Friday, October 16, 2009

AGOS Tula (Para sa mga naging estudyante at kasalukuyang estudyante)

Sinabayan ko ang inyong agos,
pagkat minsan din akong nagpatangay
sa ilog na malawak
na kailan lang ay tinahak.
Kinukulong ito sa apat na sulok,
minsa’y nakakatihan,
minsa’y umaapaw.

Binihag ng tubig ang inyong kaluluwa.
Ikinalat ang daloy ng kaalaman
na nalaman at pilit pinag-aralan.

Sampu ng mga tilamsik na minsan
ding nawalay, kayo’y hahampas at tatalsik
sa totoong talinghaga ng buhay.
Ngunit magtatampisaw kayo sa haraya
nitong laksa-laksang layaw.
Bibingwitin ang diwa ninyong
kumakawala pa lamang sa karupukan.

Mahahati ang daloy ninyo
sa dalawa, tatlo, apat , lima o higit pa,
hanggang ang daloy ay pumaroon pa sa lawak
na magdurugtong
sa daloy ng iba.

Maaaring may sasabay pa sa inyong agos,
ngunit ikintal na ang pagpapatangay
sa pusod ng agos ay hindi panlilimos.

Hahangaan kita kung ang daloy mo’y mapahaba,
at sinunod na ang simula ay mayroong
pagtatapos na hindi natatapos.

Iba na ako kung iba sa nakasanayan at tradisyonal,
dahil ang agwat nati’y madadangkal din
ng talampakan.

Yumakap kayo sa panahong niyakap kong
maghasik ng kaalaman, karanasan, biruan, kalituhan,
katatawanan at kakulitan.

Damhin ang yakap!

Isipin,
Unawain,
Pakinggan,
Sabihin,
Basahin,
At isulat.

At sa pagsulat ninyong nagwiwikang:
Sir, magaling kang magturo,
iyon ay dahil,
magaling din ang aking naging guro.

63 comments:

Shamermerz123 said...

ganda ng tula sir :) mahusay!

diane..:) said...

isang maganda at kahanga-hangang tula sir..:)pagpatuloy niyo po..:) sir,maraming salamat po sa lahat ng itinuro niyo.sana po maging guro ulit namin kayo kahit ayaw nito na sa amin. haha.. sige po. God bless.:)

abby baja said...

sa bawat tula po ninyo'y lagi akong namamangha...
maging ang mga kwento, atbp...
sir, gaya ng nakararami, nagpapasalamat din po ako sa lahat ng aral mula sa inyo...
isa po kayong mahusay na propesor...
Salamat po...:))
---abby baja ng bshrm 1-2D

deibpol_08 said...

-- hehe.. sir, astig po ng tula.
pagpatuloy niyo pa po sana ang paglikha ng mga ganitong obra para sa ikaliligaya ng mga mag-aaral tulad ko.. hehehehehe.. =)

-- yun lng po sir.. geh po. GOD BLESS! =]

-- dave paul yesma ng bshrm 1-2D

kelvin said...

nakamamangha ang tula na inialay ninyo sa amin sir!...ngayon lang po ako nakakita ng isang propesor na nag-alay ng kanyang talento para sa mga estudyante..kaya ngayon lalo akong nhikayat mag-aral mabuti!...gaya n'yo rin po sir manunulat din ako kaso nga lang po sa dyaryo lang ng barangay namin!...pero dahil sa mga sinabi n'yo dati sa'min nalaman ko ang tunay na kahalagahan ng pagsulat..kaya sir sana'y marami pa kayong mahikayat at mabuksan ang isip na mga estudyante gaya ko ..sir salamat muli sa tula!godbless.
JOHN KELVIN PANTALEON of bshrm 1-2d

Rom Peña said...

Salamat sa inyong interpretasyon sa tula

ü_dHee J_ü said...

napakaganda po ng inyong ginawang tula.. hindi ko alam ang aking naging reaksyon ng matapos ko itong basahin.. sir, napakahusay niyo pong propesor.. sana poh marami pa kayong matulungan na estudyante na magising sa katotohanan.. na ang buhay kolehiyo ay hindi biro-biro lamang.. maging ako man ay biktima ng isang pag aakalang ang buhay kolehiyo ay biro-biro lamang.. ngunit sa tulong ninyo ay nagising ako sa katotohan at nailigtas niyo ako sa napipintong panganib.. hindi po ako nangangako dahil ayokong mag salita ng tapos pero gagawen ko lahat ng makakaya ko maging maganda lang ang aking tatahaking landas.. maraming salamat poh sir :) isa poh kayo sa mga inspirasyon ko ngaun sa bago kong mundo.. sa totoong mundo.. sa mundo ng puno ng pagsubok.. ang mundo ng kolehiyo, buhay ng kolehiyo.. maraming salamat sir.. mahal ko kayo.. mahal namin kayo.. Francisco De Jesus Jr of bsba-hrdm 1-1N.. Ü

zysa_05 said...

Sir ang ganda ng tula nyo..lalim ahh..ipagpatuloy niyo lang po ang magandang gawaing iyan..God Bless..


-Celestine Martinez
BSA 1-16

marwwfield said...

ngayon ko lang nabasa sir! grabe.. maraming salamat sir...! sa lahat! galing galing nyo sir! god bless po! :)

angelica BSA 1-2 said...

may mga talinhaga sa tulang ito na tunay ngang sumasalamin sa totoong mga karansan sa buhay ng bawat mag aaral.Napakaganda at sadyang kapupulutan ng mga bagay upang magsilbing inspirasyon upang maging mas matatag ang baat estudyante sa kahit anu mang pagsubok na dumating sa panahon ng kanilang pakikipagsapalaran upang makamit ang sandata ng karunungan.

Mariel Joyce Portillo said...

Ang tulang ito na alay ng isang guro sa kanyang mga naging at kasalukuyang estudyante ay makabagbag damdamin para sa akin. Tulad niya, kailan lamang din ang panahon kung saan siya ay tumutuklas pa lamang ng kaalaman, nakararanas ng kasiyahan o maging kalituhan habang siya ay nag-aaral. Ito ang naghatid sa kanya kung nasaan siya ngayon. At dumating na ang panahon kung saan siya naman ang nagbabahagi ng kaniyang kaalaman sa mga mag-aaral. Ang galing ng isang guro ay nagmula rin sa isang guro. Ganoon din ang nakatakdang mangyari. Nagpapasalin-sakin lamang ito sa bawat henerasyon.

patrick james abelardo said...

ang tulang ito ay iniaalay para sa mga estudyante, guro, at mga dating guro at esstudyante :))
sumabay na nga lang tayo sa agos ng buhay at wag sayangin ang pagkakataon na lumaktaw ng kahit isang baitang o huminto sa agos dahil ikaw din ang kawawa at maiiwan ka ng karunungan at bibigyan ka ng kamangmangan. Si sir, naging estudyante din at ngayon ay isang magaling na guro at dahil yan sa pagpupursigi nya sa pag-aaral at dahil dun sa tulong ng kanyang magagaling na guro.

lhyn praun said...

gaano man katalinghaga ang mga salitang ginamit,
iisa lamang ang nais ipabatid.

isang pasasalamat ang aking nais ipabatid para sa pagbibigay ng inspirasyon at pag-uudyok sa mga mag-aaral na lumaban at harapin ang pagsubok na inaagos papunta sa kanilang mga buhay.

^__^

James Angelo Diez said...

Pinatunayan mo lang sa tula na ito na mahal na mahal mo ang iyong mga estudyante at hinahangad mo lang ang makakbuti sa mga ito. Sana lahat ng mga guro ay katulad mo:)

rodel fenellere said...

nag-post ako ng comment dito hindi dahil kailangan . Ito'y dahil napahanga talaga ako :D konektado sa nilalaman ng tula, ito'y ginamitan ng MALALALIM na salita . inspirasyon ang tulang ito para sa mga guro at sa mga edtudyante ..

annie aurigue said...

Nakakahanga. Grabe puro nakakahanga na lng ang comment ko dahil nakakahanga talaga :)

Kate Alagao said...

This is awesome :D nakaka-inspire mag-aral kapag may professor kang mahal yung mga estudyante niya, na naiintindihan niya yung mga tulad natin kasi siya din ay nagdaan dito. :) sir, napakagaling ng iyong ginawa, puno ng aral at nakaka-inspire talagang tunay :DD

robert roy said...
This comment has been removed by the author.
robert roy said...

Amazing. Grabe po yung tula na inyong nalikha. Talagang makaka-relate ang mga old and new students kasi halos lahat ng gawain ay ginagawa ko din at ng aking mga classmates.
Hehe.. :D

kimberly beo said...

ang husay !!

tunay ngang mahirap ang buhay ng isang estudyante ... napakaraming suliranin ang kinakaharap .. mga suliraning susubok sa ating katatagan .. mga suliraning di natin alam ay kaya pala nating malagpasan ..

at sa bawat suliranin ,.. marami tayong natututunan na aral .. malalaman natin kung sino ang mga taong nariyan upang damayan tayo ..

ang buhay estudyante ay lubhang mahirap ..ngunit darating ang panahon .. magbubunga rin ang ating mga sakripisyo .. :)

Joan Rose Miguel said...

ang buhay ng isang estudyante ay hindi madali pero masaya dahil kahit na gaano pa karaming pagsubok ang darating at susubukin ang katatagan mo'y kailangan mong lumaban para makamtan mo ang iyong inaasam.

Napakaganda ng nais ipahatid at alam kong dahil dito sa aking nabasa mas magiging malakas ang aking loob na harapin ang mga pagsubok na darating sa aking buhay bilang isang mag-aaral.

Salamat:)

Cristina Ilao said...

Ang ganda ng tula .Pinipahiwatig nito ang buhay ng isang mag-aaral at ang kahalagahan ng guro sa kanila.

Geminie Villarin said...

Inihalintulad sa isang agos ang buhay ng isang estudyante.
tama, marami ang mawawalay sa amin at bubuo ng bagong yugto sa kanilang mga buhay. Isang napakagandang tula para sa mga estudyanteng katulad ko. Sana po ay marami pa kayong magawa para sa amin :)

kristel anne bernaldez said...

estudyante at guro-yan ang magkutuwang sa silid aralan. Ang tagumpay na nakakamtan ng isang estudyante ay hindi maipapagkailang isa ang guro sa tumulong sa paggabay. Sa tagal natin na nag-aaral mdami tayong mga hirap na dinaranas ngunit ang ating mga guro ay tumutulong nagsisilbi din silang kaibigan.

Micah Marquez said...

Mahusay ang pagkakasulat sa tula. pinakita dito na sa likod ng bawat mahuhusay na guro ay may isang tunay ring mahusay na guro na humuhubog sa bawat estudyanteng kanyang hinahawakan. Ipinapakita nito na sa bawat taong tutulungan mo ngayun ay may isa ka pang taong matutulungan sa mga susunod na panahon.

Tyrence C. Medes Jr. BSA I-15 said...

Tama ang may akda dahil sa sitwasyon ko ngayon bilang isang kabataan nararanasan ko din ang mga bagay na kanyang naranasan noon. Lubos akong sumasang-ayon sa mensaheng nais niyang ipabatid na magaling ang isang estudyante dahil magaling ang kanyang mga guro. Maraming salamat sa aking mga guro.

Camille Lucelo said...

Salamat sa patuloy na pagsulat ng mga akdang nakapagbibigay inspirasyon sa aming mga estudyante.

Mahirap maging isang estudyante lalo na kung hindi bukas sa loob ng isang tao. Minsan dumarating tayo sa puntong ayaw na nating pumasok kasi, sawa na tayo sa buhay na ganun. Papasok, makikinig sa piagsasasabi ng titser, tapos uuwi. Paulit-ulit nalang.

Minsan para hindi tayo magsawa, hayaan lang nating tangayin tayo ng agos. "Keep calm and carry on" lang kung baga. :)

Verlyn Ann Gupit said...

Bilang estudyante, marami ngang pagsubok ang hinaharap ngunit nagiging masaya pa rin.

Ang tulang ito ay nagbigay ng ispirasyon sa amin upang lalo pag pag sumikapan ang mga pag-aaral.
:)

marie lyca dela cruz said...

Sa pagbasa ko ng tulang ito, nagawa kong makasabay sa ipinababatid ng may-akda. Ang bawat karanasan niya bilang mag-aaral ay naibahagi niya at nag-iwan rin ng paalala sa mga mag-aaral na magbabasa nito. Naipabatid niya kung ano ang dapat na tahakin bilang isang mag-aaral at kung anong dapat na patunguhan pagkatapos nito at ang mga bagay na maaaring iambag natin sa lipunan.
Nag-iwan din ng mahalagang aral ang awtor sa mga mag-aaral na nakabasa nito. Mayroon siyang mahalagang naipunla sa murang isip ng mga ito.

Star Daprosa said...

sa buhay,maraming pagsubok ang dumaan, dumaraan at daraan.
bilang isang isang mag-aaral, lahat ng ito ay kailangang malampasan.
ang tulang ito ay nakakapagbibigay ng pag-asa sa aming mga mambabasa lalo na sa mga mag-aaral katulad ko.

harry medenilla said...

Napakagandang tulang ito.Dapat nating pasalamatan ang ating guro dahil kung hindi sa kanila,hindi magiging aktibo ang estudyante kung walang guro.

jojelyn colopano said...

ito ay nagbibigay ng pag asa at gabay sa buhay ng isang estudyanteng tulad ko.

lyme garcia said...

nakakamangha talaga ang galing ninyo sa paggwa ng tula. lubhang kahanga hanga ang bawat bahagi ng tulang ito. nagpapasalamat po ako sa aral na dala ng iyong bawat panulat.sana po ay ipagpatuloy ninyo ang paggawa ng ganitong uri ng masterpiece.

Rizzelle manalad said...

Tunay na maganda ang tulang ito. Ang may-akda ay inilarawan nang maayos ang buhay nang isang estudyante at ang guro. Ang bawat nagtatagumpay ay nagkaroon nang isang tagapagturo na tunay na naghasa nang kanyang kalinangan. Walang nagtatagumpay na hinasa lamang ang kanyang talino nang mag-isa. :D

Michael Joseph Tapit said...

Ang tulang ito ay nagpakita ng buhay ng isang guro na bagamat sa kabila ng mga papuri ay nananatiling nakaapak sa lupa at nakalingon sa kanilang mga naging guro na nagpamana sa kanila ng kagalingang tinataglay.

jordan balladares said...

Nakakapukaw ng damdamin na maghangad na makatulong sa pagbabahagi ng kaalaman. Ang isang mahusay na mag-aaral ay produkto ng magaling na guro na magpapatuloy sa adhikaing makapagbahagi ng kaalaman. Mahusay na akda!!!

Stephen Zion Macaraeg said...

ito aymagsisilbing patnubay sa mga estudyante at nakakapag bigay lakas at determinasyon.

kcirlenn rodelas said...

Pagkabasa ko ng tula ay hindi ko maiwasang isipin ang aking mga naging guro at ang mga magiging guro pa. Labis akong natuwa sa interpretasyon ng isang guro sa kanyang mga estudyante. Nawa'y magsilbi rin itong inspirasyon sa kapwa ko estudyante maging ang mga propesor din.




Kcirlenn Rodelas
BS Psychology I-4

Arianne Diaz said...

Nagpapatunay ang tulang ito na ang isang magaling at mahusay na guro ay malaki ang maitutulong upang magkaroon ng isa ring magaling at mahusay na estudyante at mamamayan. :) -BSPSY 1-4

Shaira Mae Maliwat said...

ang ganda ng tula sapagkat pinapaalala nito ang naging mahalagang papel ng mga guro sa ating buhay. Mga guro na humubog at luminang sa ating kaalaman at pagkatao....

Camille Nicole Sanchez said...

napakaganda ng tulang ito kung saan nalalaman ng mga estudyante na ang mga propesor o guro ay maaring mahalin ang mga estudyante nila.

Switzel Ocaña said...

Maganda basahin, nakaka-inspire sa mga tulad naming estudyante. Maganda yung may magandang pagkakakilala sa bawat isa, dahil naniniwala akong ang isnag mabuting guro ay hindi nadadaan sa turo, kundi sa kagandahan ng ugali nito at sa inspriasyong inuukit nito sa bawat isipan ng isang estudyante. :)

Camille Nicole Sanchez said...

maganda ang tula. napapakita dito ang pagmamahal ng isang propesor sa kanyang estudyante.

Kim Nichole Edora said...

Bagamat ang mukaha na guro sa atin ay strikto at laging galit, sila ay tao lamang din at gaya ng ating mga magulang ay mahal nila tayo at gusto nila ay ang makakabuti sa atin.

Chammy Gail said...

Isang Inspirasyon Sa Pagitan Ng Nagtuturo Sa Tinuturuan .. :) .. Nakikita O Nababasa Dito Ang Pagsabay Ng Guro Sa Agos Ng Buhay Ng Kanyang Estudyante .. Nakikipagsabayan Siya , Sa Madaling SAlita Iniintindi Nia Ang Kanyang Estudyante Sa Abot Ng Kanyang Mkakaya .. Mganda Ang Tula Dahil Ito Ay Nagpapahiwatig Ng Nararamdaman Ng Isang Guro Sa Kanyang Estudyante .. Msaya Cia Dhil Na-Aapreciate Ng Kanyang Mag-Aaral Ang KAnyang Gingwa At Sakripisyong Kanyang Inilalaan , Maibigay Lang Ang Sapat Na Kaalaman Kanilang ailngan .. Kya't Mahalin Ntin Ang Atig Mga Pangalawang Magulang Ng Taos Puso At Walang Pag-Aalinlangan ..

Shinette delos Santos said...

Maganda ang nilalaman ng tula. Naipakita sa tula ang mga tipikal na bagay na ginagawa at nararanasan ng mga estudyante. Kamanghamangha!

Anna Nojor said...

Napakaganda ng tulang ito. Isang obrang maipagmamalaki ng mga dating guro ng may akda dahil nakapag produce sila ng ganitong kahusay na estudyante. At tunay na dapat itong ipagmalaki ng may akda sapagkat ipinakita niya rito ang naging paglalakbay tungo sa tagumpay. Isang Obra. Ito nayon marahil ang isa sa mga magiging inspirasyon ko upang tapusin ang nasimulan at magwakas ng walang katapusan.

Myra Togonon said...

Naramdaman ko yung emosyon ng tula. Magaling nyo pong naipakita yung mensahe. Bilang isang taong nangangarap maging writer, sa tingin ko nakahanap na naman po ako ng inspirasyon. Sana po gumawa pa kayo ng madami pang mga ganito, Sir! :)

Liezel Alco said...

Isa itong akda na nakapagbibigay ng inspirasyon sa bawat mag-aaral. Hindi biro ang buhay estudyante, minsan madali, minsan naman ay napakahirap.. Sa tulang ito, naramdaman ko kung paano umikot ang buhay ng isang estudyante at guro, kung paanong nakakatulong ang bawat isa para sa ikauunlad nilang pareho, kung paano nagiging bahagi ng matamis na tagumpay ang bawat isa. ;)

Justin Angelo Roldan said...

Kakaiba ang tulang Agos ni G. Rom Pena. Napakagaling! Uunahin ko muna ang aking sariling interpretatsyon bago ako magkomento sa tula. Ang tulang ito ay para sa mga guro na dati rin ay naging estudyante. Nakasaad nga sa tula na sinabayan nya ang ating agos dahil minsan na rin syang natangay sa malawak na ilog na tayong mga estudyante ay lumalangoy pa lang ngayon. Napakahusay ng pagkakasabi ni G. Nakakainspire tuloy lalong mag-aral kapag alam mo na ang iyong guro ay ganyan. Nainspire din akong ipagpatuloy ang aking pagiging guro kapag ako ay nakatapos na.

Manuel Joseph Servando said...

Ang tulang ito ay nagpapakita ng isang matibay na relasyon sa pagitan ng guro at ng kanyang mga mag aaral.. Hindi matutumbasan ng kahit ano pa man ang pagpapahalaga sa kanila ng kanilang guro.

adnel rose barbo said...

Tunay na kahahanga ang tulang ito. May katotohanan ang iniwang mensahe ng may-akda. Ang tao ay nahuhubog sa nais niya dahil sa mga naging pundasyon at bahagi ng pagsisikap niya.

Marvyn Jason Velasco said...

Ipinapakita na kahit tayo'y naghihirap sa pagaaral ang mga propesor ay ating mga kaibigan sa hirap at ginhawa noon pa mang stidyante ka o ngayong nagttrabaho ka na. Isang malaking pasasalamat sa pagdilat mata ng tulang ito. :)

Mary Joy Urminita said...

Napakamakahulugan ng tulang to. Ako ay nagpapasalamat dahil nagbigay inspirasyon ang tulang ito sa isang estidyanteng tulad ko. :)

SalvieBallori said...

Totoong ang guro ang ating gabay sa ating pag aaral. Sila'y isang kandila na nag iilaw ng ating daan tungo sa kabutihan.

Ang ganda po ng tula niyo Sir. Maraming salamat sa piece na ito.

kenneth barrera said...

napakaganda ng tulang ito..lubos akong humhanga..
ako ay nakarerelate ng lubusan..

Chris Lo said...

Isang pagpupugay sa gumawa ng tulang ito dahil sa mensaheng nais iparating sa lahat :)

Richelle Balza said...

Tunay ang mga guro ay hindi matatawaran ang mga pagsasakripisyong ginawa para sa mga estudyante.Ang buhay ng estudyante at guro ay hindi biro. :)


Richelle Inocencio Balza
BSAI-15

Owen Villanueva said...

Ang buhay estudyante talaga ay napakahirap dahil maraming pagsubok ang dinaranas natin pero masaya ang maging estudyante.

Ang tulang ito ay nagbigay inspirasyon upang mas pagsikapan ko pa ang aking pag-aaral upang makamit ko ang aking mga pangarap.


Samuel Panogot said...

ang husay !!

tunay ngang mahirap ang buhay ng isang estudyante ... napakaraming suliranin ang kinakaharap .. mga suliraning susubok sa ating katatagan .. mga suliraning di natin alam ay kaya pala nating malagpasan ..

at sa bawat suliranin ,.. marami tayong natututunan na aral .. malalaman natin kung sino ang mga taong nariyan upang damayan tayo ..

ang buhay estudyante ay lubhang mahirap ..ngunit darating ang panahon .. magbubunga rin ang ating mga sakripisyo .. :)

Samuel Panogot said...

ang husay !!

tunay ngang mahirap ang buhay ng isang estudyante ... napakaraming suliranin ang kinakaharap .. mga suliraning susubok sa ating katatagan .. mga suliraning di natin alam ay kaya pala nating malagpasan ..

at sa bawat suliranin ,.. marami tayong natututunan na aral .. malalaman natin kung sino ang mga taong nariyan upang damayan tayo ..

ang buhay estudyante ay lubhang mahirap ..ngunit darating ang panahon .. magbubunga rin ang ating mga sakripisyo .. :)

Arah Charisse Pile said...

Perfect for teacher's day. Pinagpala ang kamay at ang utak ni sir. Galing. =)

Geleen Gail Inocencio said...

Nakakatuwa sir dahil may mga ganito papalang propesor na labis magmahal sa mga studyante nila. :) Sayang po di ka namin naging prof, pero ok lang po. :D