Saturday, April 26, 2008

PILA tula

Mula sa tagpi-tagping dampa,
Lalabas si Nene
Tutulay sa dos por dos na kahoy
Tatawid sa estero.

Sa kalsada
Daig ang tren ng pila ng tao.

Nakita ni Nene sa gilid na naglalaro ng Chinese Garter

ng kaniyang mga kamag-aral.

Handa na si Nene.

Pipila siya


28 comments:

Justine Jamella Pecasales said...

Inilahad dito ang pagpila. Tulad ito ng pagpila sa tren pero pipila ka dahil maglalaro ka ng chinese garter. Naalala ko noong aking kabataan na naglalaro kami nmg chinese garter o "ten twenty" at pumipila para sumunod sa titira o maglalaro nito. Nabalik sa gunita ko ang kasiyahan sa paglalaro ng larong ito kasama ang mga kaibigan ko noong elementarya.

robert roy said...

Nakatutuwa ang tula lalo na nung nabasa ko ang mga ginagawa niya para lang makapaglaro ng chinese garter kasama ang kanyang mga kaklase. Tinatahak niya ang mga iba't-ibang landas para lang makapaglaro kasama ang kanyang mga kaklase. :)

-BSPSYCHOLOGY 1-4

Geminie Villarin said...

haha!
isang maikli ngunit nakakatuwang tula.
akala ko kung anong gagawin ni nene, yun pala siya rin ay pipila at maglalaro ng Chinese garter :)

jojelyn colopano said...

ang dami kong tawanakakaaliw ang tulang ito . haha !!

Rizzelle manalad said...

Ang galing nang tula nito. Maikli ngunit puno nang kahulugan. Sinasabi na may mga panganib man na tutulayan, pagkatapos naman nang bawat pagsubok pumili ka man nang pagkahaba haba. ikaw ay may madadtnan na kaginhawaahan. :)

jordan balladares said...

Nakakaaliw na tula, haha. Nakakatuwang isipin na minsan ang pilang na tanda ng kaayusan ay nagagamit sa simpleng paglalaro ng Chinese Garter.

crisby delgado said...

Isa lamang itong mahusay na manipestasyon ng tunay na kalagayan ng iilan sa atin. lalo na ng mga kabataang biktima ng kahirapan. Ang mga salitang ginamit ay ang lalong nagpatingkad ng paglalarawan sa mga eksena.

Camille Nicole Sanchez said...

inihahalintulad ang pagpila ng tao sa isang tren na diretso na tila ba nakapila.

Anna Nojor said...

Ang taong may nais makuha o marating. Gagawin at dadaanan ang lahat mapunan lamang ng kasiyahan ang kanyang buhay.

Liezel Alco said...
This comment has been removed by the author.
Liezel Alco said...

Para sa akin, ang maikling tulang ito ay nagpapahayag ng sitwasyon ng isang kabataang sa halip na ine-enjoy ang pagiging bata ay mas pinag-uukulang pansin ang mga mas importanteng bagay o gawain upang mairaos ang pang-araw-araw dahil sa sobrang hirap ng buhay.:(

Justin Angelo Roldan said...

Ito ay isa na namang maikling tula na maraming kahulugan. Ang tulang ito ay ipinapakita ang batang mahirap na pampalipas oras ay ang chinese garter.

ghie ghie said...

Ang ganda ng tulang ito. bago tayo pumila sa kasiyahan kaylangan muna natin pumila sa mga kahirapan. Napakamalikhain ng sumulat nito. Saludo ako sa iyo.

ghie ghie said...

Ang ganda ng tulang ito. bago tayo pumila sa kasiyahan kaylangan muna natin pumila sa mga kahirapan. Napakamalikhain ng sumulat nito. Saludo ako sa iyo.

ghie ghie said...
This comment has been removed by the author.
ghie ghie said...
This comment has been removed by the author.
ghie ghie said...

Ang ganda ng tulang ito. bago tayo pumila sa kasiyahan kaylangan muna natin pumila sa mga kahirapan. Napakamalikhain ng sumulat nito. Saludo ako sa iyo.

Irene Joy Geroy BSPsy 1-4

maureen de guzman said...
This comment has been removed by the author.
cristy malco said...

Maiikli man ang mga tula ay may nakatago naman ditong makabuluhan na mensahe. Sinasabi na, kung magtitiyaga ka, ikaw din ang makikinabang nito sa huli. at gaano man karami ang dumating na pagsubok, makakaranas ka din ng kaginhawaan.

maureen de guzman said...

Sa ngayon marami ng kabataan ang nahaharap sa ganitong sitwasyon. Nasasakripisyo nila ang kanilang pagkabata na puro saya lang dahil kailangan na nilang harapin ang tunay na kalagayan ng kanilang buhay,kailangan nila ng pagkain upang nd sila mamatay sa gutom kaya handa nilang sundan gaano man kahaba ang pila.

adnel rose barbo said...

Ang tula ay makabuluhan. Nagpapakita ito ng isa sa mga hinharap ng kabataang maralita. Imbes na maglaro ay magtatrabho siya para sa pamilya

Joanna Marie Joaquin said...

Ang ganda ng tula. Ito ay nagpaalala sa akin ng mga masasayang araw na naglalaro din ako ng "chinese garter" noong bata pa ako. Nakakatuwa lang dahil kailangan pang pumila ng bata upang makapaglaro at magsaya.

Mary Joy Urminita said...

Maikli ngunit nakakatuwa ang tulang ito. Kapag may gusto kang gawin, gagawin mo ang lahat kahit ikaw ay maaaring mapahamak.

Shaira Mae Maliwat said...

Napakasimple lang ng tula. Para sa akin ang sinasabi nito ay lahat ng paghihirap na nararanasan natin ay mga pagsubok lang yan at kung tayo ay magtitiyaga na lampasan yan ay makakarating tayo sa kaligayahan..

kenneth barrera said...

habang binabasa kong tulang to,napapngiti ako..
maikli ngunit makabuluhang tula..
inahalintulad dito ang papila ni nene para makapaglaro ng chinese garter ay parang pagpila sa tren..

SalvieBallori said...

Totoong lahat ng bagay ay ating tatahakain makamit lamang ang tagumpay na ating inaasam. Maganda ang tulang ito, naalala ko ang aking mga ginagawa noong kabataan ko makatakas lang sa tingin ng Ina ko.

Owen Villanueva said...

Maikli ito pero makabuluhan. Sinasabi dito na ang lahat ng kahirapang nararanasan natin ay pagsubok lamang at wag nating ilubog ang ating sarili sa problema kung baga tayo ay magsikap at hintayin nating ang magandang kinabukasan para sa atin.

Arah Charisse Pile said...

Nakaka touch ang meaning. Nagplay siya sa utak ko. Literal.