakaraan na hanggang ngayon ay sariwa parin sa ating isipan. Kung minsan ay gusto natin itong balikan ngunit alam naman natin na imposible, ang pwede lamang nating gawin ay sariwain ito upang tayo'y laging inspirado sa ating mga gawain.

kenneth barrera said...

napakamakahulugan ng tulang ito..

marami ng pangyayari sa ating buhay na lumipas na ngunit gusto na ating nbalikan..masakit man isipin ngunit kelangan nating tanggapin na ito ay bahagi na lamang ng ating nakraan..

Gerald Aloc BSA 1-15 said...

Nakakalungkot na hindi na pwedeng maibalik ang mga bagay na nawala na sayo.

Kate Alagao said...

Habang nababasa ko ang tulang ito, nakakaramdam ako ng kalungkutan. may mga alaalang pumapasok sa aking isipan, ngunit gaya nga ng pinapahiwatig ng tula ay hindi na natin ito mababalikan kahit gustuhin pa natin ito. makikita na ang manunulat ay naipapahayag nya ang kanyang damdamin sa tulang ito.

Chris Lo said...

Ang mga bagay na tapos na ay di na mababalikan pa.

Owen Villanueva said...

Nakaramdam ako ng lungkot habang binabasa ko ang tulang ito. Tunay ngang hindi na natin pwede pang ibalik ang mga bagay na nangyari kaya'y wag na natin isipin pa ang mga nakaraan kundi isipin natin kung ano ang nasa kasalukuyan.



Arah Charisse Pile said...

Honestly. Hindi ko maintindihan. HAHA. Lalim ng term. Sorry. :">

Geleen Gail Inocencio said...

Sir napakahusay mo pong gumamit ng ating wika. Ang emosyon mo ay nalilipat sa bawat salita at kataga ng iyong mga akda. Napaka husay!