Saturday, April 26, 2008

PUNAS tula

Sumakay ako sa Jeep
papuntang Cubao.

Hindi nagtagal
May batang sumakay,
Payat at nanlilimahid sa dumi.
Dumiretso sa bandang unahan
Saka siya lumuhod.

Nagpunas sa pisngi ni Natasha
Nagpunas sa pisngi ni Nike
Nagpunas sa pisngi ni Rusty Lopez
Nagpunas sa pisngi ni Puma
Nagpunas sa pisngi ni Adidas
Nagpunas sa pisngi ni Mario D` boro

Ang naka-tsinelas
Nag-abot ng piso.

Bumaba na ako
Sumunod ang bata
Hawak ang piso
Nakipagpatentero sa mga sasakyan
Hindi alintana si kamatayan

Sumakay siya sa ibang Jeep.

36 comments:

Unknown said...

Makatotohang pangyayarri ang isinasaad ng tula .Kamanghamangha ang ipinakitang pakikisangkot ng may akda sa mga pangyayari sa kanyang kapaligiran.Hindi naman natin maitatatwa na karamihan ngayon sa ating maga kababayan ay nagdarahop sa buhay .Subalit ang nakakalungkot ay nagiging daan ito upang masira ang maganda sanang kinabukasang naghihintay sa mga munting JUAN....

Unknown said...

Ako man din ay nakakita na nun.. Pinunasan nya rin ang sapatos ko. Nakakonsensya pala. Hindi ko man lang sya binigyan kahit piso. Sadyang ang hirap na talaga ng buhay.

Ian Chris said...

Kung ako ang tatanungin, ihahalintulad kita sa mga dayuhang manunulat tulad ni Emily Dickinson. Masyadong na-hook ang puso ko sa tulang ito.

Unknown said...

Ang ganitong pangyayari ay nagaganap sa kasalukuyan. Sinasalamin ang tagpo sa buhay ng mga batang nagpapalaboy sa lansangan araw araw. Gumagawa ng paraan may maipantawid gutom lang ngnit sa kasamaang palad, hindi nabibigyan ng kahit kaunting tulong ng ilan.

Unknown said...

nakakaawa yung mga ganung bata. sahalip na andun sila sa eskwelahan at nag-aaral,may maayos at malinis na kasuotan at may ipinanglalaman sa sikmura...andun sila sa kalye, nanghihingi ng kaunting tulong ngunit minsan ay di nabibiyayaan.
habang tayo mahigit sa tatlong beses kumain sa isang araw, sila kahit isang tinapay para sa buong maghapon ay masaya na.

Unknown said...

Marami na akong nakikitang mga bata na nanlilimos ng pera sa mga pampasaherong jeep , punas sapatos , bigay sulat at iba pa , pero ako ay nag aalangan , di ko alam ang aking gagawin na kung bibigyan ko ba ng limos o hindi sapagkat mas gusto kong magbigay ng pagkain kaysa pera dahil di natin alam na sa awa na ating ibinigay ay atin na silang pinatay.

Unknown said...

marami na akong nakitang ganito sa araw araw na pagsakay ko ng jeep tuwing papasok sa paaralan. ang isa nga ay kabisado ko na ang mukha.halos araw araw sa magkakaibang oras ay nkikita ko siyang sumasakay sa mga jeep sa kahabaan ng vmapa.lubhang nakakaawa talaga siya dahil sa murang gulang ay natututo ng gumawa ng paraan upang sila'y may makain. sana ay pagdating ng panahon, makasakay ko ulit siya sa jeep,pero sana sa panahon na iyon, hindi na basahan ang dala niya , kundi mga aklat at handa na ring pumasok sa paaralan.

Unknown said...

Taliwas ang aking damdamin sa tulang ito . Hindi limos ang maaaring maging sagot sa kahirapn ng batang ito. Hindi limos ang nagrerepresenta ng awa. Maaaring nais ipahatid ni nike, rusty lopez, adidas at ng iba pa na hindi iyan ang sagot sa lahat ng kahirapan. Minsan kailangan din nating gumawa ng paraan na mas produktibo kaysa dito. Hindi natin sila masisisi at hindi rin nila tayo masisisi. Nagiisip lang tayo ng tama.

elyssa leonardo said...

Base sa totong pangyayari yung tula kung saan hindi lang yung manunulat nito yung nakaranas kundi may ilan rin sa atin. Naka-encounter na rin ako ng ganitong eksena kung saan mabilis pa yung takbo ng jeep tapos hindi man lang nila ito alintana basta makapanglimos sila ng pantawid gutom nila sa isang araw. A sad reality bu true, ito talaga yung buhay ng ilan sa'ting mga pilipino.

Unknown said...

Magandang araw po sa iyo Ginoong Rom Peña!

Nakakalungkot isipin ang mga eksenang ito. Kahit ano ay gagawin lamang para makakain ng tatlong beses sa isang araw o minsan kahit isa lamang. Ang eksena ng kahirapan na ito ay kalunos lunos lalo na at bata pa ang ginagamit na pain para lamang matustusan ang kakulangan ng magulang.

Minsan ay biktima pa ang mga batang ito ng kabulukan ng sistema ng ating lipunan. Ito ay ebidente sa mga batang pinaglilimos ng mga kapulisan,o biktima ng modus operandi ng mga sidikato.

Kailangang aksyunan ng ating gobyerno ito. Kailangang maparusahan ang mga magulang ng mga batang ito dahil unti unti nilang pinapatay ang kanilang mga anak sa pamamagitan ng hindi maikakailang pakikipagpatintero kay kamatayan sa lansangan. Kailangan ding maaksyunan ang mga pangaabuso ng ibang mga kapulisan sa kanilang mga awtoridad sa pang-aalila sa mga batang ito. At higit sa lahat ay pagtibayin ang pagpuksa sa mga sindikatong ito.

-Marc-

Unknown said...

masasabi nating ito ang siyang nangyayari sa kasalukuyan,. ganyan katapang ang mga batang nasa lansangan. handa nilang ibuwis ang buhay para lamang may makain ang gutom niyang sikmura..

Unknown said...

Nakakatuwa na mayroon pang mga taong kahit hindi ganoon kagara ng suot ay nakakapagbigay
pa din sa mga taong nangangailangan ng tulong lalo na sa mga kapus-palad na naglilibos sa nakamamatay na daan.

-BSPSYCHOLOGY 1-4

Unknown said...

Sa bawat araw ng aking pagpasok sa paaralan ay kakabit ko na ang pagsakay sa jeep. at araw-araw na rin akong nakakita at nakakaranas ng mga ganitong pangyayari. hindi man siya magpupunas ng mga sapatos ay, mamimigay naman siya ng mga sobre sa bawat pasahero ng jeep at maghihintay kung sino man ang magbibigay sa kanya ng kahit kaunting barya.

Unknown said...

Isang patunay na paano pa magkakaroon ng magandang kinabukasan ang bansa kung sa bawat bandang ika'y malingon ay tinatanggal ang iyong pag-asa na balang araw ay uunlad din tayo.

Masakit isipin na totoo ang ang isinasaad ng tula ngunit ito ang too sa ngayon. Ang mas nakakabigla kung sino pa ang angat sa buhay sila ang ayaw mamigay.

kawawa ang mga kabataang katulad ng bata sa tula na hindi nakapag-aral sa halip ay naghahanapbuhay na. Minsan nga'y biktima pa ng sindikato.

Magandang tula, nakapaglahad ng katotohanan mula sa nakita. Nawa'y dumating din ang araw na wala ng naghihirap pero kahit mga daliri nga natin ay hindi pantay pantay parang sa lipunan.

Unknown said...

Lagi nangyayari ito sa akin sa jeep tuwing umuuwi ako pero sa aking karanasan sobre ang dala nila. Napapaisip ako kung mabibigay ako ng pera o hindi kasi hindi ko alam kung para san niya gagamit ang pera, mas maganda kung mayroon akong pagkain na dala, hindi na ako magdadalawang isip.

Unknown said...
This comment has been removed by the author.
Unknown said...

Madami ngang ganyan ngayon. Nakakawa sila.
Nakakalungkot isiping kung sino pa yung may kakayahang tumulong sa iba, kahit munting barya ay ipinagkakait sa kanila. :(

Unknown said...

kaawa awa talaga ang mga batang nasa lansangan . nasa panganib palagi ang kaanilang buhay. oohh >,<

camille crisostomo said...

nakakaawa ang kalagayan ng pangunahing karakter. Sana ay matulungan sila ng pamahalaan.

Unknown said...

Nakakaawa naman ang bata. Ngunit hindi lamang awa ang naramdaman ko sa bata. Nakaramdam ako nang isang bata na tunay na naghahanap na isang kaligayahan. Hindi nya inalintana angf mga nagdadaanang malalaking sasakyan kumita lamang nang kakarampot na pera. Magand ang tula na kung sino pa ang hindi nakasuot nang magandang sapatos sya pa ang may habag na naramdaman sa musmos.

Unknown said...

Sa ngayon, napakaraming ganitong mga paslit sa lansangan. Tulad ko, may ganito rin akong mga nakikita tuwing bumabyahe ako. Sobrang nasa realidad to. :(

Unknown said...

Nakakatuwa ang tula. Natuwa ako dahil dumadaan din ako sa Cubao at sumasakay din ako ng dyip. May mga pagkakataon ding may mga batang sumasakay at nagpupunas ng mga sapatos ng mga pasahero upang bigyan sila ng kakapiranggot na barya. Ngunit, ni minsa'y hindi pa 'ko nagbigay sa kanila. Hindi sa hindi ako naaawa kundi dahil ito sa hindi ko kasiguraduhan kung saan mapupunta ang ibibigay kong pera. Sabi nga ng iba'y mas magandang pagkain na lamang ang ibigay sa kanila.

Unknown said...

Nakakaawa naman ang bata. Kung tutuusin ay dapat ang mga branded na sapatos ang nagbigay ng pera sa bata. Yan ang tinatawag na Paradox of our life today. Kung sino pa ang mahirap sya pa yung bigay ng bigay. At kung sino ang mayaman sya pa ang nga nga/

ghie ghie said...

Natuwa ako bigla sa sarili ko kasi tuwing may gumagawa sakin ng ganyan pauwi nagbibigay talaga ako. Kasi para sa akin yung kakapiranggot na baryang yun ay napakaimportante sa batang iyon. Kaya sana tayo ay matutong tumulong sa kapwa natin sa abot ng makakaya natin.

Irene Joy Geroy BSPsy 1-4

Unknown said...

Hindi lang awa ang nararamdaman ko para sa kanila kundi pati na rin ang paghanga dahil kumikilos sila para magkapera kahit sa mga murang edad nila.Marahil kaya yung may simpleng sapin sa paa ang nag abot pa rin ng barya ay dahil nakakaranas din sya minsan sa buhay ng hirap hindi kagaya ng ilan na puro materyal na bagay ang mas pinapahalagahan.

Unknown said...

Hindi lang awa ang nararamdaman ko para sa kanila kundi pati na rin ang paghanga dahil kumikilos sila para magkapera kahit sa mga murang edad nila.Marahil kaya yung may simpleng sapin sa paa ang nag abot pa rin ng barya ay dahil nakakaranas din sya minsan sa buhay ng hirap hindi kagaya ng ilan na puro materyal na bagay ang mas pinapahalagahan.

Unknown said...

Halos lahat naman tayo ay nakakita ng ganitong pangyayari sa mga jeep. Pero iba - iba ang nagiging reaksyon ng mga tao kapag nakakakita sila nito, mayroong naaawa at mayroon ding mga nandidiri sa mga bata at dedma na lang din ang iba. Sa murang edad, kelangan ng magtrabaho ng mga bata para lamang mabuhay, kaya nakakaawa ang mga ganitong bata.

Anonymous said...

Maraming batang mga musmos na sa murang edad nila ay kumakayod na sila ng buto para makakuha ng kakarampot na salapi. Sana'y bigyan pansin ang mga batang ito.

Unknown said...

Nagpapakita ito ng katotohanan dahil sa panahon ngayon marami ng batang lansangan ang gumgwa nito. Ginagawa nila ito pangtawid gutomkya nman wag tayong magdalawang isip na magbigay kahit piso lang ay mlaking bgay na ito sa kanila.

Unknown said...

Ang nga establisyementong nabanggit ay sumisimbolo sa mga burgis na tao. Imbis na maawa ay nandiri pa sila dito.

Mary Joy Urminita said...

Kadalasan kapag ako ay sumsakay ng mga jeep ay nakakakita ako ng mga ganitonfg bata. Nakakaawang tingnan ang mga batang ito dahil sa kanilang musmos na edad ay nagagawa na nilang magunat ng buto para lamang may maipangtustos sila sa kanilang pamilya. Nakakatuwa lamang na may mga mabubuting mga tao pa rin na nabibigay sa mga bata ng kaunting halaga.

crisby delgado said...

patotoo sa realidad ng buhay ang tula at naglalarawan ng tunay na kalagayan ng marami sa atin. sa tuwing makakakita ako ng mga batang katulad ng bida, hindi ko mapigilang mahabag. gayunpaman, ang mga batang lansangan ay biktima lamang ng kahirapan ng ating bansa.

SalvieBallori said...

Nakaranas na din po ako ng ganyan kapag ako'y sumasakay ng jeep. Isang bagay na hindi naman dapat mangyayari sa mga batang lansangan kung ginampanan lang ng mga magulang ang kanilang responsibilidad sa kanilang mga anak. Pero hindi natin sila masisisi, dahil di natin alam ang kwento ng kanilang buhay.

Ang ganda po ng tulang ito.

Unknown said...

naantig ang aking kalooban matapos kong mabasa itong tulang ito..
minsan na rin kong nkaencounter nito..nakakaawang mga bata..

Unknown said...

Ipinapakita nito ang katotohanan na nangyayari talaga yan sa panahon natin. Mga bata dapat sana'y naglalaro ay ang laro ay kapahamakan para lang may pantawid gutom lang.

Unknown said...

Lagi ko to nakikita at nae-experience.