Tuesday, September 22, 2009

PAGHAHANAP SA PANAGINIP

Umpisa…
Sa isip ng matalino’y
bumalik itong anino
ng poot na nabarino.

Pumihit…
Malaya ang bawat ngiti
sa pisngi, bawat pighati
sa puso na hinahati
hanggang sa hanggahan, pati
bituin, nakipagbati.

Naalimpungatan…
Sa panahong sumasaltik
itong bawat panaginip
hindi mapigil ang halik,
sa panahon ng pag-idlip
kailangan kaya babalik?

28 comments:

Ian Chris Alejo said...

Ang panaginip sa akin ay isang dimensyon ng ilusyon. Maaaring paniwalaan ito o hindi.

patrick james abelardo said...

Panaginip, ang tulay sa kabilang dimensyon na tanging isip lamang ang lumikha sa pamamagitan ng pagtulog. kung minsan, ayaw na ntin magising dahil maganda ang ating panaginip subalit bigla kang naalimpungatan at nagising, mahirap na ibalik ang pagkakataon na iyon kung saan ka masaya and ang lahat ay malayo sa katotohan at kathang isip lamang.

EdAllan Ramos said...

Ang pananaginip ay isang kakayahan ng tao sapagkat tayo ay gumagamit ng ating isipan , matindi ang kapangyarihan ng isang pag iisip , marahil isa na rito ang pag iimahinasyon na nagiging sanhi ng ating mga nararanasan katulad ng panaginip.

Jerlyn Austero said...

Sa aking pagkakaintindi sa tulang binasa pinaliwanag na may tatlong bahagi ang panaginip. Sa umpisa mapagtatanto mo na ika'y bumailik sa lugar na dati mo ng napuntahan, wagas ang kasiyahan o kalungkutan na mararamdaman at sa pagwawakas nito iyong muling tatanungin ang iyong sarili kung kailan mauulit ang mga pangyayaring iyon?. Wagas nga bang mararamdaman ang parehong damdamin sa susunod mong panginip? o sa iyong pagtulog hindi na kailanman matitikman ang karanasang iyon? panaginip nga naman.

annie aurigue said...

WOW! ang lalim ult. Hindi ko talaga naisip na ganito ppla kagalibng ng mga pinoy :) ang ganda nakakamangha.

Deo Javier said...

Minsan di ko rin malaman kung basta sulat na may magkakatunog ang dulo ng mga tula. Sa sobrang lalim kasi, di na sya kaaya ayang intindihin :) Di ko na sya tinapos basahin kahit maiksi lang. Lalim eh.

Michael Vincent Trugillo said...

Sa tatlong parte ng panaginip nya sa tula, nung umpisa sya ay nagbabaliktanaw nunng pangalawa habang nagtatagal iba't ibang karanasan na ang dumapo sa panaginip nya, sa huli, at ang climax ng panaginip sya ay bigla syang nagising.

Pauline Santos said...

Kapag ako ay malapit ng matulog, aking naiisip kung ako ba ay mananaginip. Minsan lang kasi ako dalawin ng panaginip. Dahil sa tulang ito, aking napagtanto na isang makabuluhang uri ng komunikasyon ang panaginip. Nagagawa natin dito ang kung anomang gustuhin natin na hindi natin magawa kapag tayo ay gising.

elyssa leonardo said...

Maganda yung tula. Nais nito ilarawan kung ano nga ba ang isang panaginip. Ipinapahiwatig rin ng tula na hndi ka dapat mabuhay sa isang ilusyon kung saan ikaw mismo ang lumilikha ng sarili mong mundo base sa iyong nais. Sana nga lamang ay mmedyo hinabaan kasi medyo bitin.

Mee Ann Cabato said...

may mga panaginip pa kayang maibabalik kung sa bawat pagdilat ng iyong mga mata, masasabi nating isa na lang itong hindi malinaw na alaala ng nakaraan...ang panaginip ay tulay lamang sa kabilang dimensyon na tanging ating mga isp ang siyang lumilikha..

Ayeza Camille Bilugan said...

ang panaginip ay isang magandang paraan ng imahinasyon, imahinasyon na kung saan hindi dapat maging batayan ng isang tao upang mamuhay. Sapagkat ito'y isang ilusyon lamang ng nakaraan, nakaraang bumabalot sa ganda ng ating naiisip at ninanais.
magandang naihayag ng piyesa ang nais nitong iparating ngunit nagdudulot ng pagkabitin sa mga mambabasa, nais po sana naming madagdagan pa ang impormasyon sa piyesang ito.

Tyrence C. Medes Jr. BSA I-15 said...

Kay sarap ngang matulog kapag nananaginip ng magandang pangyayari o bagay, ngunit kapag ikaw ay naalimpungatan ay nasisira pati ang tulog mo. Sa aking palagay ay matalino ang may akda dahil kahit na maliit na bagay ay kanyang pinupuna at ginagawan ng malaking konsepto.

Jenalyn Meneses said...

Nakakainis talaga kapag ikaw ay biglang nagigising sa kalagitnaan ng magandang panaginip. Minsa'y naaalala natin ang ating panaginip ngunit minsan ri'y nakalilimutan na. Kadalasan kapag ang ating panaginip ay tungkol sa ating mga iniibig ay pini[pilit pa rin nating matulog at ipikit ang mga mata upang maituloy lamang ang naudlot na imahinasyon. Ang saya. XD

Verlyn Ann Gupit said...

Masasabing ang panaginip ay bunga ng ating imahinasyon. May mga pagkakataong nagkakaroon tayo ng masasamang panaginip at mayroon ding magaganda. Kapag ninais na natin ang ating panaginip ay bigla bigla na lamang itong mawala at mahirap ng maibalik.

karen rose Ramilo said...

Maganda ang estratehiyang ginamit sa pagsulat ng tula na naging dahilan upang maaliw ako dito. Medyo nakakarelate ako.. hehe. Nakakadagdag din sa kariktan ng tula ang mga matatalinhagang salita at mga salitang magkakapareho ng tunog sa hulihan.

Joanna Mae Montales said...

Ang panaginip ay bunga n gating imahinasyon. Maaaring bunga rin ito ng mga pangyayari sa ating buhay. Maraming nagsasabi na ito raw ay kabaligtaran ng mga totoong nangyayari sa buhay. Pero sa palagay ko, ito’y likha lamang n gating makulay na pag-iisip.

lyme garcia said...

sa pagkakaunawa ko sa akda ay pinatutunguhan nito ang tatlong dimensyon ng panaginip. uma ay kaya mong mapuntahan ulit gamit ang panaginip ang lugar na dati mo nang napuntahan.ikalawa, madarama mong ulit sa panaginip ang saya na nadama mo dati noon pa at ang huli ay muli mong tatanungin ang sarili mo mula sa iyong pagkakagising kung kailan kaya muling mauulit ang mga bagay na tio. lubhang napakahiwaga nga naman ng panaginip. gaya ng mga akda na iyong nagagwa.

Stephen Zion Macaraeg said...

ito ay gawa ng ating semiconscious at pinaniniwalaang ang panaginip ay 70% ng mg bagay na iyong iniisip

jesse del rosario said...

Ang panaginip ay isang kaganapan sa ating isipan na nagdadala sa atin sa ibang mundo. Dito rin natin mabilis natatamo lahat ng ating hinahangad sa buhay ngunit sa panandaliang oras lamang.

Camille Nicole Sanchez said...

Ang panaginip ay mahalaga sa ating mga tao at ito ang nagpapahayag ng ating nararamdaman spagkat kung ano ang ating gusto o nakikita ang sya nating napapanaginipan.

Trisha Marie Mendoza said...

Minsan ay naranasan ko ring magkaroon ng magandang panaginip ngunit lagi itong nakaka-bitin at hindi mo na ulit madugtungan o mababalikan pa.

leslie said...

Para sa akin, ang panaginip ay pwedeng galing sa ating imahinasyon, o sa mga bagay bagay na lagi nating naiisip. Minsan naman ay pwede itong mgaing "clue" sa mga bagay na hindi natin maintindihan sa sarili natin.

Rhian Bitoin said...

Ang panaginip ay pinaniniwalaang may kinalaman sa ating "waking life". ang mga bagay na napapanaginipan natin ay maaring magsimbulo sa iba't ibang aspeto ng ating buhay.

Joseph Cabrera said...

Pamagat pa lang matalinghaga na.
Sumasang-ayon ako sa mga sinabi ng awtor. Napakasarap balikan ng panaginip. Isang bagay na iyong naranasan sa isang lugar na kadalasa'y hindi ka pa napaparoon. Panaginip na sa iyong pagmulat ay iyo na ring unti unting malilimot. mahusay

Gerald Aloc BSA 1-15 said...

Sang-ayon din ako sa may akda na masarap balik-balikan ang panaginip pero syempre depende sa panaginip.

Chris Lo said...

Ang panaginip ay isang ilusyon na kung saan iniisip natin ang mga bagay na gusto nating mangyari at ang mga bagay na ating inaalalang pangyayari.

danilo arrio said...

Ang panaginip ay kung saan lumalabas ang ating mga "unconcious dreams" na kung saan ay malayang naglalaro sa ating isipan ang ating mga pangarap at iba pa.

Melissa Lyn Ariman said...

Ipinakikita dito na ang panaginip ay isang paraan ng pagtakas sa tunay na mundo, kaya sa tulang ito hinahanap-hanap ito sapagkat sa panaginip maaring mangyari ang mga bagay na inaasam mo na alam mong hindi maaring mangyari sa realidad.