Thursday, October 8, 2009

MIYUKI (Ang Paglalarawan)

saltik: ikaw ang di hibíng
kapalarang pumailanlang

paltik: ikaw ang niyebeng
humalik sa langit

lagitik: ikaw ang babaeng
dahilan ng aking kasaysayan

pitik: matayog ang tadyang
na iyong pinaghugutan

lintik: kumapal ang kimpal
na ulap hanggang sa di na kita maaninag

14 comments:

Deo Javier said...

Wow! Ako pala ang unang magkokomento. Tulad nung nauna kong nabasa, di ko na naman sya naintindihan. Napakahirap pala talaga ng wikang pilipino pang pinalalim. Nabagabag lang ako sa mga salitang magkakatunog ang dulo kaya napukaw nito ang aking atensyon :D

Michael Vincent Trugillo said...

Ang lalim, yung mga bokabolaryong ginamit ay d ko pa naririnig kaya hindi ko maintindihan. Malawak ang kaalaman ng gumawa lalo na pagdating sa bokabolaryong Filipino.

Justine Jamella Pecasales said...

Ako ang pangatlong magkokomento. At sasabihin ko ding di ko naunawaan ako sinasabi sa tula dahil sa mga malalalim na salitang ginamit. Pero kudos sa pagkakabuo ng tula, maganda ito pakinggan sa tainga. :)

Justine Jamella T. Pecasales
BS Psychology 1-4

Claresille Ladao said...

Mas epektibo sana ang kakalabasan ng tulang ito kung ang mga ginamit na salita ay tiyak na maiintindihan ng lahat tulad ng mga naunang tula .

jojelyn colopano said...

hindi ko naintindihan . ang mahuhusay na manunulat lang siguro ang makakintindi nito. hindi siya matarok ng aming simpleng imahinasyon

camille crisostomo said...

nais kong sabihin na hindi ko talaga lubos na naunawaan ang tula.sana ay gumamit siya ng mga salitang angkop sa limitasyon ng imahinasyon ng aming mga estudyante.

Stephen Zion Macaraeg said...

malinaw ang mga katangiang nabilang sa tula marahil hindi basta basta ang paggawa sa tulang ito .

Camille Nicole Sanchez said...

masyadong malalim ang mga salitang ginamit ng may akda para maintindihan naming mga estudyante.

Jasper Ibanga said...

Nakakatuwa basahin na nagbibigay ng makulay na paglalarawan sa kada salita. Mahusay

Joseph Cabrera said...

Sa tingin ko ay naipahayag nang malinaw ngunit malinaw ang akda. Pinapakita dito ang gratityud ng mga karakter sa isa't isa. ang cheesy pero ang lalim

Gerald Aloc BSA 1-15 said...

D naman ganun kalalim pero d ko talaga maintindihan ang nais ipahiwatig ng tula....

Chris Lo said...

Hmm. Kung iisiping mabuti ay napakalalim ng nais ipahiwatig ng manunulat sa mga mambabasa.

Kate Alagao said...

Malalim ang nais ipakahulugan ng tula ngunit sa pagkakaintindi ko, binibigyan niya ng malalim na kahulugan ang bawat salita. Gayun pa man ay di ako sigurado sa aking pagkakaintindi.

Geleen Gail Inocencio said...

Napakalalim sir! Ang iterpretasyon ko ay bawat isa ay may nasasabing kanilang pananaw. XD