Saturday, August 1, 2009

IKALAWANG PALIHANG ROGELIO SICAT

Ikalawang Palihang Rogelio Sicat:
DFPP 2009 Pambansang Palihan sa Malikhaing Pagsulat
Kolehiyo ng Arte at Literatura, Unibersidad ng Pilipinas Diliman, Lungsod Quezon

25 Abril 2009

Nakapili na ang Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas (DFPP), UP Diliman ng 15 manunulat na lalahok sa Ikalawang Palihang Rogelio Sicat: DFPP 2009 Pambansang Palihan sa Malikhaing Pagsulat.

Ipinangalan sa iginagalang na manunulat at gurong Rogelio Sicat, tanging palihan ito sa bansa na nakatuon sa paggamit at paglinang ng Pambansang Wika sa malikhaing pagsulat.

Gaganapin ang palihan sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija sa 27-31 Mayo 2009 sa Palayan City, Nueva Ecija.

Ang mga napili ay sina:

TULA
Patrick Noah R. Bautista, Paul Joseph Corpuz Belisario, Harold John C. Fiesta, Colleen S. Gadon, Walther Neil L. Hontiveros, Soleil Erika C. Manzano, Princess F. Marasigan at Christian Tablazon;

KUWENTO
Patrick Lawrence Alzona, Jerome T. Co, Mar Anthony Simon Dela Cruz, Sierra Mae Paraan at Romeo Peña.

DULA
Anna Levita T. Macapugay at Marco Antonio Rodas.

Ang mga kasapi sa Kaguruan ng Palihan ay sina: Jesus Manuel Santiago (panauhing guro); Jun Cruz Reyes, Roland Tolentino, Glecy Atienza, Luna Sicat-Cleto, at Romulo P. Baquiran, Jr; at mga direktor ng palihan na sina Jimmuel Naval at Reuel Molina Aguila.

********

Ikalawang Palihang Rogelio Sicat:
DFPP 2009 Pambansang Palihan sa Malikhaing Pagsulat
Kolehiyo ng Arte at Literatura, Unibersidad ng Pilipinas Diliman, Lungsod Quezon

25 Abril 2009

G. Romeo Peña

Pagbati!

Napili kayo bilang isa sa 15 manunulat na lalahok sa Ikalawang Palihang Rogelio Sicat: DFPP 2009 Pambansang Palihan sa Malikhaing Pagsulat; gaganapin sa 27-31 Mayo 2009, Palayan City, Nueva Ecija.

Kaugnay nito, hinihiling naming matugunan ninyo ang sumusunod hanggang ika-3 ng Mayo:

kumpirmasyon ng inyong pagdalo;
pag-e-mail ng inyong mga naging lahok (may mga diskette/cd na hindi mabuksan);
elektronikong bersyon (scanned) ng larawan;
nilagom na tala sa sarili (hindi lalampas sa limang pangungusap)


Ang ilan pang detalye hinggil sa palihan ay ipapadala rin namin sa e-mail sa susunod na linggo. Lakip din nito ang mga makakasama sa palihan.

Muli, ang aming pagbati.


Sumasainyo,


Dr. Jimmuel Naval at Prop. Reuel M. Aguila,
Mga Direktor ng Palihan

1 comment:

Arah Charisse Pile said...

Goodluck po. Suportado ko po ang mga Filipino writes out there.