Wednesday, April 3, 2013

INTERNATIONAL CONFERENCE ON LITERATURE ATHENS GREECE


WOW! Ito ang isa sa magandang balita, natanggap ang 2 papel namin nina Sir Jomar Gonzales Adaya Sir John Venson Villareal at Mam Mayluck Malaga sa International Conference on Literature sa Athens, Greece sa July 8-11, 2013, kaya lang mangangailangan kami ng malaking halaga para makapunta kami sa Greece. PANAWAGAN SA MGA MAYAYAMAN, MABUBUTI ANG KALOOBAN, MGA KAIBIGAN, AT KAHIT SINO KA PA, KA-PUPIAN, KAKAPALAN NA NAMIN ANG MGA MUKHA NAMIN, PA-SPONSOR NAMAN! Kung may mga kakilala rin kayo na pwede namin abutan ng sponsorship letter, pa-PM naman. Narito ang mga acceptance letter:


ATHENS INSTITUTE FOR EDUCATION AND RESEARCH
8 Valaoritou Str., Kolonaki, 10671 Athens, Greece. Tel.: 210-36.34.210 Fax: 210-36.34.209
Email: atiner@atiner.gr URL: www.atiner.gr


Athens, 29 March 2013
 
Romeo Peña, Instructor, Jomar Adaya, Instructor
John Venson Villareal, Instructor, Mayluck Malaga, Instructor
Polytechnic University of the Philippines
Philippines
Our Ref: LIT2013/2894083
Dear Colleagues,

I would like to inform you that the selection committee has decided to invite you to speak at our 6th Annual International Conference on Literature, 8-11 July 2013, Athens, Greece on the topic of:

REFLECTIONS ON THE INTEGRATION OF POPULAR CULTURE IN THE WORKS/LITERATURE OF YOUNG BLOOD CREATIVE WRITERS FROM THE ACADEME IN THE PHILIPPINES

Please be prepared for an oral presentation of 15-20 minutes including discussion and visit the conference website:http://www.atiner.gr/literature.htm for more information. Confirm your participation by completing and sending the registration form before 29 April 2013 by fax, regular mail or email. The registration form can be downloaded from (http://www.atiner.gr/2013/REG-LIT.doc). For your convenience, a special conference rate has been arranged with a hotel. Please complete the registration form for the nights you want accommodation for. Reservations should be made as soon as possible as the offer only stands as long as rooms are available. The name of the hotel will be announced 1-2 weeks before the conference. ATINER will select one of the hotels available on the following list: http://www.atiner.gr/docs/Hotels_List.htm. If you need more information on the accommodation please send us an email (not to the hotel itself) at hotel@atiner.gr.
The conference’s social program is available athttp://www.atiner.gr/2013/SOC-LIT.htm. These academic events give the opportunity to our conference participants to further discuss the issues developed during the formal sessions and establish academic collaborations with other scholars from many different countries.
If you want your paper to be considered (peer reviewed) for publication, please submit your manuscript by 10 June 2013 following the paper guidelines, which can be downloaded from:http://www.atiner.gr/docs/Paper_Guidelines.htm. Papers cannot exceed 5000 words (everything included) and must be sent by email only. For more information, please see our abstract and paper publication policy athttp://www.atiner.gr/docs/Publication_Policy.htm. Please, do not fax your paper. In addition to your paper being considered for publication, the Institute publishes an abstract book with an ISBN number and a Conference Paper Series with an ISSN number. The last two publications come out immediately after the conference.
Please support ATINER by asking your library to order our publications from previous conferences, either as books or selected conference proceedings. Visit our publications website for contents and order forms (http://www.atiner.gr/docs/BOOK_PUBLICATIONS.htm).

I look forward to meeting you in Athens.

Sincerely,

Dr. Gregory T. Papanikos
President


ITO PA ANG ISA!

ATHENS INSTITUTE FOR EDUCATION AND RESEARCH
8 Valaoritou Str., Kolonaki, 10671 Athens, Greece. Tel.: 210-36.34.210 Fax: 210-36.34.209
Email: atiner@atiner.gr URL: www.atiner.gr


Athens, 29 March 2013
 
Jomar Adaya, Instructor, Romeo Peña, Instructor
John Venson Villareal, Instructor, Mayluck Malaga, Instructor
Polytechnic University of the Philippines
Philippines
Our Ref: LIT2013/2964089
Dear Colleagues,

I would like to inform you that the selection committee has decided to invite you to speak at our 6th Annual International Conference on Literature, 8-11 July 2013, Athens, Greece on the topic of:

ANALYSIS ON POP CULTURE IN THE SPACE OF FLASH NARRATIVE OR DAGLI IN THE PHILIPPINES

Please be prepared for an oral presentation of 15-20 minutes including discussion and visit the conference website:http://www.atiner.gr/literature.htm for more information. Confirm your participation by completing and sending the registration form before 29 April 2013 by fax, regular mail or email. The registration form can be downloaded from (http://www.atiner.gr/2013/REG-LIT.doc). For your convenience, a special conference rate has been arranged with a hotel. Please complete the registration form for the nights you want accommodation for. Reservations should be made as soon as possible as the offer only stands as long as rooms are available. The name of the hotel will be announced 1-2 weeks before the conference. ATINER will select one of the hotels available on the following list: http://www.atiner.gr/docs/Hotels_List.htm. If you need more information on the accommodation please send us an email (not to the hotel itself) at hotel@atiner.gr.
The conference’s social program is available athttp://www.atiner.gr/2013/SOC-LIT.htm. These academic events give the opportunity to our conference participants to further discuss the issues developed during the formal sessions and establish academic collaborations with other scholars from many different countries.
If you want your paper to be considered (peer reviewed) for publication, please submit your manuscript by 10 June 2013 following the paper guidelines, which can be downloaded from:http://www.atiner.gr/docs/Paper_Guidelines.htm. Papers cannot exceed 5000 words (everything included) and must be sent by email only. For more information, please see our abstract and paper publication policy athttp://www.atiner.gr/docs/Publication_Policy.htm. Please, do not fax your paper. In addition to your paper being considered for publication, the Institute publishes an abstract book with an ISBN number and a Conference Paper Series with an ISSN number. The last two publications come out immediately after the conference.
Please support ATINER by asking your library to order our publications from previous conferences, either as books or selected conference proceedings. Visit our publications website for contents and order forms (http://www.atiner.gr/docs/BOOK_PUBLICATIONS.htm).

I look forward to meeting you in Athens.

Sincerely,

Dr. Gregory T. Papanikos
President

Wednesday, October 17, 2012

WIKANG FILIPINO: HININGA, KAPANGYARIHAN AT PUWERSA

(Pangalawang Gantimpala, Gawad Komisyon sa Sanaysay 2012 ng Komisyon sa Wikang Filipino)


“Parang hininga ang wika, sa bawat sandali ng buhay natin ay nariyan  ito. Palatandaan ito na buhay tayo, at may kakayahang umugnay sa kapwa nating gumagamit din dito.”
—Bienvenido Lumbera

Kapangyarihan ang wikang Filipino sa Pilipinas. Kapangyarihan ang sariling wika. Isa ang sariling wika sa bumubuo ng ating pagkatao. Nang dahil sa sariling wika, nagkakaroon tayo ng tiyak at tunay identidad na hindi hiram sa iba. Nagiging ganap ang ating pagkatao sapagkat malinaw ang nagbunsod nito—ang sariling wika at kultura. Nagiging malaya tayo sa lipunang ating ginagalawan dahil ganap ang ating pagkatao. Nagiging lubos ang kapangyarihan na sumasaklaw sa ating kamalayan kung lubos din nating natatanggap ang sariling wika. Sang-ayon ito sa sinabi ni Bienvenido Lumbera na ganito: “Sa pagtanggap natin sa wika, pumapaloob tayo sa isang lipunan at nakikiisa sa mga taong naroon. Samakatuwid, ang kamalayan natin bilang indibidwal ay karugtong ng kamalayan ng iba sa lipunan. Kapag may kapangyarihang sumakop sa kamalayan ng kapwa natin sa lipunan, kasama tayong napapailalim sa nasabing kapangyarihan.”

Ang sariling wika ay hindi nakababawas ng katalinuhan at katanyagan kung gagamitin sa iba’t ibang larangan. Kung ang usapin ay karunungan, maraming nag-aakala na mahina ang mga Filipinong hindi nagsasalita ng wikang dayuhan partikular na ang mga taong hindi nakapagsasalita ng matatas sa Ingles. Madalas silang maparatangang walang alam o mas masakit, tinataguriang bobo. Isa itong masaklap na pangyayari. Ngunit humihina na ang ganitong pagpaparatang dahil ginagamit ang wikang ito ng kasalakuyang Pangulo at hindi naman ito nakabawas ng katalinuhan at katanyagan. Sa kanyang mga talumpati at opisyal na pakikipagtalastasan sa taumbayan, buhay na buhay ang wikang Filipino tulad ng pagsasabi niya sa kanyang SONA na malakas ang bansang Pilipinas. Hindi ba’t napakaliwanag ang landas na tatahakin kung kasabay ng malakas na Pilipinas ay malakas rin ang Filipino bilang matatag na wikang pambansa?

Ang mga Balakid sa Biyahe ng Wikang Filipino

Sa kabila ng pagpapatatag at malawakang paggamit ng wikang Filipino, buhay na buhay pa rin ang maraming isyung nagpapahina sa ating wikang pambansa. Mga dati nang isyung nagiging dahilan kung bakit hindi umusad ang biyahe nito. Una na rito ay ang hindi maayos na pamamahala ng edukasyon sa ating bansa at karaniwang nakakiling ang mga administrador ng mga paaralan at pamantasan sa wikang Ingles dahil ito raw ang wika ng mundo.

Pangalawa ang uri ng trabaho na laganap sa Pilipinas, ang sunod-sunod na pagsulpot ng mga Business Process Outsourcing (BPO) o mga call center na nangangailangan ng mga Pilipinong sanay magsalita ng Ingles.

Pangatlo ang kakitiran ng pag-iisip ng maraming edukador na hindi maaaring maging wikang panturo ang pambansang wika. Hindi ito maaari sa edukasyon sa Pilipinas. Lagi nilang sinasabi na Ingles lamang ang wika ng karunungan lalo na sa Agham at Matematika. Dati pa itong isyu na hindi pa rin nila matanggap ang sagot dahil nakabaling pa rin ang kanilang paningin sa wika ng mga dayuhan.

Pang-apat na isyu, ang napakababang pagtingin ng mga mambabatas, maraming opisyal ng pamahalaan at ilang kolonyal na Pilipino sa wikang Filipino. Marami sa kanila ang may maling haka na wala itong lakas at hindi matatag para umangkop sa pangangailangan ng Pilipinas sa maraming larangan, medisina, batas, enhinyerya at iba pang malalaking larangan.

At ang huling isyu, kulang na kulang daw sa mga sanggunian at  kakaunti ang naisasaling karunungan mula sa banyagang wika tungo sa wikang Filipino na kailangang–kailangan ng mga estudyanteng Pilipino.

Ilan ito sa nagiging dahilan kung bakit natatrapik ang biyahe ng wikang Filipino. Paulit-ulit na lamang ang ganitong isyu na ipinupukol ng mga Pilipinong mahina ang pagkilala sa sariling wika sa ating bansa. Kaya paulit-ulit na natatrapik ang ating identidad bilang Pilipino.

Kalbaryo ng Wikang Pambansa

Matinding kalbaryo ang sinapit ng wikang Filipino lalo na ang nilagdaan sa panahon ng nakalipas na administrasyong Macapagal-Arroyo ang Executive Order 210 (Establishing the Policy to Strengthen the Use of English Language in the Educational System). Pumasa rin sa kongreso ang House Bill 4701 (An act to Strengthen and Enhance the Use of English as the Medium of Instruction in Philippine Schools) na nagligaw sa wikang pambansa para humina at mawalan ng kabuluhan sa edukasyon sa Pilipinas.

Totoo na ang Ingles ang wika ng mundo para magkaunawaan ang iba’t ibang lahi sa daigdig ngunit hindi totoo na wikang Ingles ang wika ng karunungan sa bansang may sariling kultura at kabihasnan, lalo na’t ang bansang ito ay may sariling wika. Baluktot ang daang tinutumbok ng mga Pilipinong hanggang sa kasalukuyan ay nagsusulong na sa Ingles matatamo ang ganap na pagkatuto.

Kailangan pa ba ng maraming sarbey na magpapatunay na hindi sa Ingles ganap na matututo ang mga Pilipino, samantalang malinaw na sa SWS Survey noong 1993 na 18 porsyento lamang ng mga Pilipino ang may ganap na kadalubhasaan sa paggamit ng wikang Ingles at karamihan pa sa kanila'y lumaki sa Amerika at bumalik lamang dito sa Pilipinas. Hindi pa yata sapat na batayan ito para mapanuto ang mga maka-wikang dayuhan. Sa sumunod na sarbey ng SWS na may kinalaman sa Filipino noong December 1995, sa tanong na gaano kahalaga ang pagsasalita ng Filipino? Lumabas sa sarbey na 2 sa bawat 3 Pilipino ang nagsasabing mahalagang-mahalaga ang pagsasalita ng Filipino. Lumabas din na 71 porsyento ng nasa Luzon, 55 porsyento ng nasa Bisaya at 50 porsyento ng nasa Mindanao ang sumagot na mahalagang–mahalaga ang pagsasalita ng Filipino. Sapat itong batayan na mahalagang-mahalaga ang wikang Filipino saanmang panig ng Pilipinas. Sa sarbey ring ito nalaman ang pulso hinggil sa wikang Filipino ng mga Pilipinong nasa uring ABC (o mga mayayaman, angat at maykaya sa buhay), 73 porsyento sa kanila ang nagsabing mahalagang-mahalaga ang pagsasalita ng Filipino. Matatag itong basehan na hindi lamang ang nasa uring D at E (o mga mahihirap at hikahos sa buhay) mahalagang-mahalaga ang Filipino. Bilang dagdag, sa sarbey rin ng SWS noong abril 8-16 1998, tinanong ang 1,500 na Pilipino sa iba’t ibang panig ng Pilipinas kung ano ang unang wika nila sa tahanan, 35 porsyento ang ang nagsabi na Filipino, 24 porsyento ang nagsabi na Cebuano, 11 porsyento ay Ilonggo, 8 porsyento ay Kapampangan, 5 porsyento ay Ilokano, samantalang 1 porsyento lamang sa buong bansa ang  nagsabi na Ingles  ang una nilang wika sa tahanan. Kung ang resulta ay pumapabor  sa Filipino bilang unang wika sa tahanan, hindi ba’t sa bansang Japan, South Korea, Belgium, Czeck Republic at Slovakia, ang wikang ginagamit nila sa edukasyon ay ang unang wika na natutuhan nila sa tahanan at ang wikang kanilang ginagamit sa pang-araw-araw na buhay. Mapapansing sila ang nanguna sa Third International Maths and Science study noong 1997—ibig sabihin magagaling ang kanilang estudyante sa larangan ng Agham at Matematika. Ang kanilang sikreto, gumagamit sila ng wikang hindi nalalayo sa kanilang identidad–ang sarili nilang wika.

Bukod sa SWS, mapapansing kahit sa pag-aaral ng isang iskolar na Hapones na si Koichiro Nakahara noong Enero 2005 malinaw na hindi Ingles ang namamayaning wika sa Pilipinas. Aniya, “The national language of the Philippines is Filipino. The official languages are Filipino and English. English has been being used there since the beginning of the 20th century but it has not been easy to popularize by the Filipino there.” Lumalabas sa kanyang sarbey na may 139 na Filipinong tagatugon, 35 porsyento ang nagsabing dapat Filipino lamang ang opisyal na wika sa Pilipinas samantalang 2 porsyento lamang ang nagsabi na dapat Ingles lang at 61 porsyento ang nagsabi na Filipino at Ingles. Pinatunayan din ng resulta ng kanyang sarbey na hindi pareho ang Tagalog at Filipino  dahil lampas sa kalahati o 51 porsyento ang  nagsabi na magkaiba ito.

Kung mapapanood ang dokumentaryo ng I–Witness na may pamagat na “Don’t English Me” ni Howie Severino. Nabanggit doon na lampas sandaang taon na nating inaaral ang wikang Ingles ngunit bakit haggang sa kasalukuyan ay tila walang katatasan sa pagsasalita ng wikang Ingles ang mga Pilipino. Pamali-mali pa rin ang marami sa atin sa pagbaybay ng salitang Ingles. Ipagdidiinan naman ng mga maka-Ingles na hindi raw kasi siniseryoso ng maraming Pilipino ang pag-aaral ng wikang Ingles kaya walang ganap na pagkatuto. Baluktot ang kanilang punto. Hindi kasi natural na dumadaloy sa kaisipan ng mga batang Pilipino ang dayuhang wika kaya mahirap maging matatas sa paggamit ng wikang iyon. Nahihirapan ang isang batang nag-uumpisa pa lamang ng pag-aaral sa elementarya na maunawaan ang leksyong pinag-aaralan nila sa  klase lalo na kung itinuturo ito sa wikang hindi niya nakasanayan o nakagisnan. Nagreresulta tuloy ito ng mataas na drop-out rate, tinatamad nang mag-aral ang mga bata dahil hindi naman lubos na nauunawaan ang wika ng guro lalo na sa Agham at Matematika. Sa pagtataya nga sa kasalukuyan, sa 100 batang tumutuntong sa elementarya, 70 porsyento lamang ang nakatatapos. Sa mga nagtapos ng elementarya, 90 porsyento ang makapapasok sa mataas na paaralan at  paglipas ng apat na taon ay 46 porsyento lamang ang magmamartsa at sila lamang ang makatutungtong sa mga unibersidad o kolehiyo. Mapapansing wala pa sa kalahati ang magtatapos sa kolehiyo. Ang masama nito, marami sa mga hindi nakapag-aral ang nagiging kriminal at nagiging problema ng bansa. Ang mga nagtuloy naman sa pag-aaral ay masasabing hilaw ang pagkatuto, kung pag-uusapan ang wika—hindi na matatas sa wikang nakagisnan ay unti-unting nalimutan at hindi na ito napahalagahan. Mali kasi ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas, bata pa lamang ay isinusubo na ang wikang dayuhang mahirap maunawaan.

Wala naman talaga sa wikang dayuhan ang pagkatuto ng mga Filipino kundi nasa sariling wika. Pagpapatunay nga ng isang edukador na Canadian na si Phil Bartle, “Sa pag-aaral ng basikong literasiya, ang wikang gagamitin ay base sa kung ano ang karaniwang naiintindihan at alam ng pamayanan. Walang isang wika ang pinakamahusay kaysa sa iba.” Kung babalikan din natin ang kasaysayan ng Pilipinas, nang ipinag-utos ng mga Amerikano noong 1901 na gawing opisyal na wikang panturo ang wikang Ingles sa mga paaralan sa Pilipinas, makalipas lamang ang dalawampu’t limang taon ay nabatid agad ng Amerikano sa pamamagitan ng pag-aaral ng Monroe Educational Survey Commission  na hindi naging matagumpay ang pagkatuto ng mga Pilipino gamit ang wikang Ingles sa kanilang pag-aaral. Dahil dito ipinag-utos din noong 1931 na wikang vernakular na ang gagamiting wikang panturo sa elementarya.

Matagal na dapat nating alam na ang wikang dayuhan ang isa sa dahilan ng pagkaligaw nating mga Pilipino sa daan ng karunungan. Noon pa sinasabi at ipinaalala ng isa pang Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan na si Virgilio Almario na, “Kailangang-kailangan na natin ang Filipino sa edukasyon at opisyal na talastasan. Pero ayaw nating harapin ang tawag ng taumbayan.”

Pagsakay sa Tatag ng Filipino Bilang Wika ng mga Pilipino

Umiiral sa realidad sa Pilipinas na ang Filipino ay wikang panlahat. Nandyan ito, umiiral at ginagamit sa araw-araw na pakikipagtalastasan ng mga Pilipino. Mga Pilipino ang kusang tumanggap nito bilang wikang pambansa at naging katangi-tangi ang tatag nito dahil ito ang wika ng lipunang Pilipino. Kaugnay ito sa sinabi ni Pamela Constantino na, “Ang anumang kapangyarihan o puwersa ng wika ay itinalaga ng institusying sosyal.” Hindi maitatangging malakas sana ang puwersa at kapangyarihan ng wikang Filipino sa maraming larangan tulad ng edukasyon, batas, agham, teknolohiya at iba pa, ang kaso pinahihina at binabansot ng paniniwala ng nagkukunwang edukado at maraming politiko sa ating bansa.

Isang simpleng sitwasyon ang maaaring maging halimbawa na maraming nagkukunwang edukado ang salat pa rin ang kaalaman pagdating sa usapin hinggil sa ating sariling wika. Sa panahon na nililitis si dating Presidente Joseph Estrada sa kasong pangungurakot. May isang sitwasyon na nagpapakita ng maling pagtanaw sa wika ng mga mambabatas sa Pilipinas kaya hindi ito maisulong nang husto bilang wika sa larangan ng batas. Noong tinanong ni Hilario Davide (isang Cebuano), ang saksing si Emma Lim kung anong wika ang nais niyang gamitin sa pagtestimonya, sumagot si Lim na sariling wika ang gagamitin niya—ang Tagalog. Nakapagtataka ang sinabi ni Davide na wala silang interpreter mula Tagalog tungong Ingles, sa Filipino tungong Ingles ay mayroon. Tila hindi batid ni Davide ang pinagdaanang kasaysayan ng wikang Filipino. Dahilan kaya ang pagiging Cebuano niya? Ngunit nang magsalita si Senador Franklin Drilon na isang Ilonggo, sabi niya, hindi na kailangan ng interpreter sapagkat lahat naman sila ay mauunawaan ang testimonya kahit sa Tagalog.

Nabanggit din ni Constantino na taglay ng wika ang kakayahang baguhin ang paniniwala ng isang indibidwal. Sa pakikipag-ugnayan gamit ang wika, maraming bagay ang maaaring magbago. Kunsabagay, marami nang pangyayari sa Pilipinas na kinakitaan ng malaking pagbabago tungo sa pagsusulong ng wikang Filipino.

Ang matibay na halimbawa ay noong Agosto 20, 2007, tatlong korte sa Lungsod ng Malolos ang nagdesisyong gumamit ng Filipino sa paglilitis upang maisulong ang pambansang wika. Labindalawang istenograpo mula sa hukuman 6, 80 at 81 bilang modelong korte gamit ang wikang pambansa ang sumailalim sa pagsasanay  sa Marcelo H. del Pilar College of Law ng Bulacan State University bilang pagsunod sa direktiba ng Korte Suprema ng Pilipinas hinggil sa paggamit ng Wikang Filipino sa istenograpiya. Pangarap noon ng dating Punong Mahistrado na si Reynato Puno na pati sa Laguna, Cavite, Quezon, Nueva Ecija, Batangas, Rizal at Metro Manila ay maipatupad ang paggamit ng sariling wika sa paglilitis.

Dati pa man, sa sanaysay ni Virgilio Almario na may pamagat na “Filipino ang Filipino” nabanggit na niya ang maraming pagsisikap at eksperimento sa paggamit ng Filipino sa gawaing akademiko. Aniya, maraming gurong pasimuno sa mga unibersidad, lalo na sa UP, Ateneo de Manila, at De La Salle. Nangunguna raw si Dr. Virgilio Enriquez sa mga orihinal na saliksik sa sikolohiya sa wikang Filipino. Itinuro ni Fr. Roque Ferriols ang pilosopiya sa Filipino. Isinalin ni Judge Cesar Peralejo ang kodigo sibill at kodigo penal. Lumikha ng diksyonaryo sa kemika si Dr. Bienvenido Miranda at sa Medisina si Dr. Jose Reyes Sytangco. May libro sa ekonomiks si Dr. Tereso Tullao, Jr. sa wikang Filipino. May mga nagtuturo ng matematika sa Filipino. At marami nang jornal at monograp sa iba’t ibang disiplina na nakalathala sa Filipino. Kaya hindi totoo na kulang na kulang sa sanggunian at kakaunti ang naisasaling karunungan mula sa banyagang wika tungo sa wikang Filipino. Katunayan, patuloy ang Sentro ng Wikang Filipino ng Unibersidad ng Pilipinas sa paglalathala at pagpondo sa mga aklat na nasa Filipino. Nasabi na rin dati pa ni Almario, “Kung ang usapin ay ang paglilimbag ng mga materyales sa pag-aaral na nakasulat sa sariling wika, walang demand kaya hanggang ngayo’y walang pabliser na nagpapasimuno sa paglalathala ng aklat sa wikang Filipino sa iba’t ibang larangan.”

Ang lahat ng nabanggit na halimbawa ng pagsisikap tungo sa ikauunlad ng pagkatuto sa iba’t ibang larangan ay dahil sa puwersa at kapangyarihan ng wikang umiiral at nandyan lang. Hindi na dapat nating ipagtaka kung paano nagawa ang pagsasalin at pagpapabukal ng karunungan sa ibat’ ibang larangan gamit ang wikang Filipino. Angkop na angkop ito sa pananaw ni Umberto Eco sa kanyang sanaysay na “Language, Power, Force” binanggit niya, “We must not be amazed then to hear people say that the given language is power... because outside the given language there is nothing.”

Pagtahak at Pagtalunton sa Wika at Edukasyon sa Pilipinas

Naging pugad ng anomalya ang edukasyon sa Pilipinas  sa mga nakalipas na taon. Naging gatasan ito ng ilang opisyal ng gobyerno na naging mitsa ng panganganib ng kalidad ng edukasyon ng mga Pilipino. Ilan sa anomalya ng DepEd ay ang noodles scam noong 2007, ang noodles na nagkakahalaga ng 18 pesos bawat isa. Ang textbook scam na isiniwalat ni Antonio Go kung saan bumili ang gobyerno ng mga aklat na hindi dumaan sa maayos na bidding at ebalwason na nagdulot ng mababang uri ng mga aklat ngunit napakamahal ang presyo. Nakasasagabal ang ganitong pangyayari sa Pilipinas upang maabot natin sa taong 2015 ang inihain ng United Nations na Education for All (EFA) o Edukasyon para sa Lahat, higit pa yatang lumalala ang baku-bakong landas na tinatahak ng edukasyon sa Pilipinas. Kahit bumuo noong 2007 ang nakaraang administrasyong Macapagal-Arroyo sa pamamagitan ng Executive Order 652 ang Presidential Task Force on Education (PTFE) upang matugunan ang EFA, wala itong nagawa dahil patuloy na bumagsak ang literacy rate o antas ng pagkatuto ng mga Filipino. Sa datos nga ng NSO noong  2011 apat sa sampung kabataan ang hindi marunong bumasa at sumulat.

Batay sa mga datos na nakalap ni Dr. Edberto Villegas, sa panahon ni Macapagal-Arroyo, kalunos-lunos ang kalagayan ng mga estudyante at guro sa mga pampublikong paaralan sa Pilipinas. Nasaliksik niya na batay mismo sa estadistika ng gobyerno, may kakulangan ng 49, 000 na klasrum at may 2, 381, 943 na mga desk/armchairs sa ating mga paaralan. Ang ratio ng bilang ng libro sa mga estudyante ay 0.33 sa mga pampublikong paaralang pang-elementarya at 0.6 sa hayskul. Nananatili rin ang kababaan ng sahod ng mga guro ayon sa datos ng Alliance of Concerned  Teachers o ACT. Ang 500,000 guro sa elementarya at sekondaryang pampublikong paaralan ay sumasahod lamang mula 4, 000 hanggang 6, 000 bawat buwan.

Bukod sa mga nabanggit na mga anomalya at suliranin sa edukasyon. Nananatiling suliranin sa larangang ito ang hindi pagtanggap ng maraming edukador sa wikang Filipino bilang wikang panlahat at wikang panturo.

Ayon kay Bienvenido Lumbera, “Sa kasalukuyan, nagkapuwang na ang wikang Filipino sa kurikulum. Hindi pa ito ang kinikilalang wikang panturo, pero may lugar na ito sa paaralan. Nakapasok na sa akademya ang wika ng masa. Bagamat ang marami sa mga maykapangyarihan ay nagmamatigas pa rin na sa Ingles lamang nagaganap ang tunay na edukasyon ng kabataang  Filipino.” Sa obserbasyong ito ni Lumbera, ang lakas at kapangyarihan ng sariling wika sa Pilipinas ay pinipigilan pa rin ng mga maykapangyarihan dahil nakabaling sila sa dayuhang wika. Tila bulag ang mga Pilipinong nasa kapangyarihan at kolonyal mag-isip kung kaya’t nananatiling suliran sa edukasyon hanggang sa kasalukuyan ang wikang panturo.

Ang isa pang mabigat na isyu, hindi magaganap ang pagsupling ng kontra-kolonyal na wika at edukasyon kung ang laganap na trabaho sa Pilipinas ay Business Process Outsourcing (BPO) o mga call center. Dahil sa trabahong ito, lumikha ng mga programa ang maraming unibersidad na magpapalakas sa wikang Ingles at ang mga kolehiyo at unibersidad na may programang BSE English at AB English ay hindi na tumuon sa pangangailangan ng Pilipinas na humubog ng mga magiging edukador sa hinaharap, itinuon at nakapadron ang mga kurikulum sa pangangailangan ng mga call center na sa loob nito’y mga Pilipinong naglilingkod sa mga dayuhan. Masaklap kung iisipin na maraming mga kolehiyo at unibersidad sa ating bansa ang hindi naghahain ng mga programang nagsusulong at nagpapalakas ng identidad at diwang Filipino gaya ng mga programang BSE Filipino, AB Filipinolohiya, Araling Pilipino na pinalalakas na lamang ng ilang unibersidad sa ating bansa. Kung may mga trabaho nga lang sana tumutugon sa pangangailangan ng mga Pilipino, hindi sana nagiging ganito ang sitwasyon ng mga institusyong pang-edukasyon.

Ang Tatag ng Wikang Filipino, Lakas ng Pagka-Pilipino

Sa napakaraming isyu tungkol sa wika at edukasyon sa Pilipinas, mababakas naman kahit papaano sa sinasabing tuwid na landas ng kasalukuyang administrasyong Aquino ang kontra-kolonyal na wika at edukasyon. Huwag nga lang sana itong maging wang-wang kundi maipatupad din ayon sa kagustuhan ng kanyang nga boss—tayong mga Pilipino. Bukod sa pambansang programa niya kontra-korupsyon, ang kanyang pambansang adyenda sa edukasyon para sa ating bansa ay bumabaling sa Filipino. Ayon sa DepEd, sa kasalukuyan napigilan na ang ugat ng korupsyon sa kanilang ahensya at tumuon sila sa pagpapataas ng edukasyong primarya. Nais nilang “bawat bata, mambabasa” sa unang grado, sa ganitong punto mapapataas ang antas ng literasiya sa ating bansa. Inuumpisahan na rin ang pagbabalik ng maayos na ebalwasyon sa mga librong gagamitin sa paaralan upang makatiyak na dekalidad ito at hindi nahahaluan ng korupsyon. Dinirinig na rin ayon sa DOLE ang dagdag na umento sa sahod ng mga guro. Huwag lang sana itong dinggin kundi dagdagan na ng makakasapat sa pang-araw-araw na pangangailangan ng guro sa kasalukuyan. Ayon din sa nakaraang SONA ng administrasyong Aquino, bumaba ang bilang ng walang trabaho sa Pilipinas. Magandang indikasyon ito ng pagbabago, pero sana ang idinadagdag na trabaho ay Pilipino ang nakikinabang hindi laging dayuhan na lang. Malinaw rin ang papel na tinatahak ng wikang pambansa na kasama sa adyenda ni Aquino sa edukasyon, makatwiran lamang na gamitin ang sariling wika bilang midyum ng pagtuturo sa ating bansa. Palalakasin ang paggamit nito sa Agham at Matematika upang makamit ang kahusayan sa larangang ito. Ang pananaw niya sa wika ay ganito: Matuto ng Ingles at umugnay sa daigdig, matuto ng Filipino at umugnay sa ating bansa at panatilihin ang sariling wika at umugnay  sa pamana ng lahi.

Sa landas na tinatalunton natin bilang mga Pilipino, dapat magkaisa tayo. Tigilan na ang kolonyal na pag-iisip na nagpapabagal sa pag-unlad ng identidad at karunungan nating mga Pilipino. Kung may naiaambag man ang kasalukuyang administrasyon sa pagpapalakas ng sariling wika, huwag lang doon umasa, higit dapat tayong maging malakas bilang mga Pilipino. Magiging malakas tayo kung mananatiling matatag ang ating sariling wika dahil idiniin ni Lumbera, “Parang hininga ang wika, sa bawat sandali ng buhay natin ay nariyan  ito.”


MGA SANGGUNIAN:

Almario, Virgilio S. (1997). Tradisyon at Wikang Filipino. Lungsod ng Quezon: Sentro ng Wikang Filipino.

Aquino, Benigno Simeon III S. (2010) salin ni Roberto T. Añonuevo. 10 Ways to Fix Education in the Philippines nasa http://alimbukad.com.

Bartle, Phil. (2008) salin ni Myla Burke. Mga Prinsipyo ng Kaalaman sa Pagbasa at Pagsulat nasa http://www.scn.org/mpfc/modules/lit-prtt.htm.

Constantino, Pamela C. (1996). Wika Bilang Kasangkapang Panlipunan: Wikang Pambansa Tungo sa Pangkaisipan at Pang-ekonomikong Kaunlaran nasa Mga Piling Diskurso sa Wika at Lipunan. Pamela C. Constantino at Monico M. Atienza, mga ed. Lungsod ng Quezon: University of the Philippines Press.

Eco, Umberto. (1986). Language, Power, Force nasa Travels in Hyperriality: Essays translated from Italian by William Weaver. Great Britain: Picador

Lumbera, Bienvenido. (2007). Ang Wika ay Kasangkapan ng Maykapangyarihan: Ang Wika Bilang Instrumentong Politikal nasa http://avhrc-kultura.blogspot.com.

Nakahara, Koichiro. (2005). Review of Some Literatures and Results of Survey on English and Filipino in the Philippines nasa http://opac.kanto-gakuin.ac.jp.

Villegas, Edberto M. (2004). Ang Sistema ng Edukasyon sa Pilipinas nasa http://www.bulatlat.com/news/4-6/4-6-edukasyon.html.



Thursday, September 29, 2011

(Sagutin ito!) Language, Learning, Identity, Privilege

By JAMES SORIANO
August 24, 2011, 4:06am

MANILA, Philippines — English is the language of learning. I’ve known this since before I could go to school. As a toddler, my first study materials were a set of flash cards that my mother used to teach me the English alphabet.

My mother made home conducive to learning English: all my storybooks and coloring books were in English, and so were the cartoons I watched and the music I listened to. She required me to speak English at home. She even hired tutors to help me learn to read and write in English.

In school I learned to think in English. We used English to learn about numbers, equations and variables. With it we learned about observation and inference, the moon and the stars, monsoons and photosynthesis. With it we learned about shapes and colors, about meter and rhythm. I learned about God in English, and I prayed to Him in English.

Filipino, on the other hand, was always the ‘other’ subject — almost a special subject like PE or Home Economics, except that it was graded the same way as Science, Math, Religion, and English. My classmates and I used to complain about Filipino all the time. Filipino was a chore, like washing the dishes; it was not the language of learning. It was the language we used to speak to the people who washed our dishes.

We used to think learning Filipino was important because it was practical: Filipino was the language of the world outside the classroom. It was the language of the streets: it was how you spoke to the tindera when you went to the tindahan, what you used to tell your katulong that you had an utos, and how you texted manong when you needed “sundo na.”

These skills were required to survive in the outside world, because we are forced to relate with the tinderas and the manongs and the katulongs of this world. If we wanted to communicate to these people — or otherwise avoid being mugged on the jeepney — we needed to learn Filipino.

That being said though, I was proud of my proficiency with the language. Filipino was the language I used to speak with my cousins and uncles and grandparents in the province, so I never had much trouble reciting.

It was the reading and writing that was tedious and difficult. I spoke Filipino, but only when I was in a different world like the streets or the province; it did not come naturally to me. English was more natural; I read, wrote and thought in English. And so, in much of the same way that I learned German later on, I learned Filipino in terms of English. In this way I survived Filipino in high school, albeit with too many sentences that had the preposition ‘ay.’

It was really only in university that I began to grasp Filipino in terms of language and not just dialect. Filipino was not merely a peculiar variety of language, derived and continuously borrowing from the English and Spanish alphabets; it was its own system, with its own grammar, semantics, sounds, even symbols.

But more significantly, it was its own way of reading, writing, and thinking. There are ideas and concepts unique to Filipino that can never be translated into another. Try translating bayanihan, tagay, kilig or diskarte.

Only recently have I begun to grasp Filipino as the language of identity: the language of emotion, experience, and even of learning. And with this comes the realization that I do, in fact, smell worse than a malansang isda. My own language is foreign to me: I speak, think, read and write primarily in English. To borrow the terminology of Fr. Bulatao, I am a split-level Filipino.

But perhaps this is not so bad in a society of rotten beef and stinking fish. For while Filipino may be the language of identity, it is the language of the streets. It might have the capacity to be the language of learning, but it is not the language of the learned.

It is neither the language of the classroom and the laboratory, nor the language of the boardroom, the court room, or the operating room. It is not the language of privilege. I may be disconnected from my being Filipino, but with a tongue of privilege I will always have my connections.

So I have my education to thank for making English my mother language.

Friday, April 29, 2011

ORE NO AKIRA (WATASHI NO AKIRA)

(Para sa nagsabi sa akin na ako ang kaniyang mata habang nasa loob ng Mercury Drug)

Sa araw na ito, magtatago ako sa liwanag.
Hahanapin mo ako sa sinag ng araw,
sa kislap ng bituin, sa kinang ng buwan.

Makikita mo ako.
nakasilip, natatanglawan
ng ilaw ng kalangitan.

Ore no Akira means My Light

Saturday, April 23, 2011

11th IYAS Creative Writing Workshop

Dear Mr. Peña,

Congratulations! You have been selected as one of the fifteen fellows for the 11th IYAS Creative Writing Workshop to be held on April 25 - 30 at Balay Kalinungan, University of St. La Salle, Bacolod City.

The selection committee has awarded fellowships for emerging writers in English, Filipino, Bisaya and Hiligaynon in the genres of poetry, playwriting and short fiction among applicants nationwide.

IYAS fellows will be given a partial transportation subsidy of P 3,000 for those from Manila, P 1,500 from Cebu/Mindanao, and P 500 for those from Iloilo. Your board and lodging is free; however, we will not provide for your inland transportation. Upon arrival, please proceed to Balay Kalinungan where you will be staying for the duration of the workshop.

We will have a welcome dinner for the fellows and panelists on April 24, 6:30 PM at Dr. Coscolluela’s residence. There will be a van at Balay Kalinungan to bring you to the dinner venue. Departure will be at 6:00 PM.

The workshop proper will start at exactly 8:00 AM on April 25. It will consist of plenary sessions and small group interactions with the panelist/s in the afternoon. Fellows will be assigned to a group with a lead panelist according to the language and genre of works submitted.

If you have more questions, feel free to get in touch with me through phone or email.

Thank you.


Regards,


Dr. Gloria Fuentes
Project Coordinator
Creative Writing Workshop

Tuesday, January 11, 2011

SA BINGIT NG PANGANIB: PAGSALBA AT PAGPROTEKTA SA WIKA AT KALIKASAN, PAGBASA SA SALUNGATAN NG DALAWANG PITAK PANGWIKA AT PAGTUTOK SA MGA MILLENNIUM DEVELOPMENT GOAL (MDGS) ni Romeo Palustre Peña


(Pangalawang Gantimpala, Gawad Komisyon sa Sanaysay 2010 ng Komisyon sa Wikang Filipino)


Panimula

Ang tao ang bumubuo sa lipunan. Esensiyal ang tao sapagkat kung walang tao ay hindi magkakaroon ng lipunan. Ang tao ang gumagawa ng kaniyang kapalaran, nag-iisip ng kaniyang gagawin at naghuhulma ng kaniyang ikabubuhay. Ngunit tulad ng pagiging esensiyal ng tao, nananatiling esensiyal ang wika sa tao. Ang bawat pangkat ng mga tao o ang lipunang may sariling kultura at kabihasnan ay lumilikha at lumilinang ng wikang angkop sa kanilang pangangailangan. Pangangailangan ng lahat o ng buong lipunan, at hindi pangangailangan ng isang partikular na tao lamang.

Nananatiling mahalaga ang tao sa lipunan tulad ng pagiging mahalaga ng wika sa tao. Upang lubos na maunawaan ang kahalagahan ng wika, hiramin natin ang bahagi ng sanaysay ng Pambansang Alagad ng Sining para sa Literatura na si Bienvenido Lumbera (2007) bilang patunay, “Parang hininga ang wika, sa bawat sandali ng buhay natin ay nariyan ito. Palatandaan ito na buhay tayo, at may kakayahang umugnay sa kapwa nating gumagamit din dito. Sa bawat  pangangailangan natin ay gumagamit tayo ng wika upang kamtin ang kailangan natin—kung nagugutom, humihingi ng pagkain; kung nasugatan, dumadaing upang mabigyan ng panlunas; kung nangungulila, humahanap ng kausap na makapapawi sa kalungkutan.”

Sa sinabing ito ni Lumbera, malinaw na talagang napakahalaga ng wika. Instrumento ito upang maipahayag at maipabatid ang pangangailangan ng bawat tao. Inihalintulad niya ang wika sa hininga, ang ibig sabihin—walang buhay kung walang wika. Kakabit ng pagiging tao ang pagkakaroon ng wikang magagamit sa pakikipagtalastasan o pakikipag-ugnayan sa kapuwa. Wika nga ni J.V. Stalin (1995), “Isang medium at isang instrumento ang wika na nakatutulong sa komunikasyon, pagpapalitan ng kaisipan, at pag-uunawaan ng  mga tao. Dahil tuwirang nakaugnay ito sa pag-iisip, inirerekord at itinatakda ng wika sa salita, at  sa mga salitang pinagsasama-sama sa pangungusap, ang resulta ng pag-iisip at ang mga tagumpay sa kognisyon ng tao, at sa gayon ay nagiging posible ang pagpapalitan ng idea sa lipunan ng tao.

Kung esensiyal ang wika at instrumento ito sa pagpapalitan ng kaisipan at pag-uunawaan ng mga tao, ano ang magiging halaga nito sa iba’t ibang larang ng mundo?

Wika ng Kalikasan at Kalikasan ng Wika

Matagal na ring naisulat ang tungkol sa kalikasan ng mga manunulat na Filipino. Sa katunayan, ikinuwento na ng premyadong kuwentistang si Efren R. Abueg ang ganda ng kalikasan sa kaniyang akdang “Sa Bagong Paraiso”, ang kalikasang ito ang naging tahanan ng mga tauhan niyang sina Ariel at Cleofe. Ganito ang paglalarawan ni Abueg:

At ang kanilang daigdig ay isang malawak na looban… Ang malawak na looban ay mapuno at mahalaman, maibon at makulisap at may landas doon na humahawi sa dawagan at tumutugpa sa dalampasigang malamig ang buhangin kung umaga, ngunit nakakapaso sa katanghalian.[1]  

Sa mga salita ni Abueg sa kaniyang kuwento, wala sa bingit ng panganganib ang kalikasan. Hindi mababanaag ang kasiraan at pagkawasak ng likas na yaman. Mapuno, mahalaman, maibon at makulisap ang mga salitang ginamit na nagbubunyag ng pagkakaroon ng maayos at magandang kapaligiran. Ganito ang mga lalawigan noon, pero unti-unti na itong naglalaho dahil sa pag-agapay sa tinatawag na globalisasyon at modernisasyon. Hindi isinaalang-alang ang matinding epekto sa kalikasan.

Matindi naman ang paglalarawan ni Abueg sa kapaligiran sa isa pa niyang akda na “Ang Lungsod ay Isang Dagat”. Dito masasalaming nagdudulot na ng matinding panganib ang kalikasan. Ganito ang paglalarawan:

Ang ulan, na sinasapian ng hangin kung gabi ay laganap hanggang sa lungsod ng Quezon, Pasay, Kalookan, gayon din sa Makati at Mandaluyong. Ang tubig na lumilikwad sa mga kanal, sa mga kalsadang walang paagusan ay umuuho sa mabababang lugar at humahantong sa Maynila… Umaambon lamang, wika nga, lubog na ang mga bangketa, dagsaan na sa mataas na bahagi ng mga kalye ang mga tao at nagkakabuhul-buhol ang trapiko… Ang Maynila ay isang dagat.[2]

Isang dagat ang lungsod. Sa kuwento ni Abueg, ganito tingnan ng tauhan niyang si Carina ang Maynila. Kahit sa kasalukuyan, ganito pa rin ang kalagayan ng mga lungsod sa Kalakhang Maynila, maidadag na ang ilan pang karatig na lugar. Ito na ang bunga ng pagpapabaya ng maraming tao sa kalikasan.

Kahit ang Pambansang Alagad ng Sining para sa Literatura na si Virgilio S. Almario o mas kilala bilang makatang si Rio Alma ay tumula na sa kalikasan. Sa kaniyang tulang “Ang Nayon Ko”, hitik sa ganda ang iniwan niyang nayon na minabuti niyang balikan. Ang ilang sa mga linya ay ganito:

Nakikita ko
ang mga halaman,
ang nagisnang bukirin,
ang mga payak
na arkitektura
ng kubo’t kural…
kailangan kong tandaan
ang maraming gabi’t araw
at isa-isahin
ang dala kong listahan
ng landas ng kalabaw,
samyo ng damo’t uhay
sipol ng maryakapra’t martines,
sulak ng sinigang at ginataan,
at hiwaga ng dahong bayabas.[3]

Mababatid sa mga linya na naghahatid ng kagandahan ng kalikasan ang tulang ito ni Rio Alma, subalit ang isa pa niyang tula na may pamagat na, “Barong-Barong” ay iba naman ang tuon ngunit sangkot pa rin ang kalikasan. Narito ang ilan sa mga linya:

Sa kaharian ng langaw
at alingasaw,
sa Pugad Sunog,
huminto
ang daloy ng panahon
sa maitim
at malapot na estero;
nagtatakip
ng ilong ang araw
at hindi masulyapan
ng nagdaraan
ang tumataas
at nanganganak araw-araw
na matris ng basura.[4]

Sa kawalang-ingat at kawalang-pagmamalasakit ng tao sa kalikasan, marami itong masamang naidudulot sa pamumuhay ng tao. Sa mga inihalimbawang akda nina Abueg at Almario, mahihinuha na nagiging daluyan ang wika, hindi lamang sa pasalita kundi sa pasulat na pamamaraan, para maipahayag at maipabatid sa mga mambabasa ang kalagayan ng ating kalikasan. Ang naging wika ng kalikasan nina Abueg at Almario ay ang sariling wika sa Filipinas (wikang Filipino). Malaking tulong ang mga ganitong pagpapahayag at pagpapabatid gamit ang wika upang maisalba at maprotektahan ang kalikasan. Hindi na rin dapat tayong mabigla sa mga susunod na panahon na magsusulputan ang mga akda na kalikasan ang mismong paksa dahil isa ito sa mga usapin sa kontemporanyong panahon. At likas na sa wika, lalo na ang sariling wika, na maging daluyan ng kaalaman o anumang naiisip ng tao, gaya nga ng banggit ni Renato Constantino (1996), “Ang wika ay instrumento ng pag-iisip. Sa pamamagitan ng wika ay umuunlad ang kaisipan. Sa pag-unlad naman ng kaisipan ay umuunlad ang wika.”

Halagahan sa Wika at Salungatan ng Dalawang Pitak Pangwika

Sa pagpapadaloy ng kaisipan at karunungang panlipunan, kung isasangkot natin ang lahat ng larang sa mundong ito, hindi lang ang kalikasan. Tila may maling haka ang marami sa wikang gagamitin. Sa kaso ng Filipinas, iba’t iba ang ang pananaw ng mga tao kung paano mapadadaloy ang kaisipan at karunungang panlipunan. Sinasabi na nakabatay raw ang wikang gagamitin sa uring kinabibilangan. Ngunit sa pangkalahatang pananaw, nasabi na ni J. V. Stalin (1995), Hindi maaaring magkaroon ng wikang maka-uri. Ang wika ay panlahat at sa buong komunidad.”  Ang ibig sabihin, simula noon hanggang sa kasalukuyan ay walang tatak na uring panlipunan ang wika at ito ay hindi nakabatay sa uri o kalagayan ng tao.

Malaki ang kaugnayan nito sa sinabi ni Virgilio S. Almario (2004) na, “Walang imperyor o superyor na wika sapagkat bawat wika ay may sistema upang tupdin ang pangangailangan ng gumagamit nito at upang umunlad kung nagbabago rin ang buhay at interes ng gumagamit nito.”

Kaugnay din ang sinabi ng isang edukador na Canadian na si Phil Bartle sa pagsasabing, “Sa pag-aaral ng basikong literasiya, hindi dapat makabuluhan kung anong wika o alpabeto ang gamit sa iyong programa ng kaalaman. Walang isang wika ang pinakamahusay kaysa sa iba. Ang pagpili ay base sa kung ano ang karaniwang naiintindihan at alam ng pamayanan.”

Ngunit patuloy pa rin ang ilan sa pagsusulong na may maka-uring wika, imperyor o superyor na wika at pinakamahusay na wika, at ito ang iginigiit nila na dapat manaig. Ganito ang bahagi sa pitak na isinulat ni Honesto General noong 2007 sa Philippine Daily Inquirer:

In this day and age, to have a good command of oral and written English is desirable… We must give the Filipino the communication skills in written and oral English to succeed in this era of Information Technology.

Sa pahayag na ito ni General, may lumilitaw na wikang dapat pairalin sa Filipinas na kailangang agapayan at pagtuunan ng pansin para magtagumpay—ito ay ang wikang Ingles. Mapanganib ang ganitong pananaw at taliwas sa sinasabi nina Stalin, Almario at Bartle na walang maka-uri, walang superyor o imperyor na wika at walang isang wika ang pinakamahusay kaysa sa iba. At sa pagsusulong ng ganitong pananaw, tila lumalabas na hindi maaaring makapagpadaloy ng kaisipan at karunungang panlipunan ang sariling wika ng Filipinas.

Sa kabilang banda, may hindi naniniwala na may maka-uring wika, imperyor o superyor na wika at pinakamahusay na wika sa Filipinas. Bagkus, nananatiling buo ang kaniyang paniniwala na ang sariling wika ang instrumento sa pag-unlad ng kaisipan ng mga tao sa sariling bansa. Sa bahagi naman ng pitak na isinulat ni Antonio Hidalgo noong 2007 sa Manila Standard Today, ganito ang mababasa:

Though I think that switching to English as the language of education and as our main language is neither desirable nor feasible, and therefore, am against it. I am also aware of the fact that there are many economic factors today that are driving many Filipinos to want to learn it. However, responding to this need does not require drastic changes in our educational system and entire society.

Samakatuwid, walang maka-uri, superyor o imperyor at pinakamahusay na wika ang dapat pang pairalin. Maliwanag na sa pagpapadaloy ng kaisipan at karunungang panlipunan, kung ano ang wikang nakasanayan at ginagamit, ito ang tiyak na magiging instrumento. At sa pamamagitan din nito, naisasalba at napoprotektahan ang mga wikang umiiral sa sariling bansa.

Pangangailangan at Pagsasanggalang sa Wika at Kalikasan

Malimit na binabanggit ng mga manunulat ngayon ang naging pangangailangan sa isang Shakespeare para kilalanin ang Ingles, sa isang Dante upang maging wika ng buong Italya ang wika ng kaniyang Komedya, o ng isang Pushkin upang igalang ang wikang Ruso sa kanilang bansa. Maidadagdag pa rito ang papel na ginampanan ng mga akda ng makatang si Francois de Malherbe upang lalong lumaganap ang wikang Pranses hindi lamang sa Pransiya at ang papel na ginampanan ng Florante at Laura ni Francisco Baltazar na naging daan upang lumaganap ang Tagalog sa Filipinas. Sina Shakespeare, Dante, Pushkin, Malherbe at Baltazar ay mga taong kinilala dahil sa kanilang ambag upang maipalaganap ang kani-kanilang wikang sinasalita.

Binanggit sa unahan, sinasabing ang mga tao ang bumubuo sa lipunan. Kung walang tao, hindi magkakaroon ng isang lipunan. Totoo na ang bawat pangkat ng mga tao o ang lipunan na may sariling kultura ay lumilinang ng wikang angkop sa kanilang pangangailangan.

Ang matibay na halimbawa ng pangangailangan ng tao sa wika ay ang naging karanasan ng mga sakada o magsasaka na nandayuhan noong 1906 sa Hawaii na kinabibilangan ng iba’t ibang lahi, Portuges, Tsino, Hapon, Koreano at Filipino.Ang bawat lahi ay may iba’t ibang kultura at wika ngunit umisip sila ng paraan upang magkaunawaan habang gumagawa sa bukirin ng tubo. Dito nabuo ang Hawaiian Pidgin, wikang pinili at binalangkas base na rin sa kani-kanilang wikang kinagisnan. At sa tulong na rin ng wikang Hawaiian at Hawaiian Ingles ay ganap itong nabuo para sa pakikipag-ugnayan ng bawat isa sa kanila. Samakatuwid, ang nabanggit na halimbawa ay nagpatunay sa sinabi ni Alfonso Santiago (2003) na ganito, “Ang wika ang sumasalamin sa mga mithiin, lunggatiin, pangarap, damdamin, kaisipan o saloobin, pilosopiya, kaalaman at karunungan, moralidad, paniniwala at kaugalian ng mga tao sa lipunan.”

Hindi mapapasubalian na sa pamamagitan ng wika, naipapahayag ang ating tuwa, lungkot, takot, galit, pag-ibig, at halos lahat-lahat sa ating buhay, kaya kailangan natin ang wika.

Sa kabilang banda, ang kalikasan ang nagiging kanlungan ng lahat ng tao sa mundo. Kailangan itong pangalagaan at ipagsanggalang sa anumang makasisira at makapipinsala rito. Sa panahon ngayon, maraming gabay upang mailigtas ang kalikasan. Halimbawa nito ang inihain ng organisasyong Sustainable Environment for Quality Life (SEQL) na 100 Ways to Save the Environment o Sandaang Paraan upang Mapangalagaan ang Kalikasan. Ang ilan sa mga inihain ng SEQL ay simple lang at hindi naman mabigat gawin pero malaki ang naiaambag nito sa pangangalaga ng kalikasan. Ang ilan sa mga halimbawa nito ay ang sumusunod: Pagpatay sa ilaw na hindi ginagamit, Pag-ayos sa tumatagas na tubig sa gripo, Paggamit sa magkabilang bahagi ng papel at Pag-iwas sa pagsusunog ng basura. Malaki ang maidudulot ng mga nabanggit sa kalikasan, ang una ay paraan upang makatipid ng enerhiya at/o koryente, ang pangalawa ay upang maiwasan ang kakulangan ng tubig tuwing tag-init, ang pangatlo ay para mabawasan ang mga punong pinuputol na ginagawang papel at ang huli ay upang maiwasan ang polusyon sa hangin at ang pagkawasak ng ozone layer.

Samantala, sa kaniyang 10 Going Green Tips to Protect Our Environment, naniniwala ang environmentalist na si Chris Paige na ang pangunahing nagdudulot ng panganib sa kalikasan ay ang paggamit ng plastik. Nakasisira ito sa kalikasan dahil hindi ito natutunaw kung hindi susunugin. Ang pagsusunog ng plastik ay mapanganib lalo na sa ozone layer na kailangan natin upang mapigilan ang matinding init. Sinabi ni Paige na ang simpleng solusyon dito ay ng paggamit ng mga sisidlan na puwede pa muling gamitin, maliban sa plastik, kapag namimili gaya ng sisidlang gawa sa papel at tela.

Totoong kailangan natin at dapat ipagsanggalang ang wika at kalikasan. Ngunit sa punto ng pagpapa-unawa sa mga tao sa lipunan kung ano ang dapat maging hakbang sa pagprotekta ng kalikasan, gaya ng 100 Ways to Save Our Environment ng SEQL at 10 Going Green Tips to Protect Our Environment ni Paige, tiyak na mas mabisa kung gagamitin ang sariling wika sa pagpapalaganap ng ganitong mga hakbangin.



Kaugnayan ng Wika sa Literasiya, Edukasyon, Kahirapan, Kalusugan at Kalikasan

Ang wika ay mahalagang iugnay sa literasiya lalo na kung susuriin ito bilang mahalagang aspekto ng edukasyon, politika at ekonomiya ng bansa. Ang literasiya ay hindi lamang pagkatuto kundi pagkatuto sa wika upang maging kapaki-pakinabang ang mamamayan sa lipunan.[5]

Mahalagang bigyang-tuon ang pagiging esensiyal ng wika sa pagkamit sa layunin ng Edukasyon para sa Lahat (Education for All o EFA) at ng Millenium Development Goals (MDGs) na pinagkasunduan ng United Nations noong 2000. Sa taong 2015, layunin ng United Nations ang Edukasyon para sa Lahat (Education for All), nangunguna rito ang pagpapalawig ng maagang edukasyon at pangangalaga sa kabataan, pangalawa ang paglalaan ng libre at pandaigdigang edukasyon sa lahat, pangatlo ay ang pagtingin ng patas sa babae at lalaki bilang tagatamasa ng edukasyon, pang-apat ay ang pagpapababa ng bilang ng mga hindi nakapag-aral o illiterate, at ang huli ay ang pagpapataas ng kalidad ng edukasyon sa buong mundo.

Sa kaso ng mga Filipino, mahalaga ang gagampanang papel ng mga wika sa Filipinas para makamit ang Edukasyon para sa lahat. Tulad ng paniniwala ni Renato Constantino (1996), Ang edukasyon ay dapat lumikha ng mga Filipinong naniniwala na sila, bilang indibiduwal o kolektibo, ay pantay sa ibang mga sambayanan. Magagawa lamang ang edukasyong ito kung hahayaan na sariling wika ang magamit ng mga mag-aaral para sa mas masusing pagsusuri at malalim na pag-iisip.

Mapapansin din na nakasentro ang diwa ng apat na Millenium Development Goal (MDGs) sa kahalagahan ng wika sapagkat sinasabi na ang wika ang isa sa maaaring makatugon sa ilang suliraning pang-edukasyon at panlipunan.  

Sa Millenium Development Goal 1 (MDG 1) – nakasaad na bilang mahalagang sangkap ng integrasyong panlipunan, gumaganap ng estratehikong papel ang mga wika sa pagsugpo sa malubhang karalitaan at kagutuman. Ang ibig sabihin, may malaking gagampanang papel ang mga wika upang magamit at maging instrumento para matugunan ang basikong pangangailangan ng maraming tao partikular na sa pakikipag-komunikasyon.

Nakapokus naman ang Millenium Development Goal 2 (MDG 2) – sa pagbibigay suporta sa literasiya, pagkatuto at kasanayan-sa-buhay, itinuturing na napakahalaga ng mga wika sa pagkamit ng edukasyong pamprimarya para sa lahat. Hindi ito maikakaila sapagkat napatunayan na sa maraming pag-aaral na ang wika ay maaaring tumulong upang mapanatili o kaya`y mapataas ang istatus ng indibidwal  sa lipunan. 

Binabagtas naman ng diwa ng Millenium Development Goal 6 (MDG 6) - ang pakikibaka laban sa HIV/AIDS, malaria at iba pang sakit.Tutugon ang mga wika ng apektadong populasyon bilang tulay sa mga kampanya para sa mas mabisang pag-unawa sa mahahalagang impormasyon tungkol sa kanilang karamdaman. Dahil sariling wika ang gagamitin sa mga kampanya tungkol sa HIV/AIDS, magkakaroon ng malaking partisipasyon ang mga tao sa apektadong lugar at hindi na hadlang o balakid ang wika.

At sa Millenium Development Goal 7 (MDG 7) - mahigpit na pinag-uugnay ang mga lokal at katutubong wika para sa proteksiyon ng kaalaman at kaparaanang lokal at pangkatutubo upang matiyak na magiging tuloy-tuloy ang pag-unlad (sustainable development) at upang mapangalagaan ang kalikasan. Ang mga sariling wika mismo ang magiging daluyan ng pagpapaalala na kailangang proteksiyonan at ingatan ang likas na yaman na pinagkukunan ng pagkain at pangangailangan ng mga tao.

Mababatid mula sa mga Millenium Development Goal na nabanggit ang nag-iisang diwa na mahalaga ang mga wika sa ikauunlad ng isang lipunan. Umaangkla ito sa sinabi ni Pamela C. Constantino (1996) na,Ang wika, alinmang wika, lalo na ang wikang pambansa ay mahalagang kasangkapan—at isa na siguro sa pinakamahalaga sa lipunan. Bilang isang panlipunang penomenon, hindi lamang ito mahalaga sa komunikasyon gaya ng alam nating lahat.



Paglalagom

Tulad ng pangangalaga at pagprotekta natin sa ating wika, kailangang ganito rin ang gawin natin sa ating kalikasan na nasa bingit ng panganib. Kailangan ang maunlad na pagpapabatid at pagpapatalastas na magbibigay kapangyarihan sa lipunan na kumilos para mapangalagaan at mahalin ang kalikasan. Mabisang tagapagpakilos ang sariling wika. Ang mabibisang kampanyang pangkalikasan ay madaling madama kung padadaluyin sa wikang alam ng mamamayan. Mahalaga ring makipagtulungan sa mga hangarin at magkaisa sa pag-agapay sa makabuluhang layuning inihahain ng United Nations. At mahalagang maihanda ang sariling wika dahil ito ang isang esensiyal na sandigan para malampasan ang mga hamong dumarating at paparating sa ating bansa partikular na sa pagliligtas ng nasisirang kalikasan. Sa pamamagitan ng mga malawakang diseminasyon ng impormasyon tungkol sa kalagayan ng kalikasan gamit ang sariling wika, magbibigay ito ng kamalayan sa maraming tao upang magkusang protektahan at isalba ang kaniyang kanlungan laban sa makasisira rito. Hindi maitatatwa na malaki ang magagawa ng wika sa kalikasan. Kahit ang Biblia ay may banggit tungkol ugnayan ng dalawa, sa Kawikaan 18:4 MB nakasulat ang ganito, “Ang wika ng tao ay bukal ng karunungan, parang dagat na malalim at malamig na batisan.”


Mga Sanggunian:


Almario, Virgilio S. (2010). Bakit Kailangan ng Filipino ang Filipino nasa Muling-Pagkatha ng Ating Bansa O Bakit Pinakamahabang Tulay sa Buong Mundo ang Tulay Calumpit. University of the Philippines Press.

Bartle, Phil. (2008) salin ni Myla Burke. Mga Prinsipyo ng Kaalaman sa Pagbasa at Pagsulat nasa http://www.scn.org/mpfc/modules/lit-prtt.htm

Constantino, Renato. (1996). Intelektuwalismo at Wika nasa Mga Piling Diskurso sa Wika at Lipunan, Pamela C. Constantino at Monico M. Atienza, mga ed. Uiversity of the Philippines Press.

Constantino, Pamela C. (1996). Wika Bilang Kasangkapang Panlipunan: Wikang Pambansa Tungo sa Pangkaisipan at Pang-ekonomikong Kaunlara nasa Mga Piling Diskurso sa Wika at Lipunan, Pamela C. Constantino at Monico M. Atienza, mga ed. University of the Philippines Press.

Lumbera, Bienvenido. (2007).  Ang Wika ay Kasangkapan ng Maykapangyarihan: Ang    Wika    Bilang    Instrumentong    Politikal  nasa  http://avhrc-kultura.blogspot.
com/2007/08ang-wika-ay-kasangkapan-ng.html.

Paige, Chris. 10 Going Green Tips to Protect Our Environment- It’s Easy to Go Green nasa http://ezinearticles.com/?expert=chris_paige

Matsuura, Koichiro. (2008). Komisyon sa Wikang Filipino at UNESCO, Pandaigdigang Taon ng mga Wika. Languages Matter.

Santiago, Alfonso O. (2003). Sining ng Pagsasaling-wika. Ikatlong Edisyon. Rex Bookstore.

Stalin, J. V. (1995) salin ni Mario I. Miclat. Marxismo at ang mga Problema ng Linggwistika nasa Daluyan. Sentro ng Wikang Filipino.

Sustainable Environment for Quality Life (SEQL). 100 Ways to Save the Environment nasa http://www.seql.org/100ways.cfm

United Nations. 2015 Millenium Development Goals (MDGs)  nasa http://www.un.org/
millenniumgoals/


Mga Tala:




[1]Nasa pahina 4 ng librong Mga Agos sa Disyerto nina Abueg, Mirasol, Ordoñez, Reyes at Sikat, Ikatlong Edisyon, Solar Publishing Corporation, 1993.
[2] Nasa pahina 40 ng librong Mga Agos sa Disyerto nina Abueg, Mirasol, Ordoñez, Reyes at Sikat, Ikatlong Edisyon, Solar Publishing Corporation, 1993.
[3] Nasa pahina 14-15 ng librong Sari-Sari ni Rio Alma, Anvil Publishing, Inc., 2004.
[4] Nasa pahina 75 ng librong Sari-Sari ni Rio Alma, Anvil Publishing, Inc., 2004.
[5] Nasa pahina 64 ng librong Mga Piling Diskurso sa Wika at Lipunan na pinamatnugutan nina Pamela C. Constantino at Monico M. Atienza, University of the Philippines Press, 1996.