Sunday, September 13, 2009

MIYUKI (Ang Paghahanap)

Para ka bang bagay
na kung kailan ko hinahanap
saka hindi ko masumpungan.

Subukan kaya kitang kalimutan.

Para ka pa rin bang bagay
na kapag di ko na hinanap
saka ko makikita?

Para ka bang bolpen,
huminto lang akong saglit
sa pagsusulat
di na kita mahagilap?

O para ka pa rin bang bolpen
na pinagtyagaang hagilapin,
makikita lang pala kitang nakasangyat
sa aking tenga.

Para ka bang krokis sa papel,
na kapag kailangang ko nang husayin
ay hindi ko na matagpuan?

O para ka pa rin bang krokis sa papel
na matatagpuan ko na lang
na nakasingit sa librong
lagi kong binabasa.

Sana bolpen at krokis sa papel ka na lang,
dahil kahit di sadyain
makikita ko pa rin.

19 comments:

JayBoy Ladag said...

Sana bolpen at krokis sa papel ka na lang,
dahil kahit di sadyain
makikita ko pa rin.

makikita't makikita pa din sana na ganun nalang para kahit anung mangyari may pag asa pa din kahit di sinasadya nating hanapin.

annie aurigue said...

NAPAKAGALING NG PAGHAHALINTULAD :)

Kate Alagao said...

Sa paghahalintulad ng tula sa ballpen at krokis sa papel sa taong ating minamahal, ay napakahusay. Inilahad nito ang pagnanais na mangyari ng manunulat at maaring hindi lamang siya kundi maging ang ibang mambabasa na rin. Na sa panahong ating hinahanap ang isang tao ay sana ay makita natin ito gaya ng mga bagay na agad na nawawala ngunit nariyan lang pala.

robert roy said...

Kailangan lang natin matutong maghanap na maayos para hindi tayo naghahanap gamit ang bibig kundi para makita natin siya gamit ang ating mata. :D


-BSPSYCHOLOGY 1-4

Geminie Villarin said...

Naalala ko si Miyuki, ang pangalan ng main character sa nabasa ko sa wattpad. :) naging interesado tuloy akong basahin ang tula at hindi naman ako nagsisi dahil kahit maikli ang nasabing tula ay natuwa at kinilig ako dito. sana po ay patuloy pa kayong gumawa ng mga nakakatuwang mga tula at kwento :)

Mariz Paculanan said...

Maganda ang tula. Base sa unang pagbasa ko sa tulang ito, agad na pumasok saking isip ay tungkol ito sa isang taong maaring natitipuhan ng may-akda at dahil na rin sa pamagat kaya ko naisip un.
Sumunod naman ay parang napagtanto kong minsan ay nangyari na sa akin ang ganyang pangyayari. Nakakatuwa lang. ^-^

Verlyn Ann Gupit said...

"Sana bolpen at krokis sa papel ka na lang,
dahil kahit di sadyain
makikita ko pa rin."

Tumatak sa isipan ko ang linyang ito.

Ganyan talaga ang pag-ibig, hindi hinahanap kusang dumadating :)
<3

Rizzelle manalad said...

Nakakatuwa ang tula na ito, dahil totoo. Ako ay tunay na sumasang-ayon dahil kadalasan kung anu ang iyong hinahanap yun ang hindi mo kmadaling makita. Samantalang ang hindi mo naman nakikita ay iyong hinahanap. Bakit nga kaya hindi magkatagpo ang mga bagay? Ako ay sang-ayon talaga :))

Liezel Alco said...

Nakaka-relate ako dun sa tula, totoong may mga bagay na hindi mo naman hinahanap pero nakikita mo, hinahanap mo pero di mo makita.
Kung ihahalintulad ito sa buhay natin, may mga taong hindi natin hinahanap o hinihintay ay kusang dumarating sa buhay natin, maaring bigyan tayo ng aral o baguhin ang ating buhay.:)

ghie ghie said...

Nakakakilig ang tulang ito. Oo sana nga Ballpen at krokis ng papel na lang siya, Hangga't nais ko pa syang mahanap at matagpuan, Makikita ko sya. Romantikong manunulat.

Irene Joy Geroy BSPsy 1-4

ghie ghie said...

Nakakakilig ang tulang ito. Oo sana nga Ballpen at krokis ng papel na lang siya, Hangga't nais ko pa syang mahanap at matagpuan, Makikita ko sya. Romantikong manunulat.

Irene Joy Geroy BSPsy 1-4

maureen de guzman said...

Isang pagtutulad na kahit sino sa atin ay makakarelate. Maging sa buhay pag-ibig, hindi dapat natin hinahanap kung sino man ang magmamahal sa atin dahil kusa silang darating sa mga panahon na hinding hindi natin inaasahan.

Rhian Bitoin said...

Krokis at papel para sa paghahambing ng ating minamahal sa buhay ay isang mahusay. Tama naman eh, kailangan lamang natin hintayin, at lalabas din yan sa mga panahong hindi natin inaasahan.

Myra Togonon said...

Ah, pag-ibig ang tema ng tula. sa paghahanap ng pag-ibig ay maraming mga bagay na dapat isaalang-alang. Maayos na naipresenta ang tula sa paraang palaging ginagamit ng manunulat: masining at malikhaing pagpapahayag na may nskakubling misteryo.

SalvieBallori said...

"Para ka bang bagay
na kung kailan ko hinahanap
saka hindi ko masumpungan.

Subukan kaya kitang kalimutan."

Ang ganda ng parteng yan. Kahit ano gawing paglimot di natin magawa sapagkat naging parte na sila ng ating buhay.

hazel marfa said...

Sana bolpen at krokis sa papel ka na lang,
dahil kahit di sadyain
makikita ko pa rin.

..Tumatak sa akin ang linyang ito dahil para sa akin sana sa pag-ibig ganun na nga lang kadali hanapin ang taong mahal natin. At sana pag nahanap na natin ito ay hindi na sya mawala.

kenneth barrera said...

..nakakatuwang basahin ito..
lalo ngayong patok ang ganyang mga banat..

Relate much..

danilo arrio said...

Maganda ang pagkasabi ng tula.gumamit sya ng Metapora sa pagbibigay kauhulugan ng bagay.

Arah Charisse Pile said...

Relate. :"> Malalim man or literal. Thumbs up po! =)