Tuesday, November 30, 2010

SANA FACEBOOK KA NA LANG, KALIKASAN!

Sana Facebook ka na lang kalikasan
para lagi kang bibisitahin, laging titingnan
at pahahalagahan.

Sana facebook ka na lang kalikasan
para di ka makararanas na mapabayaan,
saktan at iwanan.

Sana facebook ka na lang kalikasan
para kahit mag-send ng message
ang mga jejemon at mangamusta,gaya ng
“eow phou kalikasan, mouzta kqa nah phou?”
ay may maisasagot ka sa kanila na:
“Mabuti naman, ito masarap pa rin ang pakiramdam.”

Sana facebook ka na lang kalikasan
para kapag binisita at binuksan ka,
makikita sa application mo ang mga larong Farmville at Pet Society.
Maraming malilibang sa‘yo,
malilibang sa pagtatanim,pagbubungkal, at pag-aani.
Hindi ka hahayaang makalbo at maubusan ng pananim.

Sana facebook ka na lang kalikasan
tulad din sa Pet Society, aalagaan nang husto
ang mga hayop at hindi hahayaang maubos.
Sana facebook ka na lang kalikasan… sana…

Sana facebook ka na lang kalikasan
para kahit may mag-post sa wall mo
at magtanong kung ano ang nagiging problema mo,
ang maisasagot mo ay parang pang-miss universe na sagot,
“I don’t have any major major problem.. that’s all, thank you!”
Haaay…sarap sanang pakinggan.

Sana facebook ka na lang kalikasan
dahil nakakaawa ang kalagayan mo sa kasalukuyan,
tila isa ka sa mga hostage victim sa Quirino Grandstand
at naghihintay na lang ng kamatayan.

Sana facebook ka na lang, kalikasan!

113 comments:

Ian Chris Alejo said...

"Kung facebook ang kalikasan,
Marami ang pro, malamang;
Marahil ay maraming aktibistang
Sa cyber crime law ay lalaban."

Isang "metaphor" kumbaga ang nagamit para ihalintulad ang kalikasan. Oo nga, kung facebook ka Kalikasan, araw araw akong lalanghap ng "updates" mo sa Page mo! Ililike ko pa!

Joan Mangana said...

Kung facebook sana ang kalikasan, maaari na sana itong mapangalagaan.

Araw-araw titingnan na ng mga tao ang updates o ang mga nagaganap tungkol dito.

LIKE!!

jhonray morco said...

Sana nga Facebook na lang ang kalikasan.. Dahil sobra sobra kung alagaan ng mga tao ang facebook.. Sana ganun din ang kalikasan. Aalagaan ng mga tao. 'Di tulad ngayon na sadyang sinisira na ng mga tao ang kalikasan.

Rezon Ribaya said...

Sana nga facebook na lang ang kalikasan para mtutunan naman po ng mga taong alamin ang "updates" sa kanya. Para matutong pahalagahan ng mga tao ang kalikasan. Kung siguro facebook ang kalikasan matutunan ng mga taong alamin at hindi ipagsawalang bahala ang mga pagbabago sa kalikasan.

Ang husay po ng pagsulat ninyo dito. Malaking tulong po ito para mamulat ang mga tao sa mga nangyayari sa ating paligid. Salamat po sa pagsulat ninyo nito.. Sana po ipagpatuloy ninyo ang pagsulat ng mga ganitong uri ng akda. God Bless po... :D

Clarisse Liberato said...

Kung Facebook lang po ang kalikasan ay malamng ang lahat ng tao ay magkakaroon ng pakielam, magkakaroon ng aksyon at mabibigyan ng mas maraming pansin ang kalikasan
Magaling po ang pagkakagawa, nakakapukaw pansin ang pamagat at pagkakagawa

-Clarisse Liberato
Bs Psychology 1.4

Patricia Belmonte said...

Sana facebook na nga lang ang kalikasan. Kasi sa mga panahon ngayon, yung ibang mga tao ay nagiging 'busy' lang kaka-facebook imbis na tumulong sa pangangalaga sa ating kalikasan :)

Pauline Santos said...

Ang tula ay sadyang nagbibigay inspirasyon lalo na sa mga taong nagfe-facebook. Dapat nga naman nating pahalagahan ang kalikasan katulad ng pagpapahalaga natin sa ating mga Pet Society o Farmville at higit sa lahat, ito ay ating nabibigyan ng pansin.

Pauline Santos said...

Ang tula ay sadyang nagbibigay inspirasyon lalo na sa mga taong nagfe-facebook. Dapat nga naman nating pahalagahan ang kalikasan katulad ng pagpapahalaga natin sa ating mga Pet Society o Farmville at higit sa lahat, ito ay ating nabibigyan ng pansin.

EdAllan Ramos said...

Kung ang kalikasan ay magiging Facebook , malamang ay pagtutuunan ito ng pansin ng mga tao sapagkat karamihan sa mga tao ngayon ay aliw na aliw sa internet society tulad ng Facebook.

adnel rose barbo said...

Ang tulang ito ay nais mag-iwan ng mensahe na sana'y tulad ng facebook, magawa nating pahalagahan ang kalikasan. Ito ang siyang maaaring magpamulat sa bawat nilalang kung ano ang nararapat gawin ng bawat isa.

vina solitario said...

ouh nga! ang facebook laging binubuksan at inaalagaan.
saka dun din sa mga laro,di hinahayaang magwithered ang tanim. sana ganun din in real life.

Abigail Manalo said...

Ako'y sadyang tinamaan sapagkat ito ay lubrang totoo ang sumasang-ayon sa ating panahon. Ako'y nanalig na kahit na paano, mababago pa.

-Abigail V. Manalo
BS Psychology 1-4

JayBoy Ladag said...

Sana Facebook ka na lang kalikasan
para lagi kang bibisitahin, laging titingnan
at pahahalagahan.

sana Facebook na nga lang ang kalikasan para lahat ng tao nakasubaybay ni walang oras na pinalalagpas upang mapaganda at mapataas ang kanilang kasanayan.

Mikhaela Calcita said...
This comment has been removed by the author.
Mikhaela Calcita said...

Napakaganda po ng pagkakagawa at umaayon po sa panahon natin dahil halos lahat ng tao sa ating bansa, bata man o matanda ay gumagamit na ng Facebook. SANA kung gaano natin bigyan halaga/pansin ang Facebook ganun rin tayo sa ating Kalikasan.
Para may 'updates' tayo sa mga nangyayari, aware tayo sa mga dapat at 'di dapat gawin,
at upang magawan ng solusyon ang mga problema sa ating Kalikasan.
Huwag tayo maging pabaya sa ating kalikasan dahil ito ay pahiram lang sa atin ng Panginoon at tiyak na marami pa ang makikinabang sa susunod na henerasyon. Maging Halimbawa tayo sa kanila. :)

- Mikhaela Andrea B. Calcita
BS Psychology I-4
October 17, 2012

lhyn praun said...

sana nga facebook ka na lang kalikasan nang sa gayon ay makiisa ang lahat na pangalagaan ka.

kung facebook ka lang, marahil ay itututon nila ang kalahati ng araw nila sa iyo gaya ng pagsasayang nila ng oras sa pag-oonline.

at kapag ikaw nga ang facebook, ikaw na ang tatanghaling may pinakamaraming like at number 1 most visited !!

saan ka pa?!



- sana maisip ng lahat na sa halip nakaharap sila sa kanilang mga computer ay ibalin na lamang nila ang oras sa pangangalaga at pagpapayaman ng ating kalikasan..

aMAISIEng said...

Nakakaapekto ng damdamin nu kapag tinatamaan ka sa bawat salitang sinasabi sa tulang ito.
Totoo kasi na ngayon halos wala na tayong pakialam sa ating sinisilungan na kapaligiran. Tayo pa ang nagpawalang-bahala sa ating tinitirhan. Tayo pa ang may ganang magalit pagnakaranas tayo ng delubyo.
Tayo na nga tong hindi nagbibigay halaga, tayo pa ang nasasaktan. Iba na talaga tayo, minsan walang pakiramdam. Hindi na natin naisip na ipinahiram lang sa atin itong tinutuluyan natin ngayon, ni hindi pa nating makuhang pahalagahan.

Gerlie Jara said...

Tunay ngang ang Kalikasan ay parang Facebook . Habang tumatagal, unti-unti nang nagsasawa ang mga tao. Pinapabayaan at naghahanap ng bago. At sa paghahanap ng bago, unti-unti nitong sinisira ang dating lubos na pinapangalagaan.

-- Maganda ang mensahe ng tula .. Ang simpleng mga salita ay may taglay na malalim na kahulugan.. Isapuso natin ang nais ipahatid ng may akda .. tulad ng facebook, maging updated sa pangangalaga ng ating kalikasan :)

Graxe Tamondong said...

Sang-ayon ako sa may-akda. Sana nga facebook na lang si kalikasan, para oras-oras, araw-araw, na.a.update natin siya at maitatanong nating "What's on your mind"

jonnas montoya said...

Kalikasan, Facebook ka na nga lang sana para tulad nito- palagi ka rin naming iisipin. Good job author! Ang husay po ng pagrerelate nyo ng kalikasan sa facebook, sana dumating nga ang araw na kung paano natin mahalin ang fb ay ganoon din natin aalagaan ang kalikasan.

patrick james abelardo said...

sana nga lang facebook ang kalikasan kung saan lagi ntin itong inaUpdate, at "What's on your Mind" tungkol sa kalikasan na pinipilit protektahan pero hindi masyadong matagumpayan at nagreresulta ng mga kalamidad tulad ng pagbaha, pagguho ng lupa kasabay ng mga tahanan, buhay at mga pangarap ng bawat isa. hindi na natin maikukubli iyon dahil sa karaniwang henerasyon, malayo na ang narating ng ating teknolohiya at nagpapalipas ng oras sa pagFacebook, Twitter at kung ano-ano pa at nakalimutan na ang kalikasan na syang biktima.

Karen Carillo said...

Maganda at maayos ang pagkakabuo ng tula dahil mayroon itong kakaiba't kaakit-akit na paksa. tunay ngang napapanahon ito kaya lahat ay kasali sa isyung tinalakay. Naging malinaw din ang pabibigay ng mga bagay na taglay ng facebook na sana'y mayroon din sa kalikasan.

Sumasang-ayon ako sa may-akda at nararapat lang na ituring nating tila facebook ang kalikasan.

kimberlie busog said...

Kung pwede nga lang, matagal ng hiling na sana kung paano natin pahalagahan ang ating facebook ay ganon din ang kalikasan. Wag na nating hintayin pang mawasak ito bago tayo matauhan. Alagaan natin ang kalikasan katulad ng pag-aalaga natin sa ating sarili at sa sikat na sikat na facebook website. Isang paalala ito mula sa may akda.

Jerlyn Austero said...

Unang linya pa lang ay tumama na ng lubos sa aming mga kabataan
"Sana Facebook na lang ang kalikasan, para laging bibisitahin, laging titignan at papahalagahan...."
At kung aking wawakasan sa mga tayutay na ginamit.. ito ang aking magiging pahayag..
"Sana kalikasan na lang ang facebook, nang minsan atin ding makalimutang bigyan ng pansin ang hindi gaanong importanteng mga bagay...
Sana kalikasan na lang ang facebook, para maiba naman at nang madiligan ng totoong tubig ang Facebook at sa kabilang banda ay sa isang 'click' lang ay yayabong ng muli ang ating kalikasan"

Paul Cruz said...

Sana nga Facebook ka na lang Kalikasan para bigyan ka ng pansin at maalagaan ka rin.

Marami na masyadong tao ang facebook ng facebook dapat pansinin din ang kalikasan

rizza francia soriano said...

gusto ko yung daloy ng tula.. nakaka-inspire at nakukuha yung damdamin ko.. kasi tama nga "kung facebook nga lng talaga ang kalikasan.." para sa bawat oras na mag lolog-in ka may oras kang maitutuon sa kanya.. at magiging parte ng buhay mo na ayaw mong mawala.

rizza francia soriano said...

napakaganda ng tula.. nakakapagbigay kahulugan sa buhay ng bawat isa.. tama..! "kung facebook nga tlga ang kalikasan".. para sa bawat oras na nilalaan natin pag mag lolog-in tayo sa account natin makapagbigay tayo ng pansin sa bawat hinaing at problema ng kalikasan na naiuupdate saten

jesse del rosario said...

maganda ang mensahe ng tula. kung ang profile nga natin sa facebook ay pilit nating pinapaganda bakit hindi rin natin ito gawin sa ating kalikasan? ito ri'y ating pangalagaan at pagyamanin.

James Angelo Diez said...

Sana nga FB ka nlng kalikasan para wala ng makakalimot at ikaw ay papahalagahan. Npakaganda ng mensahe at sana'y naunawaan nating lahat na meron pa tayong kalikasan na dapat pahalagahan hindi lng ang mga status sa facebook ng iyong kaibigan :)

Al-Zheinie Tupaz said...

Sa una palang ay nakapagpatama na sa atin ang sinasabi ng may akda. dahil kung facebook lng ang kalikasan maaalagaan natin ito ng maayos at hindi mapapawalang bahala. dahil sa milyung-milyon gumagamit ng facebook , milyung-milyon rn ang mag aalaga sa kalikasan, at hindi na rn tayo makakaranas ng anumang delubyo.

rodel fenellere said...
This comment has been removed by the author.
rodel fenellere said...

napakagandang tula :) tagos sa puso sa lahat ng taong tanging teknolohiya na lang ang kinakapitan at tila nakakalimutan na nag ating kalikasan . pagbabahagi sa paraan ng paghahalintulad . mahusay :))

Switzel Ocaña said...

Sana nga, Facebook na lang ang kalikasan para lagi mong nabibisita. Handa kang bigyan ito ng oras at pagpapahalaga upang hindi ito masira o may masamang mangyari. Nakakatuwang isipin na may mga tao pa rin na nakakatulong sa kalikasan sa pamamagitan ng pagsulat ng tula tulad nito.
Salamat sa nagsulat nito. Na-inspire mo ako. :)

marjorie tobias said...

sana nga facebook nlang ang kalikasan .. kung ating pakaiisipin,hindi bat marami o halos lhat ng kabataan ay nahuhumaling na dto..sana nga facebook nlang pra mabigyan nman ntin ito ng panahon at atin itong pakaingatan..

elyssa leonardo said...

Sana FACEBOOK ka na lang KALIKASAN! Kung tutuusin malaki ang naging punto mi G. Rom sa kanyang naibahaging tula. Una, gumamit siya ng metaphor kagaya nga ng sibi ng ilan upang ihalintulad ang kalikasan sa facebook. Pangalawa, binibigyang pansin niya ang mga suliranin tungkol sa kalikasan kung saan nga mas pinagtutuunan natin ng pansin ang facebook kaysa nga naman sa kalikasan. At huli nais niya ipabatid sa lahat na sana ay gawin rin natin ang pag-alaga at pagsasaayos ng kalikasan ng kagaya sa mga bagay na halos araw-araw nating ginagawa sa facebook.

annie aurigue said...

TAMA! Buti pa ang FB tinataniman at inaalagaan ang Kalikasan nma'y napapabayaan. :(

jell tan said...

sana nga talaga , kung ang kalikasan ang magiing facebook , di na ko maglalagay ng password sa wi-fi namin at aayain ko pa ang aking mga kaibigan at mga kapit-bahay para gamitin ang aming internet connection para mabisita nila ang INANG KALIKASAN :))

Mee Ann Cabato said...

dapat nating pahalagahan ang ating kalikasan.. bigyan natin ito ng oras at panahon dahil dito tayo umaasa sa bawat takbo ng buhay natin...

Kate Alagao said...

ang tulang ito'y isang eye-opener sa bawat indibidwal. Na mas napapahalagahan natin ang social networking site kaysa sa ating kapaligiran. Kapag nabasa mo ito, magkakaroon ka ng realization na sana nga ay facebook na lang ang kapaligiran. Ito'y isang tula na nararapat na mabasa ng bawat tao upang magkaroon sila ng pagpapahalaga sa ating kalikasan :)

Claresille Ladao said...

Nakakapukaw ng atensyon yung pamagat sapagkat ito'y napapanahon . Sana nga "FACEBOOK" na lang ang ating Inang Kalikasan upang ating pakialaman , ngunit atin pa ring tatandaan na marahil ginawa ang akdang ito upang magkaroon tayo ng pakialam at bigyan ito ng tamang pag-aalaga upang sa huli'y di tayo MAPAGHIGANTIHAN .

Justine Jamella Pecasales said...

Napakaganda ng tulang ito. Base ito sa katotohanang napakarami ng nawiwili sa paggamit ng facebook samantalang ang pag aalaga sa kalikasan ay nakakalimutan na. Sana nga facebook ang kalikasan para sa tuwing may notifications, palaging updated ang mga tao sa nagaganap sa ating kalikasan. :)


Justine Jamella T. Pecasales
BS Psychology 1-4

Joan Rose Miguel said...

Sana nga facebook nlng siya at least khit na magpakaaddict kmi sa FB may maganda naman itong maidudulot....
Edi sana updated din at laging napangangalagaan ang kalikasan.... Pero di ba pwede pa rin naman tayong makiisa,, sa halip na ubusin ang halos laht ng oras sa pagfefacebook pwede namang maglaan khit na 2 oras sa kalikasan di ba. di ba kapag tumigil, nakakasave ng energy? nakatulong na tayo....

Tumulong sa kalikasan kahit sa simpleng paraan, kabataan..... :)

Cristina Ilao said...

ang ganda ng pagkakasulat . .
ang galing ng ideya . .
kapag nabasa ito . .siguradong mapapaisip tayo at magigising sa katotohanan na nakakalimutan na natin ang kalikasan

kimberly beo said...

ang husay ... grabe !! sobrang husay ng tula .. ang galing ... lubos akong sumasang-ayon sa kaisipan ng may-akda .. na-"touch" naman ako sa tulang ito ..

sana nga'y facebook na lang ang kalikasan ... sana nga .. sana nga .. nang sa gayo'y ito'y ating mapangalagaan at hindi mapabayaan ...

:)

kcirlenn rodelas said...

Nakakalungkot mang isipin ngunit ito ang totoo. Mas nabibigyan pa natin ng panahon ang mga bagay na di ganoong mahalaga. Sana may magawa tayo para sa ating kalikasan dahil para sa atin din ito.



Kcirlenn Rodelas
BS Psychology I-4

Joan Rose Miguel said...

Salamat sa isang magandang tulang inyong isinulat kami ay may napulot na aral :) Isang realisasyon sa realidad na nasa aming harapan...

Manuel Joseph Servando said...

Maganda ang tula at naayon sa panahon.. Maganda rin ang nagiging paghalintulad.. At sana nga maraming makaintindi sa magandang mensahe ng tula.

Joycefer Alejos said...

Sana nga facebook na lang ang kalikasan upang nagkakaroon tayo ng pa nahon upang bigyang pansin ang mga nagyayari sa ating kalikasan. At upang magkaroon tayo ng oras upang pagandahin ang ating kalikasan at pag ingatan ito .

Marjorie Quimora Fernandez said...

Maliwanag ang nais ipahiwatig ng manunulat, ito ay ang bigyan ng halaga ang kalikasan tulad ng pagpapahalaga ng tao sa facebook. Maganda ang adhikain ng akda sapagkat makatutulong ito para ingatan at mahalin ng mga tao ang kalikasan.Ito ay isang magandang paraan ng pagmamalasakit sa kalikasan lalo na kung isasabuhay ng mga tao ang kanilang pagmamahal sa kalikasan

kristel anne bernaldez said...

Tama ang may akda, tunay ngang napakarami ang nahuhumaling sa facebook. Update dito, update doon. Kung sana'y ang atensyon na ibinibigay natin sa kalikasan ay ganoon rin upang tayo naman ay linis, dito, linis doon ang ginagawa. Sana.. puro nalang sana..

Ricardo Bohol said...

sa akdang ito, inilarawan ang kalikasan kung magiging katulad niya ang mga social networking sites tulad ng facebook na laging pinapansin at inaalagaan para mas yumabong ito, hindi tulad ngayon na halos nasisira ito dahil sa pagkasawalang-bahala natin dito. maganda at nakakarelate talaga ang tulang ito dahil inihantulad sa isa sa mga popular sa panahon ngayon upang mapakita ang kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan natin.

Ayeza Camille Bilugan said...

maganda ang paggamit ng tayutay na metaphor, ang direktang paghahalintulad ng manunulat sa kalikasan at facebook ay agad na nagbibigay linaw sa mensaheng nais niyang iparating.

Geminie Villarin said...

Tama!
Sana facebook na nga lang ang kalikasan para marami ang may pakialam dito.Hindi nila ito pababayaan,palaging bibisitahin hindi lang araw-araw kung hindi oras-oras.
Sana ay magkaroon ang mga tao ng pagpapahalaga sa kalikasan katulad ng ibinibigay nila sa social networking site na FACEBOOK.

Julieann Caber said...

ahm.. ang ganda po ng tula ! Sabay sa trending ngayon.. ang Facebook !

More power po sa inyo :)

Pag palain po kayo !

Micah Marquez said...

Isang mahusay na pagtutulad ang ginawa sa
'SANA FACEBOOK KA NA LANG, KALIKASAN!'. Mabulaklak ang mga ginamit na salita na siyang nakatulong upang maging mas kaaya-ayang basahin ang tula. Nagustuhan ko ang tula at ang paraan ng pagkakasulat nito.

Tyrence C. Medes Jr. BSA I-15 said...

Gusto ng may akda na ang kalikasan ay parang facebook nalang, dahil sa kanyang palagay ay mas may pagpapahalaga pa ang mga tao sa facebook kaysa sa ating kalikasan at dahil na rin sa kalunos-lunos nitong kalagayan. Ang iba't-ibang gawain na makakatulong sa ating kalikasan ay mas ginagawa pa ng mga tao sa kanilang laro sa facebook. Napakahalaga ng ating kalikasan, kaya atin itong pahalagahan.

Sai Andrade said...

sa tulang ito, malinaw na ipinapahiwatig ng may-akda na kailangan na nating bigyang pansin ang kalikasan. Kagaya ng pagpansing ibinibigay sa Facebook, kung sa araw-araw ng ating buhay ay madalas nating bisitahin ito, gayundin dapat ang ating kalikasan. Hanggat inuubos natin ang ating oras sa pagbubukas ng ating mga akawnt, unti unti na ring nawawasak at nasisira ang ating kalikasan. Ang tulang ito ang nagsilbing instrumento ng manunulat upang imulat tayo sa katotohanang ang kalikasan ay malapit na sa kanyang katapusan.. :DD

Justin Angelo Roldan said...

Isang tula na layuning magbukas ng mata ng kanyang mga taga basa. :) Isang primyadong awtor siguro ang gumawa ng tulang ito, dahil napakalinis at napakaswak ng pagkukumpara nya sa kalikasan at sa isang social networking site na "facebook". Isang henyo ika nga! Malinaw na malinaw sa aking ang mensahe ng tula. Gusto nitong sabihin na ibaling nalang natin ang nasasayang nating oras sa social networking sites gaya nga ng facebook sa pagkalinga at pag aruga sa ating inang kalikasa. Ngunit, subalit, bagamat meron paring ibang matitigas ang ulo na isasawalang bahala ang napakagandang mensahe ng tula na ito, sa tingin ko ay dapat na nating simulan sa ating sarili ang pagbabago para mahikayat at mahawaan natin ang ibang matitigas ang ulo. Saludo ako sayo! G. Rom Nakakatuwa talaga ang tula. Isang obra maestra ito at dapat mabasa ng lahat ng kabataan!

Justin Angelo Roldan said...

Isang tulang nais imulat ang mata ng mga kabataan ngayon na lulong at adik na adik na sa social networking site na "facebook". Napakalinis at napakswak ng paghahambing ng awtor sa kalikasan at sa facebook. Maraming halimbawa ang kanyang ginamit at ito'y nakakaaliw. Isang henyo siguro sya. :) XD Ang nais iparating ng tula sa aking perspektibo ay iwasan at imanipula ng maayos ang oras natin sa pagkokompyuter at paggamit ng facebook. Sa halip ay gamitin natin ang oras na ito para arugain at bigyang kalinga ang ating inang kalikasan dahil kailangang kailangan nya na tayo. lalo na ngayon na nagiiba na talaga ang mundo. Sana maraming mga kabataan ang makabasa nito upang masimulan ang pagbabago sa kanilang sarili at maging halimbawa sa iba pang mga kabataan dahil sigurado ako na ang iba ay babaliwalain lang ito dahil ito lang naman ay isang requirement para sa grado. Sana ay isapuso natin ang mensahe ng tula. Isa ka ba sa mga matitigas ang ulo? Kumilos na.

Bibigyan ko ng 5 out of 5 ang tulang ito dahil napakaraming mensahe ang nakapaloob dito na maaring makapagpabago sa atin.

erika chua said...

Maganda ang ideya na ginamit para ipakita na ang ating inang kalikasan ay talagang napagsasawalang bahala na. Marami tayong oras na inaaksaya o ginagamit sa mga bagay na alam nating hindi naman ganoon ka-importante.Matuto tayong makiramdam dahil ang ating kalikasan ay may buhay din. Nagseselos din yan kapag nababalewala sya.

Marje Andag said...

Tunay ang nasabi ng may akda.Marami na sa atin ang higit na nagbibigay atensyon sa kanya-kanyang facebook accounts kaysa ang makialam sa kalagayan ng kapaligiran.Kaya nating isantabi ang anuman makapag-"update" lang sa facebook ngunit kung titignan,wala naman talaga tayong napapala mula rito bukod sa makapaglibang.Ano nga kaya kung sa kapaligiran naman tayo mag-"update", kung sa kalikasan naman tayo maghanap ng libang?Tiyak, mas marami tayong mapapala.Makakatulong pa tayo na panatilihin ang ganda ng likas nating mga yaman.Maisasalba pa natin ang kawawang si Inang Kalikasan.

Hanga ako sa husay ng may akda, kung paano niya naipaabot ang mensahe ng tula.Napakagaling ng kanyang ideya, napakamalikhain.Ito'y kapansin-pansin.

Verlyn Ann Gupit said...

"Sana Facebook na lang ang Kalikasan"
---ang ganda ganda talaga ng tulang ito.

Sana nga pwede ganun na lang.Kaya lang nakakalungkot ang katotohanang may oras tayong mag facebook ngunit wala tayong oras para mailaan ang sarili para sa kalikasan. Sa simpleng paraan may magagawa tayo para sa kanya..

karen rose Ramilo said...

Napakagandang pagtutulad. Nagawang paghimbingin ang dalawang bagay na napakalayo sa isa’t isa. Nakakaaliw basahin ang tulang ito . Ngunit kung iyong pagninilayang mabuti, napakahalaga ng mensaheng nais iparating nito. Ginamit ang facebook upang ikumpara marahil ay dahil sa napakapopular nito sa lahat, kung ganun din sana kakilala ang kalikasan, eh di maganda! Hehe. Hayahay ang uhay… haha

lizzette elago said...

tinamaan ako sa pinahayag sa tula kasi isa ako sa mga taong gumagamit ng facebook at nakakalimutan na ang kalikasan

lizzette elago said...

tinamaan ako sa pinahayag sa tula kasi isa ako sa mga taong gumagamit ng facebook at nakakalimutan na ang kalikasan

Alyanna Joyce Guan said...

Malaking tseeeeek! :)) Kung facebook ang kalikasan, siguradong mas lalo itong pagtutuunan ng pansin ng nakararami. Malungkot mang isipin pero binibigyan talaga ng importansya ang pagsusurf sa net kesa sa mga mahahalagang bagay tulad na lamang ng kalikasan. Magbago na tayo!

Mark Jason Cervantes said...

Sana nga Facebook na lang ang kalikasan, kasi ang facebook 7x a week kung dalawin, ang kalikasan nandyan na nga sa paligid mo, wala ka pang pakialam.

marie lyca dela cruz said...

Maganda ang nais ipabatid ng manunulat sa tulang ito. Inihalintulad niya sa Facebook ang kalikasan at ang paraang iyon ay tunay ngang nakakapukaw ng pansin sa mga kabataan maaaring makabasa nito. Nailapit niya sa mga mambabasa, lalo na sa mga kabataan ang tunay na kalagayan ng ating kalikasan.
Dahil nga sa ang facebook ay patok na patok sa karamihan, siguradong malaking tulong ang naipabatid ng may-akda sa pag-aalaga sa kalikasan.

Joanna Mae Montales said...

Ang ganda ng pagkakagawa ng akda dahil nagamit niya ang sikat ngayon na FACEBOOK para ilathala ang nangyayari sa kalikasan. Masasabi kong kung Facebook nga lang ang kalikasan, maraming tao,lalo na ang mga kabataan ang tunay na mangengealam sa mga nangyayari sa kalikasan. Malamang nailigtas ng mga tao ang ating Inang Kalikasan.

carlo jimenez said...

Tama ito. Masyado nang sunud-sunuran ang mga Pilipino partikular ang mga kabataan sa paggamit ng facebook. Kung facebook nga naman ang ating kalikasan, matagal na siguro itong naayos, nalinis at napaganda.

jojelyn colopano said...

napakaganda ng kahulugan ng tula. sinasabi nito na dapat rin tayong maglaan ng oras para sa kalikasan

Star Daprosa said...

sana nga facebook ka na lang kalikasanpara laging naka-UPDATE sila sa iyo.
at hindi lang yun,ila-LIKE ka pa. baka nga i-SHARE ka pa!!

Carmela Ursua said...

ang ganda ng mensahe ng tula. sana nga mas madalas ang aksyon ng mga tao sa pagpapaganda at pagsasaayos ng kalikasan kaysa sa pagbubukas sa iba't ibang social networking sites.

Gerald Aloc BSA 1-15 said...
This comment has been removed by the author.
Gerald Aloc BSA 1-15 said...

Ang ganda ng mensahe ng tula. Dahil ngayon ay mas pinahahalagahan ang facebook kaysa sa kalikasan.

jordan balladares said...

Tama, bakit kelangam pang maging facebook para lang mapansin ang kalikasan. Kung alam lang sana ng lahat ang status nito di sana marami ang mangangalaga nito. nakakalungkot..

camille crisostomo said...

ito ay pagpapakahulugan sa malalim na ugnayan ng tunay at kabalintunaang mga bagay sa mundo. dapat ay matuto tayong tanggalin na sa sistema ng buhay natin ang pagdudulot ng oras sa mga bagay na malayo sa katotohanan. gugulin natin ang ating oras sa mga bagay na nagaganap talaga sa buhay ng tao.

Rianne Verdad said...

tama ! sana mas maintindihan ng tao ang kahalagahan ng KALIKASAN satin . at kung gaano ito naisasawalang bahala sa panahon natin ngayon N!

Jarrel Malimban said...

Ang daming pwedeng abalahin, pero ang karamihan ay naging netizen na, ang pagiging citizen para bang nawala na. Internet na lang ang mundo minsan, ang mundo't kalikasan, nakalimutan na dahil netizen na.

Michael Joseph Tapit said...

Ipinapahiwatig nito ang panawagan para sa mas mataas na atensyon na maitugon sa kalikasan... isang simile na ginamit upang makatawag ng atensyon mula sa makabagong herenasyon..... pati tula kailangan ring maging moderno nohh!

Cassey Anne Rheberg said...

BSP I-4 PUP

Sadyang napakaganda ng pagkakagawa ng tulang ito. Pamagat pa lang ay nakakakuha na agad ng atensyon ng mga tao. Napakahusay rin ng paglalapat ng metapos sa bawat taludtod. Sa pamamagitan nito, mas madaling mauunawan ng mga tao ang nais na ipahayag ng tula. Natatamaan ako sa tulang ito sapagkat tulad ng karamihan, avid user din ako ng Facebook. Tama ngang sa kagagamit ng modernong teknolohiya, napapabayaan na natin ang ating kalikasan. At ang masasabi kong pinakagusto kong talata ay ang pangalawa sa pinakadulo dahil akala ko napakaseryoso ng tulang ito. Yun pala ay may nakakatawang parte. :D

Chammy Gail said...

Nakakaantig Damdamin Ang Aking Nabasang Tula .. Punong Puno Ng Kaalaman At Damang Dama Ang EMosyon ! Habang Binabasa Ko Siya , Ako Ay Natututwa Kc Inihahalintulad Ang Kalikasan Sa Facebook .. Nagpapahiwatag Ito Ng Pananawagan Sa Tao .. Na Bigyan Pansin At Halaga Naman Ang Kalikasan .. Dahil Kung Mgiging Facebook Ang Kalikasan , Mapagtutuunan Na Cia Ng Pansin At Mabibigyan Pa Ng Importansya .. Ang Tulang Ito Ay Naghihikayat Ng Atensyon Ng Nkakarami Na Pakahalagan At Mahalin Ang Kalikasan .. Bigay Importansya , Pagmamahal Lalo Na Ng Kalinga .. Dahil Kung Wala Ang Kalikasan , Malamang Wla Ka Rin Sa Iyong Kinatatayuan .. Kaya't Kalikasan Ay Buhayin At Payabungin ..

Stephen Zion Macaraeg said...

kung ang facebook ang kalikasan araw araw pinagtutuunan ng pansin ang kalikasan at marahil ito ay nagamit ng mas matino

Camille Nicole Sanchez said...

sana kung facebook na lang ang kalikasan, aalagaan natin to gaya ng pag aalaga natin sa password natin. at pagagandahin natin ito gaya ng facebook natin.

Camille Nicole Sanchez said...

sana kung facebook na lang ang kalikasan, aalagaan natin to gaya ng pag aalaga natin sa password natin. at pagagandahin natin ito gaya ng facebook natin.

Rhian Bitoin said...

sana di lang "sana facebook."

Sana twitter nadin. para laging updated.

sana google nadin. para laging hinahanap hanap.

ang tulang ito, nagpapakita na sana parang friend lang natin sa facebook ang kalikasan, lagi tayong CONNECTED.

LIKEEE. :D

Shinette delos Santos said...

Isang napakagandang tula galing sa isang malikhaing manunulat. Naiugnay ng manunulat ang kalikasan sa facebook.

Kim Nichole Edora said...

Dapat maging patas ang pagtuun ng pansin ng mga tao sa mga bagay bagay. Pagtuunan din natin ang kalikasan gay ng kung paano natin araw araw bisitahin ang ating account. I-like din natin ito at i-share sa iba para makatulong din sila.

Rochelle Plaras said...

Ang kalikasan, tuluyan na ba talaga nating pababayaan? Aminin nating may malaking oras tayong naibubuhos sa Facebook kaysa sa pag-uukol ng panahon sa ating inang kalikasan. Alam ba talaga natin kung ano ang maaaring maging epekto nito? Hindi ba parang mas maganda kung, imbes na kaharap mo ang kompyuter na ang mga ipinapakita ay di buhay na larawan, e ang luntian at patuloy na nagbabago nating kalikasan na lang?

Roland Lusanta said...

sa tulang ito ay mas lalo ko nalaman at nasabi na sana facebook na lang ang kalikasan dahil sa pagkakasabi sa tula

Cess said...

Ang pagpapahalaga sa facebook sa ngayon ay mas mataas kaysa sa kalikasan.

Princess Dianne A. Yap
BS Psychology 1-4

Marinella Pardillo said...
This comment has been removed by the author.
Marinella Pardillo said...

Kung facebook nalang ang kalikasan, malamang mapapanatili natin itong maganda. Alam naman natin na kadikit na ng bawat tao ang facebook. Oras oras ang ginugugol natin para lamang magpost, maglike, at magshare ng kung ano anong bagay na gusto nating iparating sa iba. Eh kung yung oras na gugugulin natin sa facebook ay itutulong nalang natin sa kalikasan? Malamang malaking tulong iyon. Sana pumasok sa isip natin na bigyan ng importansya ang kalikasan kesa sa facebook na yan.

cristy malco said...

Tugmang tugma sa isat isa ang facebook at ang kalikasan. Ang facebook o ang iba pang social network ang binibigyan ng atensyon ngayon samantalang ang kalikasan ay naisasantabi na lamang. Maganda ang paraang ginamit ng author upang maipaabot ang mensahe na sana naman ay bigyan din ng sapat na atensyon ang kalikasan tulad na lang ng pagugol natin ng oras na pagfa-facebook.

Jasper Ibanga said...

Kung ang Facebook sana ang kalikasan magiging mayabong ito. Dahil sa dami ng taong gumagamit dito.

Marvyn Jason Velasco said...

Isang tulang tatatak sa iyong isipan. Ano na nga ba ang kalikasan ngayon laban sa facebook? Tayo'y masyadong nagpapakalunod sa mga di importanteng bagay! Sana nga talaga maging facebook ang kalikasan! Tingnan natin kung ano ang karapat dapat satin. :)

Jeremy Ann Catunao said...

Sana nga facebook na lang ang kalikasan, para marami ang nag-aalala at natatakot na mawala ito. Ang mundo natin ay nahaluan na ng pagka-materialistic kaya ang mga tao ay hindi na nakakalingon sa pinanggalingan. Pag nawala ba ang facebook, mamamatay tayo? Hindi naman. E pag ang kalikasan nawala, paano na tayo?

Joanna Marie Joaquin said...

Sana nga matutunan nating pahalagahan ang kalikasan tulad ng pagpapahalagang binibigay natin sa Facebook.

Ang husay po ng pagkakasulat ninyo. Magsisilbi po itong "eye opener" para sa mga tao.

Margaret Navarro said...

Sana nga Kalikasan na lang ang Face book, sila'y may mas oras pa dito. Dito mo makikita lahat. Meron delete para tanggaling ang mga walang kwentang bagay, na maaaring makasira sa iyong imahe.

Mary Joy Urminita said...

Napakaganda ng mensahe ng tula. Sana nga ay Facebook nalang ang kalikasan para kahit papaano ay mapangangalagaan natin siya at mapapahalagahan natin ito. Sana ay magawa din nating pagandahin at ayusin ang ating kalikasan tulad ng pagpapaganda natin sa ating mga profile sa Facebook.

Joseph Cabrera said...

Tagapagmulat lamang ang sanaysay na ito. Ihalintulad lamang ang Kalikasan sa Facebook metaphorically.
Salamat sa Sanaysay na ito.

Rizzelle manalad said...

ako ay sumasangayon sa tulang ito. Sana nga ay facebook nlng din ang kabataan nang sa gayon ay atin itong mapagtuunan ng pansin at ating mapangalagaan.

Chris Lo said...

Nakakatawa kung babasahin dahil sa facebook ang ihinanlitulad ngunit kung iisipin ng mas malalim ay malaki ang problema na kinakaharap ng kalikasan ngayon.

Melissa Lyn Ariman said...

Sobrang nakakalungkot ang katotohanan na mas inaatupag pa ng mga kabataan ngayon ang facebook kesa sa kalikasan kung saan tayo kumukuha ng mga pangangailangan natin. Sana matamaan tayo ng mensahe ng tula na ito at magsimula nang kumilos pansinin ang kalikasang matagal nang nanllilimos ng pansin sa atin.

hazel marfa said...

Haixt!nakakalungkot talga!totoo to.Sana mapahalagahan natin ang ating kalikasan at mabigyan ng atensyon tulad ng binibugay nating atensyon sa faceboook. Napakaganda ng mensaheng pinaparating ng tulang ito sana maunawaan nating lahat.

John Salvador Flores said...

Sana nga Facebook na lang ang kalikasan.. Dahil sobra sobra kung alagaan ng mga tao ang facebook.. Sana ganun din ang kalikasan. Aalagaan ng mga tao. 'Di tulad ngayon na sadyang sinisira na ng mga tao ang kalikasan.

Cristian Dionisio said...

Sana nga Facebook nalang ang kalikasan, kasi tiyak na lagi natin itong mabibigyan ng panahon at oras. Siguro alagang-alaga rin natin ito hanggang ngayon. Dapat tayong magkaroon ng pakialam sa kalikasan dahil tayo rin ang makikinabang nito.

Owen Villanueva said...

Sana nga facebook na lang ang kalikasan para di nila mapabayaan ito at para magkaroon pa ng maraming oras ang mga tao sa pag-aalaga at pagpapaganda nito.

chaii Lee said...

Ginamit ang Facebook para ikumpara ang pagpahalaga ng tao dito kaysa kalikasan . magising sana ang mambabasa tio at magkaroon ng pahalaga sa kalikasan .

Jefferson Tiongson said...

IPINAGKUMPARA ANG KALIKASAN SA FACEBOOK UPANG MAIPAKITA SA MGA TAO KUNG ANO ANG GINAGAWA NATIN NA SANA AY GINAGAWA RIN NATIN SA KALIKASAN

Patricia Mae Rabino said...

Nakakalungkot isipin na mula nang tumaas ang modernisasyon sa lahat ng sulok ng daigdig ay hindi na natin halos mapansin at mabigyan man lang ng kaunting atensyon ang NAPAKAHALAGANG bagay na humubog sa atin...

- -NOTE VALUES FOR EVERYTHING .

Arah Charisse Pile said...

Aray. Hehe. Relate and Agree! ;|

Geleen Gail Inocencio said...

Isang tula na sumasalamin sa tunay na estado ng bansa. Makikitang ngayon na MAS may halaga ang facebook o kahit anong networking site sa bansa kaysa sa ating kalikasan. Kung iisipin natin mas tinuunan pa nga ng pansin ang Cyber Crime Law kaysa sa mga batas pangkalikasan eh. -__-