Tuesday, September 15, 2009

KAILANGANG MAGTAGO SA LIWANAG Tula

Hindi ko na masipat
ang mga bagay-bagay
tungkol sa pinagsimulan
ng aking kahibangan.

Bakit sa musmos kong isip
nakitaan kita ng niyebeng
bumabalik sa langit,
kung saan ito nagmula
doon din ito natatapos.

Sa bawat pagsubaybay
sa kilos mo't galaw,
sa ngiting kasinliwanag
ng musa ng mga paliwanag,
na hindi ko naman magagap,
bakit ko kailangang magtago?

Kapag maliwanag na ba sa akin
ang bawat sinag ng iyong mukha,
makikita ba kitang nagliliwanag
na parang lampara sa gitna ng gubat?

O kailangan bang maliwanag sa akin
ang bawat kilos mo
na sa iba naman ibinabaling?

Sa liwanag kita makikita
pero sa dilim ako nakatago,
gusto ko kasing nakalihim sa iyo
ang sinag ng aking puso.

Kung ibaling mo ang iyong mukha
sana sa liwanag mo ako makita,
habang pumapatak ang mga niyebe
sa aking mukha.

25 comments:

landrica said...

ang lalim naman nito..
pero nakuha ko naman yung ibig sabihin kahit papaano..
gawa ka pa ng maraming tula at kuwento...talentadong pinoy!
hehehe...^^

kinze_15 said...

kawindang 2 ah !
hehe .- pero ganda ...
writer ka nga sir ^^
para kang balon ...

ang lalim mo ee ^^

gawa ka pa po ah ,'
2ngkol sa " Bawal na pag-ibig..."
naman .' yayx jokez...

Graxe Tamondong said...

Napakamalikhain ng isipan ng may-akda. Labis ko siyang hinahangaan. Sana'y makagawa rin ako ng ganito kagandang tula. :)

rizza francia soriano said...

nakakabilib naman ang author ng mga tula na nababasa ko sa website na tuh.. sana marami pa siyang magawa.. hintayin ko para may mabas.. request po .. sana merong kwento na tungkol kay God... :) God bless.

annie aurigue said...

Hay! Pang10 beses na akong napapahanga. grabe ang word fluency :)

annie aurigue said...

Parang ang ganda maging Writer. marami kang mapapahanga :) ang ganda ulit :)

robert roy said...

Grabe tinamaan ako dun ah. Haha.. :D
Nakaka-inspire lang sa mga taong nagtatago ng kanilang nararamdaman sa taong kanilang naiibigan. Pinipili na lamang na manahimik sa dilim at masilayan ang nagliliwang na mukha dahil sa kanilang pagkahiya sa pag-amin. :)

kimberly beo said...

isang napakatalinhagang tula ..

naramdaman ko na rin ito ..
ang magmahal nang patago ..

ang lihim na pagsubaybay sa bawat kilos at salita ng taong minamahal mo mula sa kalayuan ..

mahusay .. napakahusay ng tula ..

Tyrence C. Medes Jr. BSA I-15 said...

Isa na namang tula ng may akda tungkol sa pag-ibig. Napakaganda ng tulang ito, halatang mula sa kanyang puso at karanasan, Sayang nga lang at hindi nabanggit ng may akda kung bakit ayaw niyang magpakita sa kanyang sinisinta ngunit gusto niya itong masilayan. Nakakatuwang isipin na pareho kami ng karanasan.

Jenalyn Meneses said...

Tungkol ito sa pag-ibig kaya't ang mga mambabasa'y maeengganyong basahin ang tulang ito. Cool! Ayaw magpakita ng may-akda sa kanyang iniibig. Pagmamahal nang palihim. Naks!

Verlyn Ann Gupit said...

Maganda ang pagkakasulat ng tula. Tunay kang makata sir rom. :)
Nagandahan ako sa mga salitang ginamit sa pagsulat ng tula. Ang pinakanagustuhan kong saknong ay yung "Kung ibaling mo ang iyong mukha
sana sa liwanag mo ako makita,
habang pumapatakang mga niyebe
sa aking mukha."
^ ^ <3

karen rose Ramilo said...

Parang nakakarelate ako ah,,, hehe . Isang lihim na pag-ibig ,iyong tipong hindi ka dapat magpahalata na may gusto ka sa kanya, pero lihim mo naman na sinusubaybayan ang bawat galaw at kilos niya. Iyong parang nahihiya ka tuwing nariyan siya.. magaling ang pagkakagawa. Tila ba ramdam ng sumulat ang pakiramdam ng patagong paghanga.

Joanna Mae Montales said...

Magaling ang pagkakagawa ng tula. Hinahangaan ko ang may-akda sa nasabing tula. Tunay na ang liwanag at ang dilim ay magkaayon.

Tristan Jay Cruz said...

Napakaganda ng tulang ito. Tungkol ito sa pag ibig ng palihim.

Rizzelle manalad said...

Napakaganda nang tulang ito dahil ito ay isang lihim na pagmamahal. Nagmamahal sya nang palihim, na kahit sobra na syang nasasaktan ay patuloy pa rin syang nagpapakatatag at patuloy na umaasa sa kanyang minamahal. Sana lamang ay kahit na lihim ka na nagmamahal, makukuha pa rin nya ang pagmamahal nang kanyang sinisinta. Isang tunay na magandang tula ;)

jordan balladares said...

Minsan kailangan nating ipakita ang nararamdaman natin sa isang tao. Ipakita ang kislap ng iyong damdamin para sa iyong iniibig, hwag ikubli ang liwanag.

Stephen Zion Macaraeg said...

ito ay isang halimbawa ng magandang tula kung saan ang ibigsabihin ay wala sa mga salitang ginamit dahil ito ay nasa tula bilang iisa

Camille Nicole Sanchez said...

masyadong malalim ng tula ngunit napakagaling ng may akda upang makagawa siya ng gnitong klase ng tula.

Justin Angelo Roldan said...

Isang tula tungkol sa pagmamahal ng patago. Pagmamahal na ikaw lang ang nakakaalan dahil pag nalaman ng iba ay tapos ang buhay mo, Kagaya nalang dito sa tulo nagtatago ang liwanag para hindi ito makita. XD Napakaganda at napakagaling tlga.

adnel rose barbo said...

Nagpapakita ito ng lihim na pag-ibig. Kahit mahal mo ang isang tao ngunit hindi naman buo ang loob mo upang magsabi at magpadama na mahal mo siya syang ang hinharap lol

SalvieBallori said...

Napakagaling ng manunulat ng tulang ito. Hindi masamang magmahal ng palihim ngunit kailangan din natin sabihin ito upang hindi tayo mahirapan, pero kung tayo'y handa na sa mga pwedeng magbago. Sabi ng iba ang pagmamahal sa isang tao ay magtatangal ng limang minuto kung ito'y iyong aaminin. Pero kung hindi ito aaminin - it will last forever.

kenneth barrera said...

napakaganda..
wala na akong masabi sa sobrang ganda..
naeengganyo aqng magsulat ng mga tula..

Chris Lo said...

Hindi ko masyado naintindihan. Anlalim xD haha

danilo arrio said...

WOW.napakaganda at napakalalim na paghulma sa aking tulang nabasa.Kahanga-hangang obra.

Arah Charisse Pile said...

Isa pang nakakarelate na tula sir. Thumbs up! =)