Wednesday, September 8, 2010

INAAAYOS ANG LAMAN

73 comments:

jhonray morco said...

Upang makapagtapos ng pag aaral, matuto tayong magsakripisyo tulad ng Tatay niya na nagpagod upang magkapera at tulad naman ng anak na isinakripisyo ang farmville para makapag aral. :)

Patricia Belmonte said...

Hindi sa lahat ng oras ay kayang tustusan ng ating mga magulang ang ating mga pangangailangan. Kailangan talaga nating magsikap at magsakripisyo para umunlad :)

EdAllan Ramos said...

Sa Farmville makikita ang mga iba't ibang gamit at ginagawa sa isang sakahan , kung aalamin , mahirap ang ganitong trabaho ngunit napagsikapan ng isang magulang ito alang alang sa pag-aaral ng anak.Masasabi nating hindi tayo palaging mapagsisilbihan ng ating mga magulang , natural sa buhay na tayo mismo ay dapat tumayo sa ating sariling mga paa at maipagtaguyod ang sarili.:D

vina solitario said...

responsibilidad ng ating mga magulang na bigyan tayo ng edukasyon, ngunit may obligasyon din nman tayong mga anak na mag-aral nang mabuti upang suklian ang paghihirap ng ating mga magulang.
para din naman sa atin iyon, para sa kinabukasan din natin.

Abigail Manalo said...

Laging tandaan na ang ginagawa ng ating mga magulang ay makakabuti din para sa atin... Minsan sa buhay hindi natin pwedeng i-apply ang meron sa computer games, ang sa computer games dun lang. Pag tunay na buhay na, seryoso na. Lahat ng bagay may hangganan ating pakatandaan.

Abigail V. Manalo
BS. PSychology 1-4

JayBoy Ladag said...

Andyan ang ating mga magulang upang tayo ay pangalagaan at ibigay ang lahat ng ating pangangailangn sa buhay, ngunit tayo bilang mga anak ay siyang magbabalik nito at babwi sa lahat ng kanilang pagod. ang pagaaral ng mabuti na ang pinakmgandang maibibigay natin sa kanila, matataas na marka na makpagbibigay ngiti at labis na kaligayahan kapag itoy kanilang nalamn.

patrick james abelardo said...

ang kwento, ang farm nya at ang sakahan ng tatay nya. ipinapakita nitong kwento ang kasaganahan ng buhay nila nung may lupang sakahan pa sila at ang katumbas nito ay ang farmville nya na masagana din kasabay ng buhay nila nung meron pa silang lupa. masagana ang buhay nila noon tulad ng farmville nya na maraming tanim. pero nung nwala ang lupang sinasaka ng tatay nya ay bumagsak na din ang farmville nya kasabay ng mga pangarap nyang maging engineer na tuluyan ng naglaho.

aMAISIEng said...

Ang ganda ng istorya kasi kinukonekto ito sa modernong panahon katulad na lang nyang farmvile. Dahil dito mas makaka-relate ang bawat mambabasa. Dahil yan na ang trend sa buhay natin ngayon eh.
Masasabi ko lang na ang pag-aaral ay ang yaman ng bawat tao. Dahil walang makakapigil sa isang taong kamtam ito kahit ano pang danasin. At kapag edukado ka at nagsisipag, ito'y me kapalit na magandang bunga.

kimberlie busog said...

MAKAHULUGAN! Ang kwento ay isang magandang inspirasyon sa mga kabataang kapos sa buhay. Hindi bale ng maghirap basta may pangarap sa buhay. Kung gusto laging may paraan, tayo na mismo ang humanap ng paraan para magtagumpay sa buhay. parang farmville, kaylangang magsakripisyo at magtiis na alagaan ang mga itinanim para umani ng maganda.

angel mananquil said...

nagustuhan ko ng lubos ang istorya. kailangan ay matuto din tayong harapin ang tunay na buhay at iwan ang mga bagay na malayo sa katotohanan.tatanda ang ating mga magulang at tatanda din tayo. matuto tayong kumilos, hindi lamang para matulungan ang ating sarili kundi pati na rin ang ating mga magulang.

James Angelo Diez said...

Masasabi natin na hindi tayo mapapagsilbihan ng ating mga magulang habambuhay. Dapat lang tayong mag-aral ng mabuti para sa ating kinabukasan at para na rin mapangiti natin ang ating mga magulang.

Al-Zheinie Tupaz said...

hindi tayo pwedeng umasa nalang lagi sa ating magulang. kahit responsibilidad nila na pag aralin tayo ay hindi sa lahat ng pagkakataon ay matutustusan nila ito. Ngunit kahit anong pagsubok ang dumating ay gumagawa pa rin sila ng paraan upang maitaguyod tayo kaya nga dapat mag-aral tayong mabuti at suklian ang paghihirap na naranasan nila para sa atin :)

marjorie tobias said...

isa itong inspirasyon para sa mga katulad kong mahirap lamang.. ggawin ang lahat mkpgtapos lamang ng pagaaral but not to the extent na gagawa ng masama .. hindi sa lahat ng pagkakataon kaya tayong tustusan ng ating mga magulang, pagsisikap ang higit nating kailangan upang makamit ang ating pangarap.

annie aurigue said...

Maganda ang pagkakagawa ng kwento.

lhyn praun said...
This comment has been removed by the author.
lhyn praun said...

Ang makatapos ng pag-aaral ay tagumpay nang maituturing.
Kahit sinong tao ang iyong tatanungin tungkol sa kanilang pangarap, unang-una na nilang isasagot ang 'makapagtapos ng pag-aaral'.
Ang ating mga magulang ay lubos na nagsusumikap para makatapos lamang tayo. Ayon nga sa kanila, ito ang tangi nilang pamana sa atin na hindi mananakaw ninuman.
Hindi sila napapagod na magtrabaho, ngunit nararapat din namang huwag nating iasa lahat sa mga magulang.

Tumayo tayo sa sarilng mga paa. Balang araw ay magiging magulang din tayo.

elyssa leonardo said...

Minsan sa buhay may mga pagkakataon talagang hindi inaasahan katulad na lamang ng paghinto sa pag-aaral. pero kung pursigido ka at determinadong makatapos kailangan mong matutong tumayo sa sarili mong mga paa at matutong magbanat ng buto't iwanan ang mga bagay na hindi kapakipakinabang o hindi naman importante kaysa sa iyong kinabukasan.

Paul Cruz said...

Dapat marunong tayong magsakripisyo para sa pagaaral tulad ng ginawa sa kwento. Pinaghihrapan ng magulang natin ang perang ibinabayad nila sa pagaaral natin kaya huwag natin sayangin.

Mee Ann Cabato said...

huwag nating sayangin ang bawat pawis at pagod ng ating mga magulang.. ako, bilang isang anak ng isang magsasaka, alam ko kung gaano ang hirap nila sa pagtatrabaho para sa amin nina ate, kuya, at ni bunso. ang pagtatapos sa kolehiyo ang tanging maiaalay kong tagumpay para sa kanila.. :)

Chelsea Peña said...

Hindi kasing dali ng bukid sa Farmville ang bukid na pinagtatrabahuhan ng Tatay niya. Nagbabanat ng buto ang mga magulang natin para matustusan ang ating mga pangangailan at kailangan natin itong suklian sa pamamagitan ng pag-aaral ng mabuti, hindi yung Farmville ang inaatupag natin.

Justine Jamella Pecasales said...

Ipinakita dito ang pagmamahal ng magulang sa kanyang anak. Iginapang lamang ng tatay ang pag aaral sa kolehiyo ng anak sa pamamagitan ng pagsasaka. Nakaabot ang anak sa ikatlong taon bilang estudyante ng kursong Civil Engineering. Mahirap ang kursong ito kaya isang palakpak para sa kanya at sa kanyang ama na ginawa ang lahat mapag aral lang ito, isang malaking saludo po! =)

Justine Jamella T. Pecasales
BS Psychology 1-4

Kate Alagao said...

Ang kwentong ito ay nakapagbigay ng aral sa akin. Na hindi sa lahat ng oras ay kayang ibigay ng magulang ko ang aking pangangailangan. Na ginagawa nila ang lahat para matustusan lamang tayo at ang ating pag aaral. Hindi natin ito napupuna habang hindi pa natin nararamdaman na mawawala ang mga iyon, dahil nung mga panahong tayo'y natutustusan pa eh parelax relax lang tayo. Ngayong sa panahong hindi na nila kaya ay nararapat lamang na tulungan natin sila sa pagtaguyod sa ating sarili at gayundin ay pagbutihan pa ang ating mga ginagawa.

Cristina Ilao said...

Hindi dapat laging iasa ang sarili sa mga magulang.Dapat marunong din tayong kumilos para sa ating sarili at tumayo sa sariling mga paa.

kcirlenn rodelas said...

Sa nabasa kong ito, di ko maiwasang isipin ang hirap at sakripisyong nagawa at gagawin pa lang ng aking mga magulang para sa aking pagaaral. Kung tutuusin ay kulang pa ang mga salitang "maraming salamat" sa lahat ng dinanas nila para sa atin. Kaya kailangan nating mag aral maigi dahil di man nila sabihin sa atin,ang diploma natin ang pinakamagandang regalong matatanggap.




Kcirlenn Rodelas
BS Psychology I-4

Manuel Joseph Servando said...

Totoong masaya ang maglaro ng mga online games at nakakatanggal ng stress pero dapat ay maisip natin na walang magagawa ito para sa ikabubuti ng ating buhay..

Ayeza Camille Bilugan said...

Mahal na mahal talaga tayo ng ating mga magulang. Kinikilig ako sa pagmamahal nila na wagas. Gagawin nila lahat para magkaroon tayo ng magandang buhay. Kaya mapalad ang mga nakakapag-aral. Wag natin sayangin ang pinagpapaguran nila. Marapat lang na suklian natin sila ng kabutihan at sila'y tulungan. ^_^

kristel anne bernaldez said...

Ang mga magulang natin ay ginagawa ang lahat para maipagtapos tayo sa pag-aaral. Kahit na gumapang na at magkanda kuba na, patuloy parin sila sa pagkakayod upang may ipangtustos sa atin. Hindi lamang sila ang dapat magsakripisyo maging tayo ay nararapat din may isakripisyo.

Joan Rose Miguel said...

Nakakaantig na istorya, tamang tama para sa mga mag-aaral. Kailangan naming mag sumikap dahil dugo't pawis ng aming mga magulang ang bawat singkong ibinabayad at ginagamit namin sa pag-aaral. Ang pagsasakripisyong ito ng aming mga magulang ay dapat lamang naming suklian ng pagsusumikap.

Naayon at napapanahon ang akdang it, maayos na naipakaita ang pagkasunod-sunod ng pangyayari. Maayos ding naipakita nag pagkukumparang ginamit sa pagitan ng farm ville at ng tunay na sakahan ng nakikisaka.

Hindi balakid ang kahirapan sa tagumpay. Kapag may sipag at tiyaga may tagumpay :)

Geminie Villarin said...

Matuto tayong i-appreciate ang ginagawa ng ating mga magulang sa atin.Isipin na lahat ng mga bagay na ito ay kanilang ginagawa para sa ating kinabukasan.
Para sa mga mag-aaral, sana ay magsikap sila sa kanilang pagaaral upang masuklian naman nila ang mga sakripisyong nagawa ng kanilang mga magulang para sa kanila. :)

Micah Marquez said...

Ang likhang 'ANG FARMVILLE KO AT ANG SAKAHAN NI TATAY' ay nagpapakita ng determinasyon ng isang mag-aaral para makatapos ng kanyang pag-aaral. Marahil ay naging inspirasyon niya ang ama na naghihirap para sa kanyang pag-aaral at ito ay naging maganda dahil ang nagsasalita ay tila ba naging mas matapang at determinado na ipagpatuloy ang nasimulan niyang pag-aaral kahit na gaano pa iyon kahirap. Tunay ngang walang makakapigil sa isang pusong puno ng pagmamahal sa pamilya, pag-asa, at pangarap.

Tyrence C. Medes Jr. BSA I-15 said...

Adik naman masyado sa Farmville ang lalaking iyon, dahil sa kabila ng kanilang kahirapan ay nagagawa pa rin niyang gumastos para sa kaniyang kinalululungan na bisyo. Dapat tayong magdoble sikap dahil hindi natin alam ang mga susunod na pwedeng mangyari. Dapat ay lagi tayong may nakasuksok para sa panahon ng kagipitan ay may madudukot tayo.

Mariz Paculanan said...

Ang app na farmville ay ginawa upang iparanas sa mga tao na nasa cyberworld kung paano ang buhay sa farm. Patanim-tanim ka lag, paharvest-harvest, pabili-bili ng tractor at pasend-send lang ng gift. Pero sa totoong buhay ano ang buhay sa farm?

Laging kinukwento sa aking ng nanay ko ang kanyang lolong magsasaka. Sa twing kumakain daw sila noong bata pa sila hindi ka pwedeng magtira kahit isang butil ng kanin sa pinggan kapag kasama mo yun. Lagi daw sinasabi nito, "Bawat butil ng kaning yan pinaghihirapan ng mga magsasakang katulad ko, hindi niyo dapat sinasayang yan dahil hindi niyo alam kung gaanong hirap ang dinaranas ng mg magsasaka para lang anihin yan" Nakabisado n ng mama ko yan dahil araw-araw sinasabi sa knila dati.

Narealize kong tama nga naman, maraming hirap ang mga magsasaka. tulad na lamang ng ipinakita sa kwento. Hindi lang yung mga ani ang pinoproblema ng mga magsasaka. Buti pa sa ibang bansa mayayaman ang mga magsasaka pero dito satin hindi. nakakalungkot.

Anna Nojor said...

Bilang isang mag aaral nakarelate ako sa kwentong ito. Mahirap ang buhay sa panahon ngayon, maaring maayos pa sa kasalukuyan ang mga pangangailangan mo ngunit maaring magkulang o mawala ito sa huli kaya't huwag lang nating isipin ang ngayon ngunit pati na rin ang ating kinabukasan. Ika nga matuto tayong mamaluktot habang maikli ang kumot, isang simpleng kasabihan ngunit mahirap isagawa dahil sa dami ng temptasyon sa mundo kabilang na ang teknolohiya. Kaya't sana ay matutunan nating pahalagahan kung ano ang totoong mayroon tayo. Ang ating pamilya at edukasyon.

Camille Lucelo said...

kaakibat na ng pagiging buhay ang pagsasakripisyo. Mahirap ang bhay kaya kung minsan kinakailangan nating pakawalan ang mga bagay-bagay na akala natin hindi natin kayang bitawan, pero yun pala eh hindi naman pala talaga natin ganoong kailangan.

Nagustuhan ko ang akdang ito dahil bilang isang mag-aaral minsan natetake-for-granted namin ang mga ibinibigay sa amin ng aming mga magulang. Minsan pa nga'y hinid naman namamalayan na para lamnag maibigay sa amin ang aming mga pangangailangan eh labis-labis na pagsasakripisyo ang kanilang ginagawa.
Nais ikintal ng kathang ito sa kanyang mga mambabasa, lalung-lalo na nag mga kagaya kong mag-aaral na dapt naming pagbutihang mag-aral dahil nagsusumikap ang aming mga magulang upang kami'y makapag-aral at sila nama'y inaasahan kaming makatapos ng pag-aaral. At kung minsan, hindi lang lagi magulang ang dapat magsakripisyo, minsan dapat tayo rin bilang mga anak, magsakripisyo para sa ating mga magulang. :)

Verlyn Ann Gupit said...

Hindi sa lahat ng panahon ay dapat nakadepende tayo sa ating mga magulang. Hindi rin sa lahat ng panahon ang magulang lang ang mgsasakripisyo.Dapat nating suklian ang mga paghihirap at sakripisyo nila para sa atin dahil iyon ang obligasyon natin bilang mga anak.

:-)

Claresille Ladao said...

Darating talaga sa punto na kailangan nating magsakripisyo matupad lamang ang ating mga pangarap sapagkat di habang panahon milyonaryo't milyonarya ang ating mga magulang kaya't habang may pagkakataon pa , magsikap at magsipag sa pag-aaral upang di masayang lahat ng pinagpapaguran ng iyong mga magulang .

karen rose Ramilo said...

Ang istoryang ito ay hindi nalalayo sa katotohanan…Tinitiyak ko na marami ang nakakunawa sa kwentong ito… batid naman ng lahat na madalas mangyari ang mga bagay na ito sa totoong buhay. Mga bagay na hindi lubos na inaasahan. Ngunit kahit ganoon man, hindi dapat naatin hayaan na ang mga balakid na iyan ang tuluyang sumira sa ating buhay.. magandang istorya.

lizzette elago said...

matuto tayong tumanaw ng utang loob o i-appreciate natin yung mga ginagawa ng ating mga magulang!

Mark Jason Cervantes said...

Kailangan talagang ituon ang ating sarili sa pag-aaral nang sa gayo'y maibalik natin ang pabor na binibigay nila sa atin habang tayo'y nag-aaral pa.

Joanna Mae Montales said...

Naihalintulad ng may-akda ang kanilang buhay sa noo’y sumikat na Farmville. Kung sa Farmville ay nagtatanim ka din upang makaipon ng pera, ganoon din sa totoong buhay kagaya ng pamilya ng may –akda. Sa kasalukuyang panahon, marapat lang na magsumikap tayo upang makatapos ng pag-aaral.

harry medenilla said...

Sa kwentong ito pinapakita ang kahalagahan ng isang magulang sa anak.Nagtatrabaho siya para matustusan ang kanyang mga anak.Mahirap ang magtrabaho kung kayat ang pagpapakita ng pagmamahal sa ating magulang ay kasuklian o isang pagpapakita na pinapahalagahan natin sila.

jojelyn colopano said...

ang pagtanaw ng utang na loob ay nararapat lamang para sa ating mga magulang

Gerald Aloc BSA 1-15 said...
This comment has been removed by the author.
Gerald Aloc BSA 1-15 said...

Kailangan magsikap sa pag-aaral dahil hindi sa lahat ng oras ay matutulungan tayo ng ating mga magulang.

Tristan Jay Cruz said...

Masyado adik sa kanyang bisyo ang lalaki. Mahirap na nga sila, mas pinag uukulan parin ng pansin nung lalaki ung bisyo nya na hindi na tama.

Tristan Jay Cruz said...

Masyado adik sa kanyang bisyo ang lalaki. Mahirap na nga sila, mas pinag uukulan parin ng pansin nung lalaki ung bisyo nya na hindi na tama.

rodel fenellere said...

Hanep yung koneksiyon ng farmville sa totoong panyayari sa buhay ng nasa akdang ito . Akala ko'y magkaiba ang tinutukoy niya ngunit pareho pal . Napaka-"ineteresting" ng akdang ito sa mga mambabasa dahil kahit ang nilalman ng tula ay mala-rancho ni rosalindo ang nilalaman, ito naman ay hinaluan ng makabagong libangan na FARMVILLE . mahusay :)

Switzel Ocaña said...

Noon, uso ang Farmville.. Sa akin lang yata di nauso, kasi di ako nakasubok na laruin yun..Hehe.. :P
Pero, kung mababasa natin sa una, aakalain natin na puro Farmville ang inaatupag ng anak, habang kayod kalabaw ang tatay sa pagtatrabaho. Pero kung mababasa natin ito ng buo, mai-inspire tayo, una sa ama na nagtitiis sa pagtatrabaho, at ang anak, di nya nakalimutan ang responsibilidad niya at naintindihan ang kanilang sitwasyon. :)

Chammy Gail said...

Hmmmm , Nagfafacebook Ako Kaso Hndi Ko Nagustuhan Ung Farmville , Naririnig Ko Siya Kaso Mas Gusto Ko Ang Pet Society :) .. Nung Nabasa Ko Ito , Nakakainspired Ung Estudyante Khit Mahirap Ang Ginawang Niyang Pagsasakripisyo Na Hndi Umuwi Sa Kanila At Sa Kabilang Banda Malungkot Pero Nananatili Siyang Matatag , Malakas At Matapang .. Nagtiis Cia Na Hndi Mkita Ang Kanyang AMa , Mkapagtapos Lng ! Hanga Rin AKo Sa Kanya Dhil Dati Naiilalaan Niya Ang Pera Nia Sa Paglilibang Lamang At Pag-Aaksaya Ng Oras Sa Farmville Ngunit Natuto Siya Na Mas May Mhalaga Pa Pla Kaysa Sa Mga Walang Kwentang Bagay .. :).. Nagiging Responsableng Anak Na Rin At Mas Napapahalagahan Niya Na Ang Bawat Bagay ..

-R.Aguilar :)

Stephen Zion Macaraeg said...

kung ikaw man ay tinulungang matuto na tumayo sa sariling paa ang susunod na hakbang ay ang lumakad sa sarili mong mga paa :D

Rhian Bitoin said...

buti naman at natigil na yung pagfafarmville. saka na ang farm mo, wala namang magbebenta diyan, wala namang makakakuha niyan. sayong sayo na yan. dapat unahin ang pag'aaral! Pag naging isa ka ng inhinyero, baka di mo na maasikaso ang farm mo kasi may mas malalaki pang bagay sa realidad ang dapat mong maasikaso.

Shinette delos Santos said...

Napakamakabuluhan ng kwentong ito. Ipinakita sa akad ang pagmamahal ng isang magulang para sa kanyang anak. Handa ang ama na mapagod sa pagtatrabaho sa bukid upang mapag-aral at mabigay sa kanyang anak ang mga pangangailangan nito. Kaya naman para sa ating mga kabataang tulad ko, tayo'y mag-aral nang mabuti upang hindi masayang ang pagod at hirap ng ating mga magulang para tayo'y makapag-aral. Atin itong suklian ng diploma at pagkilala sa ating pagtatapos. :)))

Carmela Ursua said...

Kahit na nakakaaliw ang paglalaro ng online games, kailangan pa din nating isaalang-alang ang ating mithiin sa buhay. Hindi tayo pinagaral ng ating mga magulang upang tayo lamang ay magpakasaya sa buhay, bagkus, kailangan nating pagsumikapan na makatapos ng pagaaral ng hindi lamang umaasa sa ating mga magulang. :D

jell tan said...

nakakatuwa ang kwento , :)
una ko itong nabasa sa aming aklat na KSAF habang nagsasagot sa Lagumang Pagsusulit at sa ikalawang pagkakataon akita at muli ko na naman itong nabasa :)Nakabibilib talagang isipin na halos lahat gagawin ng ating mga magulang upang maitaguyod lamang tayo sa pang araw-araw nating pangangailangan. Kumbaga , isusubo na nga nila , ibibigay pa ng ating mga magulang sa atin na kanilang mga anak para lamang makaramdam tayo ng kaginhawaan ... Sana di na lamang namatay sa bandang huli si Don Cuvenas, ng sa gayon di na nangyari ang mga suliranini ng bida ng akda :))

Justin Angelo Roldan said...

Ipinapakita ng tula ang hirap na pinagdadaanan ng ating mga magulang para lang mapag-aral tayo. Sa tingin ko ay marami na akong nabasang ganito na kaparehas ng storya iba't ibang sitwasyon at pangalan lang, kaya hindi na ako masyadong namangha at hndi ko rin nagustuhan ang tula. Isa lang ang napansin kong maganda, Ang anak na mismo ang nagsasakripisyo ng kanyang pansariling kasiyahan kapag paghinto na sa pagaaral ang pinaguusapan. Iniidolo ko ang ganyang mga bata!

Justin Angelo Roldan said...

lsaks

Trisha Marie Mendoza said...

Mahal tayo ng ating mga magulang kaya gagawin nila ang lahat maibigay lang ang nararapat para sa atin. Subalit, may mga pagkakataon na hindi na nila kayang maibigay ang magandang kinabukasang hinahangad natin dahil sa kahirapan. Gayunpaman, maaari pa rin nating maabot ang ating mga pangarap kung isasakripisyo muna natin ang ating kasiyahan para sa mas mahalagang bagay tulad na lang ng ginawa ng anak sa kuwentong ito.

Cess said...

Hindi dahil wala na ang sumusuporta sayo eh wala ng pag asa. May paa ka. Kumilos ka.

Princess Dianne A. Yap
BS Psychology 1-4

maureen de guzman said...

Sana lang maisip ng mga kabataan ngayon na masyado tayong mahal ng mga magulang natin na kahit na anung hingin natin ay ibibigay nila. Ngunit wag naman sana umabot sa punto na sobra nating papahirapan ang ating magulang habang tayo ay nagpapakasaya pag paglalaro ng gaya sa kwento na farmville sa halip mas inisip nalang sana nya ang ama nyang magsasaka.

Sai Andrade said...

Maihahalintulad ng nagsasalaysay ang kwento niya sa kwento ng kanyang ama. Kung ating mapapansin, ang lupang sinasaka ng kanyang ama ay napunta sa ibang mga may-ari kaya tuluyan ng nawalan ng kabuhayan ang kanyang ama. Hindi kasing dali ng isang laro sa facebook ang naging takbo ng buhay ng nagsasalaysay. Kung sa laro sa facebook ay mabilis kang makakaani, sa tunay na buhay ay maraming buwan ang iyong gugugulin. Hindi natin dapat madaliin ang buhay gaya ng mga nasa laro. Kung may mga problema man tayong kakaharapin, dapat ay maluwag natin itong tanggapin ng buong tapang. :DD

Marvyn Jason Velasco said...

Maganda. Inspirasyonal. Mga isang salitang nakakapagbagay sa tulang ito. Ipinapakita ang lahat ng sakripisyo, ng estudyante at ng isang ama, na importante sa kanila. Tulang nagpapakita ng kagandahan ng pagtitiyaga ng isang tao na nagbibigay tagumpay.

Myra Togonon said...

Mahirap ang malagay sa ganitong sitwasyon. Ang mga magulang natin ay nagsisikap ng mabuti upang tayo ay makatapos ng pag-aaral, isang mensahe ang nakakubli sa palagay ko. Ito ay di dapat natin ubusin ang ating oras at panahon sa mga di makabuluhang mga bagay. Dapat nating gugulin ang ating mga oraas sa pag-aaral at di sa pag-uubos ng pera sa mga laro sa kompyuter.

karla piangco said...

wag sana natin kalimutan ang ating mga magulang ang mga sakripisyo nila sa atin bilang kanilang mga anak.

Chris Lo said...

Maganda ang ibig ipahiwatig ng kwento. Mahalagang pahalagahan natin ang mga paghihirap ng ating mga magulang dahil hindi sa lahat ng oras ay nandiyan sila para sa atin.

danilo arrio said...

Hindi naman kasi dapat lagi-lagi nagkokomputer para lang sa farmville edi dapat tunay na lupa na lang ung ginawa mong farmville.Tama yan at magtatrabaho ka para sa pag aaral mo dahil hindi lahat ng tao ay mayaman kailangan mong magtiyaga upang umunlad.

Richelle Balza said...

Matutong tayong magsikap sa buhay. Ang ating mga magulang ay hindi tayo pang habangbuhay masosoportahan. :)

Rchelle Inocencio Balza
BSAI-15

John Salvador Flores said...

Ang makatapos ng pag-aaral ay tagumpay nang maituturing.
Kahit sinong tao ang iyong tatanungin tungkol sa kanilang pangarap, unang-una na nilang isasagot ang 'makapagtapos ng pag-aaral'.
Ang ating mga magulang ay lubos na nagsusumikap para makatapos lamang tayo. Ayon nga sa kanila, ito ang tangi nilang pamana sa atin na hindi mananakaw ninuman.

Aira Tiburcio said...

maswerte ang mga taong mayroong magulang na nagtataguyod sa kanila sa pag aaral kaya dapat lang na suklian sila ng mabnuting mga gaw.

Aira Tiburcio said...

maswerte ang mga taong mayroong magulang na nagtataguyod sa kanila sa pag aaral kaya dapat lang na suklian sila ng mabnuting mga gaw.

chaii Lee said...

responsibilidad ng mga magulang na maibigay ang pangangailanga ng kanilang mga anak lalo na ang edukasyon kaya di dapat sabihin ng ama ang ganung bagay sa kanlang anak .

Jefferson Tiongson said...

tama ang naging desisyon ng anak na magtrabaho na lang habang bakasyon kaysa pagtuunan pa niya ng oras ang pagbisita nya sa farmville nya. hindi sya dapat umasa lagi sa tulong na ibibigay ng kanyang ama

Patricia Mae Rabino said...

Maraming mga magulang ang handang gawin ang lahat mapabuti at mapaganda lang ang buhay ng kani-kanilang mga anak kaya kaya kailangan nating pagingatan at suklian ang lahat ng kanilang mga sakripisyo para saatin.<3

Geleen Gail Inocencio said...

Nakakalungkot na ganito ang nagyari sa kanya. Pero may positibo din naman itong epekto tulad ng napagtanto niya na iwan nang lubusan ang kanyang sakahan sa farmville at tumulong na lang sa kanyang magulang.