Friday, April 29, 2011

ORE NO AKIRA (WATASHI NO AKIRA)

(Para sa nagsabi sa akin na ako ang kaniyang mata habang nasa loob ng Mercury Drug)

Sa araw na ito, magtatago ako sa liwanag.
Hahanapin mo ako sa sinag ng araw,
sa kislap ng bituin, sa kinang ng buwan.

Makikita mo ako.
nakasilip, natatanglawan
ng ilaw ng kalangitan.

Ore no Akira means My Light

56 comments:

Rezon Ribaya said...

Maikling tula ngunit punung-puno ng kahulugan. Kahit sa kadiliman makikita mo ang magbibigay ng liwanag sa buhay mo.Sa pamagat pa lang po aantig na po ito sa isip ng mga mambabasa. Kahit sa maikli nakagawa po kayo ng tulang aantig sa mambabasa :D

Patricia Belmonte said...

Napakasimple lang ng tulang ito ngunit makikita kaagad ang ibig sabihin nito at ang nakapaloob na aral na makukuha dito :)

Abigail Manalo said...

Ikli lang nung tula pero ang ganda nung nais iparating na mensahe. Inaasahan ko sa lahat ng taong makaka-pansin ng tulang ito, ay sana ma"appreciate" nila ang ibig ipahiwatig nito. Ganda ganda po. :)

-Abigail V. Manalo
BS Psychology 1-4

Karen Carillo said...

Maiksi man ang tulang ito, napakganda ng paraan ng pagkakalikha at paggamit ng mga salita. Pinaalahanan tayo na gaano man kalawak ang kadiliman, matatapos dahil may liwanag.

Great job!

Gerlie Jara said...

Aking naibigan ang tulang ito. Totoo nga sa kung ikaw ay nasa kadiliman, duon mo makikita ang tunay na liwanag. Maiksi man ang tula subalit napakamakahulugan ng bawat salita.

Binabati ko po kayo sa magandang mensahe ng inyong obra ! :)

jonnas montoya said...

May kanya kanya tayong liwanag na ating makikita sa panahon ng kadiliman. Maganda ang tula dahilsa unting salita ay naipahiwatig ang mensaheng taglay nito.
Napakagaling po ninyo!

jesse del rosario said...

maikli ang tula pero napakamatalinghaga. simple ang mga salitang ginamit pero malalim ang mensahe ng tula.

rodel fenellere said...

gaya ng sabi ng iba .. maikli ngunit makahulugan . sa una'y di ko madaling naunawaan ngunit sa aking palagay ito ay para sa isang mahalagang tao sa buhay ng may akda :)

James Angelo Diez said...

maikling tula na may magandang kahulugan, hindi mo makikita ang liwanag kung di ka pa nakakaranas ng kadiliman :D

Michael Vincent Trugillo said...

Nung mabasa ko yung title, nakuha nito agad ang aking atensyon. Nung binasa ko yung tula, napakamakahulugan nito dahil sa mga salitang naglarawan sa liwanag na meron sa kahit saan ay napalalim pa ito.

Marc Samson said...

Magandang araw sa inyo Ginoong Rom Peña!

Sa kabila ng kadiliman ay laging may liwanag na nakatanglaw sa iyo. Ang tanging kailangan mo lang na gawin ay magdesisyon kung ito ba ay iyong tatanggapin o babali walain.

-Marc-

angel mananquil said...

nagustuhan ko ang tula ng sobra.hindi mo mapapansin ang liwanag kung doon ka na lamang parati.makikita at mas madarama mo talaga ang liwanag kapag ikaw ay nasa madilim na parte ng iyong buhay.

Cristina Ilao said...

ang husay ng pagkakasulat sapagkat kahit maikli ang tula ay naipakita nito ang nais niyang ipabatid.

Kate Alagao said...

Ang tulang ito ay nagpapaala sa atin na may liwanag pa rin tayong matatanglawan sa kabila ng kadiliman natin sa buhay. Maiksi ngunit makahulugan :)

Mee Ann Cabato said...

maikling tula ngunit punung-puno ito ng kahulugan.. ganyang kamalikhain ang may-akda ng tula

Ruby Garcia said...

Kahit sa ating buhay , dadaan at dadaan din tayo sa isang madilim na karanasan . Sa pamamagitan nito ay atin lamang makikita ang tunay na liwanag na iilaw sa ating daanan , ang tanging naghihintay na lamang ay ang isang malalim na pag-iisip upang madesisyunan kung dideretso tayo dito o mananatili tayo sa lugar na walang ilaw .

Chelsea Peña said...

Isang simpleng tula ngunit may napakagandang kahulugan. Kahit sa kadiliman ay mayroon kang makikitang liwanag, tulad sa buhay kahit humaharap ka sa problema ay mayroong kang matatagpuang pag-asa.

kcirlenn rodelas said...

kahit sa maikling paraan, naipahiwatig ang nais ipaalam. Napakagandang isipin na kahit sa napakadilim na lugar ay may maaaninag ka pa ring liwanag, ng pag-asa.



Kcirlenn Rodelas
BS Psychology I-4

Marjorie Quimora Fernandez said...
This comment has been removed by the author.
Marjorie Quimora Fernandez said...

Maliwanag at maayos ang pagkakalahad ng mensahe ng tula. Naipakita nito ng maayos ang mensahe sa pamamagitan ng isang maikling tula. Madaling maunawaan ang nais ipabatid ng sumulat sapagkat naisulat niya ito ng maayos. Ipagpatuloy po sana ninyo ang inyong pagsusulat. Salamat po.

Fernandez, Marjorie Q.
BSA I-2

Joan Rose Miguel said...

napakaganda ng pagkakabuo at tulad ng mensaheng nais nitong ipahayag na ang liwanag ang pag-asa sa kadiliman. Hindi habang dulo ang iyong buhay ay nasa kadiliman lamang, darating at darating ang panahon at ang kadilimang iyan ay tatakpan ng ganap na liwanag.

Napakaganda ng pagkakaugnay ng mga salita, tunay po ang inyong aking kagalingan sa pagsulat...

Tulad ng nakasaad ningning at liwanag: ang ningning ay nakasisira ng mata ngunit ang liwanag ay kinakailanga... :)

Ricardo Bohol said...

ang tulang ito ay simple pero may kalaliman ng mensahe. At ito ay hango pa mismo sa totong buhay kaya may mga makaka-relate sa tulang ito. Napakagandang akda.

Julieann Caber said...

Maikling tula subalit makabuluhan. Akin itong nagustuhan sapagkat maganda nag kanyang nilalaman.

Mabuhay !

Micah Marquez said...

Simple at maiksi lamang ang tula ngunit dahil maganda ang mga mga ginamit na salita dito ay nagkaroon ito ng kulay at buhay.

Rizzelle manalad said...

sa ilang salita napakita yong makabuluhang mensahe. sa bawat kadiliman ng buhay naten may liwanag pa din. :)

erika chua said...

May mga pagkakataong nahihirapan tayo sa mga pagsubok na binabato sa atin. Ngunit unti-unti rin naman nating nakikita ang isang liwanag na kung saan ay ito ang sagot sa mga suliraning ating kinahaharap.
Gaya ng sasaibihin ng karamihan, ang tula ay maiksi ngunit mahaba ang pwedeng maging interpretasyon. :)

Jenalyn Meneses said...

Isa lang ang aking masasabi, sa bawat pag subok sa buhay ay may Taong sa ati'y nagmamatyag. Pinagmamasdan tayo kung paano natin malalampasan ang mga ito. Hayan lang nating dumating ang lahat ng pagsubok dahil sabandang huli'y may kabayaran ang lahat ng ating paghihirap.

Claresille Ladao said...

Maikling tula ngunit napahayag ng maayos ang nais nitong sabihin na walang puro kadiliman lamang , darating ang panahon na makatatagpo din tayo ng liwanag na magsisilbing gabay sa pagtahak natin sa ating buhay .

lizzette elago said...

maikli ang tula pero puno naman ng kahulugan..maganda itong basahin kapag piling mo nasa kadiliman ka!

Alyanna Joyce Guan said...

Maikli ngunit makahulugan at simple ang paraan ng pagpapahayag ng mensahe. :))

Evander Arcenal said...

Maikling tula ngunit buong-buo ang nais ipahiwatig/mensahe. Mahusay ang pagkakalikha at pagpili ng salita.

carlo jimenez said...

Isang makabukuhang tula. Sa kabila ng pagiging maikli at simple nito, makikita na punong-puno ito ng mensahe. Magaling!

Tristan Jay Cruz said...

maganda ang tulang ito. kakapulutan ng aral. Malalim ang kahulugan ng bawat salitang ginamit. Masarap ulit ulitin.

jojelyn colopano said...

napamalikhain ng mga ginamit na salita. nailabas ng mabuti ang kahulugan ng akda.

Gerald Aloc BSA 1-15 said...
This comment has been removed by the author.
Gerald Aloc BSA 1-15 said...

Napakasimple at napakaiksi ng tula ngunit punong-puno ito ng kahulugan.

Jarrel Malimban said...

Makabuluhan, matalinhaga, at maraming ibig sabihin. Ang dami kong gustong sabihin, pero heto na lang siguro para maikli't simple.

jordan balladares said...

Maraming pwedeng ipakahulugan sa tula kung mag-iisip ng malalim, upang makita ang liwanag mo kailangan mo pang maging mas maliwanag kaysa sa ibang bagay. pagsisikapang lampasan ang iyong limitasyon.

Stephen Zion Macaraeg said...

siple pero malalim ang kahulugan ng bawat taludtod

Rhian said...

Sa unang tingin, masasabi mong napakawalang kwenta nung tula. pero Kung siguro eh mas lalaliman pa natin yung pagkakaintindi eh maraming pwedeng maging ibig sabihin ito, depende sa mga iba pang makakabasa nito. :)

Shinette delos Santos said...

Simple ngunit makahulugan ang tulang ito. Sa pamagat pa lang ay interesante na ang akda. Kahit na ito ay may kaiklian ay naipahayag ng sumulat ang diwang kanyang nais iparating.

Carmela Ursua said...

Hindi mahalaga kung mahaba o maikli ang tula, ang importante ay maipakita at maipahayag nito ang ninanais at damdamin ng may akda. :D

Joan Mangana said...

Sa una pa lamang, mapapansin na na sobrang ikli lamang ng tula ngunit naglalaman ito ng mga matatlinhagang salita. Kahit maikli, naisawalat naman ang aral ng tula.

Cess said...

Ang tulang ito ay maklaklasipiko na isang romansang tula. Ang pag kakaroon ng pag asa sa pag-ibig.

Princess Dianne A. Yap
BS Psychology 1-4

Rianne Verdad said...

sobrang nakakuha ng atensyon ko ung pamagat pa lang .. maikli pero mganda ang mensahe ng tula .. inspirasyon para sa mga taong may pinag dadanan :)) na kahit gaano kadilim . may liwanag na sisilip padin . pag-asa!

Rianne Verdad said...
This comment has been removed by the author.
Rianne Verdad said...
This comment has been removed by the author.
Marvyn Jason Velasco said...
This comment has been removed by the author.
Marvyn Jason Velasco said...

Isang makahulugang tula. Maikli,ngunit ito'y nagbibigay ng maraming kahulugan. Hindi man pare-pareho ang pagkakaintindi, nagkakaisa ang mga ito. Isang nakakaganang basahin na tula.

Joanna Marie Joaquin said...

Ang tulang ito bagamat simple ay punong-puno ng kahulugan.

Ang ganda ng nais iparating ng tula.Na-appreciate ko po.

Mary Joy Urminita said...

A tula ay maikli pero makahulugan. Ipinapakita dito na may liwanag pa rin sa ating buhay sa kabila ng kadiliman.

John Salvador Flores said...

May kanya kanya tayong liwanag na ating makikita sa panahon ng kadiliman. Maganda ang tula dahilsa unting salita ay naipahiwatig ang mensaheng taglay nito.

Owen Villanueva said...

Ang tulang ito ay maikli pero makahulugan. Sinasabi dito sa bawat kadiliman ng iyong buhay ay meron paring liwanag na nagsasabi ng pag-asa.

chaii Lee said...

Wala sa haba ng tula makkita ang kagandahan nito kundi nasa mensahe at damdaming nakapaloob dito :)

Patricia Mae Rabino said...

Sa totoo lang ay hindi ko makuha ung pinaka main thought niya pero alam ko na isunulat ito upang makapagbigay inspirasyon sa sinumang makaintindi nito.:))

Geleen Gail Inocencio said...

Mahusay ang palalapat ng metapora ng tula. Isang magandang karanasan na magsilbing liwanag ng iba kapag di na nila alam kung saan pupunta.