Thursday, September 23, 2010

INAAAYOS ANG LAMAN

67 comments:

Richard Jaravata said...

nice post. rom, kung isasabuhay pala ang life story mo sa Maalaala mo kaya, puwedeng "espongha" na rin ang pamagat, hehe.

Abigail Manalo said...
This comment has been removed by the author.
Abigail Manalo said...

Nakakatuwa naman ito. Pero kahithind pala nakakatuwa eh may malungkot na part din. Ako din favorite ko din si Spongy eh, kaso hindi naman siya totoo diba? Nakakalungkot lang. :( Pero ang cool nung kwentooo. :D

Abigail Manalo said...

From BS Psychology 1-4

JayBoy Ladag said...

naging takaw pansin dito si spongybob :) cute kasi dahil din sa cartoon e nagkakilala at nagkaintindihan ang dalwa, nakalimutan ang mga problema sa magkabilang panig at nakapagbigay ligaya din. ngunit un nga sumating ang mga pangyayari na di na kinaya ng mga biro ni spongybob ang mga hamon sa buhay ng dalawa, magkaganun man magpatuloy tayo sa buhay at magsumikap. Spongebob :)

vina solitario said...

well at least kahit ilang oras man lang o minuto eh nakalimot sila sa problema. hindi naman kasi mawawala lang bigla ang problema kapag kinalimutan. syempre nasa atin na lang yun kung panu natin dadalin yung problema...

aMAISIEng said...

Nakakatuwa naman ang kwentong ito kasi ipinapakita na kahit sa isang pinakamaliit na bagay, nakukuha natin maging masaya. Pero nalilimitahan pa rin ang bawat ngiti sa ating mga mukha dahil sa hirap ng buhay ngayon.

Graxe Tamondong said...

Minsan kelangan rin natin ng mga bagay na makapagbibigay-aliw sa oras na tayo'y nalulugmok, pero hindi ito sapat para tuluyang mawala ang lingkot na nararamdaman natin. Kumbaga eh parang hangin lang sa pamaypay, makapagbibigay ng lamig sa init ng panahon pero hindi panghabambuhay.

patrick james abelardo said...

hindi naman talaga kayang sipsipin at higupin ng espongha ang lahat sapagkat meron din itong limitasyon, bumubigay at nasisira din. tulad ng isang tao, kapag hindi nakayana ang lahat, tatalikuran na lamang ito at magpapakamatay o mawawala sa sarili o bibgay din tulad ng isang espongha.

kimberlie busog said...

Ito ay istorya ng panandaliang katuwaan sa buhay. Ang palabas na spongebob ay maaaring magpatawa sa atin at mag-alis ng lungkot na nararamdaman. Ngunit sa pagtatapos ng palabas, ditto rin natatapos ang ngiti sa ating mga labi at muling pagharap sa totoong laro ng buhay. Anoman ang pinagdadaanan natin, lagi lamang tayong magtiwala na malalagpasan ito. TIWALA LUNGS!

rizza francia soriano said...

favorite na nickoledeon cartoon character q si spongebob.. pero ang sakin lng kahit na nkakatuwa tlga ang bibong bibong si spongebob ay isa lamang talaga siya sa nag aaliw satin ngunit hindi maalis ang sakit sa ating puso... kung may problema??? isa lang solusyon.. ilapit kay God.. hindi lang kaligayahan makakamtan maging hinahangad nating buhay na may klaginhawaan..

angel mananquil said...

nagustuhan ko yung story kasi medyo nakakarelate ako.paborito ko rin si spongebob.gaya niya pag napapanood ko ito ay may saya din naman akong nararamdaman kahit panandalian lang.pero ang lahat ay may hangganan. hindi lahat ng lungkot natin ay kayang sipsipin ng nakakatuwang espongha.

marjorie tobias said...

sa pangaraw-araw nating pamumuhay, kailangan natin ng aliw khit panandalian lang sapagkat di natin maiiwasan ang mga problemang darating .. ngunit sa bawat paglisan ng mga panandaliang aliw na ito, lagi nating pakaiisipin na nariyan Siya.. Naghihintay lamang sa ating paglapit sa Kanya..

Switzel Ocaña said...

Tama nga naman na hindi kayang sipsipin ng isang espongha ang lahat ng mga problema natin. Sa totoong buhay, nasisira din ang espongha, nabubulok, napupunit. Kaya, hanggat may panahon, ayusin ang problema bago pa ito lumala. :)

annie aurigue said...

Tunay na malikhain at makata ang Pilipino :) Ang ganda.

elyssa leonardo said...

Minsan rin pala nakakawala ng problema yung pansamantalang pagtuon mo sa mga nakakatuwang bagay kagay nga nitong si spongebob. Sa bagay halos lahat ng tao favorite siya. Pansamantala lang naman talaga parati yung sayang mararamdaman mo sa pagtakas mo sa problema pero at the end of the day kinakailangan mo pa ring harapin ito with a smile :).

rodel fenellere said...

akala ko'y isa lang ito sa mga karaniwang akda na nakikita ko na masaya, may kapilyuhan, at may positibong atake . Hindi pala . Marahil sa una'y hindi masasabing may kalungkutan pala ang akdang ito dahil na rin sa binabanggit na espongha na si Spongebob . Siya'y nakikita natin sa telebisyon na karaniwang nagpapatawa kasama ang kanyang mga kaibigan sa ilalim ng dagat .

Patricia Belmonte said...

Hindi sa lahat ng oras ay mapapasaya tayo ng mga bagay na inaakala nating magpapasaya sa atin. Simple lang ang kwento ngunit kapupulutan ito ng aral :)

Mee Ann Cabato said...

sa buhay natin nariyan lagi ang problema..kung kaya't kelangan natin ng saya at aliw kahit kunting panahon lang..limutin natin ang ating mga problema at magpakasaya kahit sa sandaling oras..

Kate Alagao said...

Nothing is permanent except change, para sa akin, ito ang naiwan sa isipan ko pagkatapos ko ito basahin. May mga bagay na panandalian lamang na nagbibigay ng saya sa ating buhay at kinalaunan ay hindi na din tayo nito mapapasaya. At ang espongha ay nagpapakita ng realidad sa ating buhay na minsan ay darating ang puntong may mawawala na parte sa ating pamumuhay dahil sa ating pinagdadaanan at problema.

Justine Jamella Pecasales said...

Paborito ko ring karakter si spongebob squarepants o sa tagalog ay "espongheng baboy na may parisukat na katawan". Iyan ang tagalog version namin ng spongebob. Tunay nga na di sa lahat ng oras ay makakalimutan mo ang problema sa paglilibang ng sarili. Darating ang oras na kailangan mo ng harapin ang problema sa katotohanan. :)

Justine Jamella T. Pecasales
BS Psychology 1-4

Cristina Ilao said...

totoong nagbibigay ng saya ang panonood ng spongebob .ngunit pagkatapos nito, babalik at babalik pa rin sa realidad na andiyan pa rin ang problema.

kcirlenn rodelas said...

Kung titingnan at panonoorin natin si Spongebob, napakagaan sa pakiramdam dahil kahit paano ay nakakabawas ng dalahin ang makita at marinig ang tawa niya. Ngunit, di sa lahat ng panahon ay kayang nating pagtakpan ang tunay nating nararamdaman at ang ating mga problema. Kailangan din nating maging matapang sa pagharap sa relidad ng buhay.




Kcirlenn Rodelas
BS Psychology

Manuel Joseph Servando said...

Nakaktuwang isipin na ang isang cartoon karakter ay makakapagpaalis ng ating problema kahit saglit lamang.. Pero kelangan nating alalahanin na hindi mareresolba ng panunuod ang alin man sa ating problema sa ating mga buhay.

Joan Rose Miguel said...

Akala ko masaya yung istorya kasi isa din po ako sa mga tagasubaybay ni spongebob(pero mas gusto ko si patrick) kaya pala malungkot ang naging wakas. Nakakalungkot naman yung pangyayari...

Nakakaantig po ung istorya, ramdam na ramdam po ng isang mambabasa yung kalungkutan ng karakter. Pero baka po sa pagpapatuloy ng istorya maging parang spongebob din, maganda ang wakas.

Magaling po ang paraan ng paglalahad ng pangyayari, maayos din pong naiparating sa mga mambabasa ang ideya at emosyon ng manunulat. Isang patotoo sa buhay ang laman ng istorya- hindi puro kasiyahan ang buhay.

Joan Rose Miguel said...

atsaka sabi din po ni patrick sa isa sa mga episodes na: Laging masaya daw po ang katapusan kung kaya't kung malungkot pa ang pangyayari hindi pa ito yung wakas...

....Think positive....

Geminie Villarin said...

Nakakatuwa na nakakalungkot.
Tama.Nakakawalang-pagod ang pagtawa sa mga palabas ni Spongebob.
Maganda ang istorya. Akala ko ay magiging maganda ang ending nito, ngunit hindi pala.
Sayang nga lamang at,hindi sila nakatapos ng pagaaral ni Lyn dahil nagbunga ng maaga ang kanilang pagiibigan. :(

kristel anne bernaldez said...

Maari tayo mabigyan ng panandaliang kasiyahan sa panunuod ng spongebob pero pagtapos niyo ay kakaharapin parin natin ang realidad. Hindi dapat mawalan ng pag-asa dahil kung tayo man ay nakakaranas ng problema parte lamang iyon ng buhay. Ang toto nga'y io ang nagpapalakas sa atin.

Ricardo Bohol said...

dito ko nahinuha na hindi lahat ng problema ay nakukuha ng tawa o kaligayahan tulad ng sinasabi sa reality show sa telebisyon. pero kahit papaano ay nagkaroon rin tayo ng mga paraan para maibsan kahit papaano ang problema. napakagandang kwento at ito'y lalong pinahusay dahil sa isang karakter na popular(spongebob)at ang pagkatotoo nito dahil marami ang nakakaranas rin niyang pangyayari at isa na ako roon. napakahusay na akda :)

Micah Marquez said...

'ESPONGHA'. Pamagat pa lang ay nakakakuha na ng atensyon. Maiksi ngunit malaman ang pagkakasulat dito. Hindi ito ginamitan ng mga mabubulaklak na salita ngunit kahit na mabababaw laman gang mga salitang ginamit dito ay puno pa rin ito ng mensahe. NAging madali ang pagkakaintindi dito dahil doon. Diretso at hindi paikut-ikot ang takbo ng kwento. Mabilis nitong naiparating ang mensahe-ang kahalagahan ng pag-aaral para sa kinabukasan.

Tyrence C. Medes Jr. BSA I-15 said...

Isa din ang Spongebob sa aking mga paboritong palabas noong ako'y bata pa. Nakakatuwa ang mga pamilyang may pagpapahalaga sa edukasyon sa kabila ng kahirapan. Ang buhay ay talagang gayan, may lungkot at saya, ang kailangan natin ay pagsisikap at pananampalataya sa Diyos.

erika chua said...

Kahit ako'y paborito kong karakter si Spongebob. Talagang matatawa ka sa tuwing sya ay mapapanuod mo. Ngunit totoong hindi sa lahat ng pagkakataon ay mapapatawa ka nito. May hangganan din ang mga bagay. May mga problema tayong hindi na kayang bigyang tulong ng iba dahil ikaw na mismo ang dapat humanap ng solusyon dito. Sa kabila ng mga ito, mahalagang maging matatag tayo sa mga suliranin ng buhay. :)
Maganda ang pagkakagamit sa ESPONGHA sa paghahalintulad sa totoong buhay. :)

Claresille Ladao said...

yung nabasa ko ang pamagat , di ko akalain na tungkol pala ito kay spongebob . Ipinaparating ng kwento na , di lahat ng problema tatawanan na lang natin at kakalimutan sapagkat may mga suliranin na kailangan nating harapin at solusyonan .

Verlyn Ann Gupit said...

Paborito ko din siSpongebob. Nakakaengganyo talaga manuod nun. Iba ang saya na nadudulot ni Spongebob, Patrick. Pakiramdam mo nawawala ng problema. Pero tandaang ang problema ay pwedeng tawanan at dapat harapin. :)

karen rose Ramilo said...

Hay…. Tama ka,,,Tunay ngang nakakaaliw si spongebob square pants… Madami ang taong siya’y kinagigiliwan. May kakaibang katangian ang kanyang karakter na wala sa iba at may kakaibang pwersang pang-akit sa mga manunuod.. isa pang bagay na nakakatuwa sa kanya ay ang pagiging positibo niya sa buhay.. kaya tulad sana ni spongebob wag tayong mawawalan ng pag-asa dahil lahat naman ng mga dagok at pagsubok sa buhay ay may solusyon… be positive!

marie lyca dela cruz said...

Labis akong natuwa sa kung paanong naikwento ng may-akda ang istorya ng buhay ng mga karakter. At liban doon, nagawa pa niyang gamitin si SpongeBob upang makabahagi sa takbo ng istorya.
Masasabi kong nagtataglay ng malikot na imahinasyon ang awtor. At naisiwalat rin niya nang buong linaw kung anong koneksyon ng espongha sa problema ng isang tao. Kung susuriin, walang koneksyon ang dalawa ngunit nagawa itong pag-ugnayin ng may-akda.

Alyanna Joyce Guan said...

Paborito ko naman sa Patrick. HAHA. :)) Mas loka loka si Patrick kesa kay Spongebob. :D
May bukas pa naman e, may bukas pa kumbaga. Wag mawalan ng pag-asa. :))

Joanna Mae Montales said...

Ang galing ng takbo ng kwento. Isang cartoon show ang nakapaglapit sa kanilang dalawa sa simula pa lamang. At kahit ngayong sila’y may pamilya na ang humaharap sa mga problema sa buhay ay naikokonekta pa din nila ang kanilang paboritong palabas sa kanilang buhay. Isa pa, nakakarelate ako dito dahil paboritobg palabas ko rin ang Spongebob Squarepants. 

carlo jimenez said...

Nakakatuwqa ang kwento. May parte na nakakatuwa. Mas gusto rin si Patrick. Two thumbs up!

jojelyn colopano said...

nakatuwa ang istorya . nagbibigay ito ng aral sa buhay

Gerald Aloc BSA 1-15 said...

Ang ganda ng kwento kakapulutan ng aral. Nakakalungkot lang dahil hindi masaya ang katapusan.:(

lyme garcia said...

paborito ko rin ang karakter ni spongebob.medyo nakakarelate din ako sa kwentong ito.sa twing nalulungkot kasi ako ay nanunuod din ako nito upang sa kahit papano ay maibsan ang aking kalungkutan.

camille crisostomo said...

dito ay may makahulugang mensahe na nais iparating ang may akda. dito ay nais nyang ipahayag na kahit na nakasisipsip ng problema at kalungkutan ng espongha ay mayroon pa rin itong limitasyon. hindi naman lahat ng problema ay kayang pahupain ng kasiyahang dala ng esponghangiyon.matuto tayong harapin ang problema at lutasin ito.

harry medenilla said...

Una naging masaya ang dalawa at ayos pa ang pakikitungo sa isa,dahil nagkakaintindihan sila,ngunit hindi inaasahan na naging malungkot parin siya.

Cassey Anne Rheberg said...

BSP I-4 PUP

Nakakatuwa ang kwentong ito. Noong una ay nagtataka ako kung bakit espongha ang pamagat nito ngunit nang lumaon ay unti-unti ko nang nalalaman kung bakit. Masasabi kong parehong pareho kami ng mga karakter. Ako ma'y isang fan ni Spongebob. At aminado rin ako na bahagyang nawawaglit sa isip ko tuwing makakapanood ako nito. Ang nakakalungkot na katotohanan nga lng ay hindi lahat ng problema ay kayang sipsipin ng espongha. Sumasagi naman sa isip ko na kapag walang problema ang tao, napaka-boring ng buhay. Kaya pag may problema, maging masaya pa rin tayo dahil hindi boring ang buhay natin. :)

Camille Nicole Sanchez said...

ang galing. naiimagine ko si spongebob pag nababasa ko to.

Shinette delos Santos said...

Nakakapukaw ng atensyon ang pamagat ng kwento. Mahusay din ang may akda dahil naisipan niyang gumawa ng kakdang tulad nito--- kakaiba ngunit may aral na matututunan.

Trisha Marie Mendoza said...

Paborito ko ring panoorin ang Spongebob Squarepants at sadyang maaliw ang sinumang manood nito bata man o matanda. Ngunit gaya ng naging sitwasyon sa kwento, panandaliang aliw lamang ang maibibigay ng palabas na ito dahil hindi nito kayang ibsan ang problemeng iyong dinaranas.

Justin Angelo Roldan said...

Ang espongha na si Spongebob ay hindi talaga maiaalis ang ating mga problema. Panandaliang kaligayahan at makakalimutan lamang lang natin nang saglit ang problema. Kapag tapos ng panuorin ay babalik na naman ito. Napaka makatotohanan ng kwento, wala naman masyadong ginamit na kakaibang mga teknin ngunit napukaw talaga ng espongha ang diwa ko. Kahit hindi man ito ganun kaseryoso maganda pa rin ito

Justin Angelo Roldan said...

Ang espongha na si Spongebob ay hindi talaga maiaalis ang ating mga problema. Panandaliang kaligayahan at makakalimutan lamang lang natin nang saglit ang problema. Kapag tapos ng panuorin ay babalik na naman ito. Napaka makatotohanan ng kwento, wala naman masyadong ginamit na kakaibang mga teknin ngunit napukaw talaga ng espongha ang diwa ko. Kahit hindi man ito ganun kaseryoso maganda pa rin ito

Cess said...

Hindi sa lahat ng panahon ay tama ang "Laughter is the best medicine"
Kailangan din mamuhay ng tao sa realidad.

Princess Dianne A. Yap
BS Psychology 1-4

maureen de guzman said...

nakakatuwang isipan na sa pamamagitan ng isang esponghang karakter ay marami ang napapasaya. ngunit tatandaan naten na marami sa ating paligid ang makakapagpakumplikado ng mga buhay natin na hindi na lamang saglit sa kasiyahan ang ating kakailanganin.

jell tan said...

maganda ang umpisa ng kwento kaso nga lamang ay naklulungkot ang naging katapusan nito, kung ako man ay bibigyan ng karapatan upang baguhin ang katapusan ng kwento , malamng ay bibigyan ko ito ng napakagandang katapusan kung saan ang mga bida ay hindi na maghihirap pa ..

Rianne Verdad said...

nakaktuwang isipin kung paano ang mg mailiit at pambatang bagay ay nakakatulong sa mga "grown-upos" na gaya natin , kung paano tayo nakakakuha ng mga inspirasyon mula dito .. na kahit sa konting panaho , maging masaya tayo at walng pinonroblema tulad ng isang tunay na bata :))

Marvyn Jason Velasco said...

Nakakatuwa dahil ito'y nagpapakita na kahit tayo'y may problema ang pagpapanuod ng cartoons ay nakakatulong kahit sandali lang. Minuto lamang ay nakakatulong na sa atin. Minsan, ang problema ay dapat mong kalimutan dahil ito'y isang bagay na nakakaapekto sa ating araw-araw na buhay.

Jeremy Ann Catunao said...

Bertong Espongha = Spongebob


Naalala ko noong una akong nakanood ng Spongebob noong Grade 2 ako. Nakakatuwa ang karakter na ito. Isang masayahin at palatawa na esponghang parang walng iniindang problema. Sana mala-Spongebob din ang karakter natin.



Myra Togonon said...

Isang sitwasyon na kinabibilangan ni Spongebob ngunit hindi talaga si spongebob ang bida kundi ang karaketr ng manunulat at ang buhay nito. Sadyang mapaglaro ang buhay, may mga bagay tayong di inaasahan at bigla na lamang darating. Walang makakapagsabi kung kailan ba tayo susubukin ng panahon. Hindi natin maikakaila na tayo ay masasaktan, luluha ngunit kailangan nating tanggapin ang mga hamon ng buhay. Buong tapang at kaakibat ang lakas ng loob.

Joseph Cabrera said...

Anggaling ser! Unang-una dahil sa ngalan ng pangunahing tauhan ay naging catchy ang sanaysay. Ikalawa nagkaroon ang mga mambabasa ng malaking pag-unawa nito dahil sa piksyunal na karakter na si spongebob. Masaya ngunit may mga malulungkot na bahagi, tulad ng ating mapait na buhay.

karla piangco said...

hindi lahat ng problema ay kinikimkim kya matutuong tumawa at manuod ng mga palabas na nakakagaan ng loob gaya ng spongebob.

Rochelle Plaras said...

Pakiramdam ko nasisip-sip pati ang huling katas meron ang utak ko. Anong laking epektong nagagawa ng karakter sa palabas hindi ba? Ngunit di pala natin lahat ito mapapakinabangan sa realidad ng buhay. Matuto sana tayo sa tunay na nagaganap sa ating pangaraw-araw sa daigdig.

danilo arrio said...

Minsan talaga ay hindi nasosolusyonan ng panonood ng TV ang lahat ng problema, marahil puwede tayong mapatawa,ma'inspire',malibang ng magagandang palabas ngunit dapat na kung may problema tayo ay guma-gawa tayo ng paraan upang masolusyonan iyon.

Melissa Lyn Ariman said...

nakakalungkot naman ang pangyayari sa buhay nila. :( ipinakikita lamang dito kung gaano kalupit ang buhay. nakakalungkot isipin na ang dating nagsisilbing takas nila sa mga problema ay ngayon wala nang epekto sa kanila. Minsan talaga kailan/gan natin nharapin ang malupit na buhay.

Richelle Balza said...

Sa buhay ay kinakailangan din nating matutong magsaya. Nakatutuwa dahil isa sa mga nakakatuwang karakter si Spongy. :)

Richelle Inocencio Balza

chaii Lee said...

hindi mawawala ang problema ngunit kung pati ang bagay na naghahatid sa atin ng kaligayahan ay di na makakapagpasaya satin kelangan ay gumawa tayo ng paraan upang di malugmok sa kalungkutan habang buhay .

Jefferson Tiongson said...

ipinakita ng akda na ang mga tao ay maaaring maging masaya kahit may problema. pero hind pa rin natin ito matatakasan

Patricia Mae Rabino said...

Ang spongebob ay isang napakagandang palabas na paminsan nakakaaalis ng isip ng tao sa kanyang mga problema. Isa ako sa mga ito. Lalo na kapag ako'y nalulungkot sa mga pangyayari sa aking buhay. Tunay nga na si spongebob ay isang bayani ng mga problemado

Geleen Gail Inocencio said...

Ipinapakita ng kwento na hindi natin kayang isantabi ang ating mga problema dahil sa huli ay babalik at babalik din ito. Nakakatuwa po na si Spongebob ay naging pampalubag loob niyo. :D