Wednesday, June 30, 2010

P-NOY

(Sa kaniyang talumpati sa Inagurasyon)

Hindi kita kukutyain,
hindi rin naman kita pupurihin.

Para saan ang pagkutya?
Kung sa iyong bagong yugto,
namumugto
ang mata
ng mukha
na may sugat,
may lamat,
at nagnanaknak
dahil sa pagtarak
at pagsaksak
ng mga kriminal
na karumal-dumal.

Para saan ang pagkutya?
Kung sa iyong bagong yugto,
nasabi mo sa bayan
ang iyong predikamento
at madali ka nilang naunawaan
at umani ka ng palakpakan.
Hindi gaya ni Gloria
na mag-iisang dekada,
umani man ng palakpakan,
kahit kailan
di naunawaan ng masa
kaya umani ng maraming protesta.

Para saan ang pagkutya?
Kung sa iyong bagong yugto,
inantig mo ang puso’t
damdamin ng lipunan,
dahil ang iyong tinuran,
ang wikang sarili
ang naging kanlungan.

Para saan din ang papuri?
Kung sa iyong bagong yugto,
kahit di dumugo
ang ilong ng masa
sa iyong kinabisa,
ang mukha ba'y may pag-asa pa?

61 comments:

Ian Chris Alejo said...

Ang pagiging neutral ng tula sa isang icon ay nagpapakita ng dugo ng modernong manunulat. Naniniwala ako na sa modernong panahon na ito ay ang mga alagad ng sining ay sinisilip muna ang pagkakapantay-pantay na opinyon ng iba.

Rezon Ribaya said...

Magandang basahin dahil walang pinanigang panig. Parehong panig ay inunawa at inintidi. Sang-ayon po ako sa nakasaad ukol sa paggamit ng wikang Filipino dahil madaling maiintindihan ng mga tagapakinig na Pilipino ang talumpati ni Pnoy. Magaling po! Kung sakaling mababasa ni PNOY ito, sana'y mabatid niya ang ilan niyang kakulangan. :)

patrick james abelardo said...

walang pinapanigan ang tema nito. ipinapakita lamang nito ang mga pangyayari noong nakalipas na termino ni Gloria na para bang may tinutuligsa at ipinapahayag ang damdamin para sa kalagayan ng bansa nten sa panunungkulan ni Gloria. para saan nga ba ang pagpuri kung wala ka naman nagawang tama at para saan ba ang pagkutya kung makakasakit ka lang din ng damdamin?argand

vina solitario said...

maganda to. hindi kasi bias.
makikita opinion ng both sides.
sang-ayon din ako na tama lng na sariling wika ang ginamit ni Pnoy.
sinu ba naman ang kinakausap niya?
di ba ang masa?
anu ba ang masa?
di ba pilipino?

JayBoy Ladag said...

walang pinapanigang panig ito. tungkol sa mga nangyari noon at ang tamang paggamit ni Pnoy sa ating wika upang mas maintindihan ng masa sa kanyang pagsasalita. tayo ay nasa Pilipinas at may sariling wika nadapat gamitin upang mas magkaunawan ang bawat isa.

Mariel Joyce Portillo said...

Kahanga-hanga ang paraang ginamit ng may-akda sa tulang ito, sapagkat walang pinapanigan. Malinaw na nailahad ang magkaibang kaisipan. Ang mga ideya ay mayroong batayan. Ito ang mga nangyari noon hanggang sa kasalukuyan.

lhyn praun said...
This comment has been removed by the author.
lhyn praun said...
This comment has been removed by the author.
lhyn praun said...

hindi masama ang hindi pagkakaroon ng kakampihan lalo kung ito ang magiging dahilan upang magkasundo ang bawat panig.
hindi kailangan ng anumang papuri o panghuhusga sa sinuman, sa kung ano ang ipinapahayag o sa kung ano ang katayuan.
kung ipapakita ang pagkutya o papuri, ito ay nararapat iayon sa kanyang kilos at HINDI sa salita.

Graxe Tamondong said...

Tama ang may-akda. Tayong mga mambabasa na lang ang huhusga kung ang bagong lipunan ba nati'y may matatamong bagong pag-asa.

aMAISIEng said...

Tama lang ang tula. "very light".
At ang masasabi ko lamang ay; tama lang naman na dapat hayaan na lang muna nating gawin ng isang tao ang kanyang sinabi, kasi kahit anu pang gawin nating pagrerebelde, hindi rin ito makakatulong sa pag-unlad ng ating bansa. Ang maganda ay magsama-sama tayong paniwalaan na may kinabukasan pa sa ating bansa! Tayo ay magkaisa patungo sa pag-unlad!

kimberlie busog said...

Aanhin ang papuri kung sa huli ay may kapalit na pangungutya. Marahil sapat na kay p-noy ang pagtitiwalang ibibigay sa kanya ng mga mamamayan. Mas magandang patunayan niya ang kanyang mga sinabi at ipinangako sa bayan bago natin siya bigyan ng palakpakan.

Jerlyn Austero said...

Sa tingin ko nais lang na ipahatid ng may-akda na sa bisa ng pananalita hindi nahuhusgahan ang kahit sinuman. Na ang pananalita ay iba sa gawa at ang panghuhusga ay ginagawa kapag pinagsama mo ang dalawa.Sa huling pahayag pinagtibay na ang nakaraan ay nakaapekto sa mga sumusunod na uupo. Ang panghuhusga DAPAT ay hindi binabase sa turan ng lumipas bagkus ang mga bagong nagnanais ng pagbabago ay binibigyan ng pagkakataon.

Switzel Ocaña said...

Patas ang paggawa ng tula. Walang pinanigan. Kailangan ang ganitong pantay-pantay na trato. Ang pagpupuri ay nararapat sa isang taong may nagawang maganda sa kapwa. Bagamat ang pagkutya ay masama, sa tingin ko, ito ay nararapat para sa taong hindi maganda ang ipinakita para sa lahat.

elyssa leonardo said...

Ito ang tinatawag na malayang pagpapahayag. Walang nananaig na tao, neutral kung baga. Maingat at mahusay ang pagkakagamit ng mga salita.

annie aurigue said...

Nakakamangha ang pagpapahayag ng damdamin ng author. :)

Patricia Belmonte said...

Neutral. Walang pinapanigan ang may-akda. Malaya niyang inilahad at ipinahayag ang kanyang opinyon tungkol sa magkabilang panig :)

Justine Jamella Pecasales said...

Kahanga-hanga! Bihira sa isang tula o akda ang maipahayag ang magkasalungat ng ideya nang patas at pantay. Kadalasan ay napapansin ang pagigin pabor nito sa isang panig. Pero iba ito, walang pinapanigan ang nasabing tula. Pinahalagahan din dito ang paggamit ni Pnoy sa wikang Filipino na dapat nga naman talagang hangaan. :D

Justine Jamella T. Pecasales
BS Psychology 1-4

Claresille Ladao said...

Mahusay yung naging istilo ng tula sapagkat walang pinapanigan ang may-akda . Nakatutulong ang ganitong istilo upang hindi magkaroon ng argumento tungkol sa paksa dahil sa magkaibang opinyon . Sa tulang ito , hindi lamang pinahayag ng may-akda ang kanyang pansariling reaksyon kundi pati ang nakikita at maaring maging opinyon ng nakararami .

Marc Samson said...

Magandang araw po sa iyo Ginoong Rom Peña!

Tunay na naintindihan ng sapaterong si Juan Dela Cruz ang mga pananalita ni P-noy magmula pa noong siya ay tumakbo sa pagkapangulo, nagwagi, at ngayon ay pinamamahalaan si Luzviminda. Napakabihira niyang gumamit ng mga banyagang salita na makapagpapalabo sa pangkaraniwang mamamayan kung ano ang mga ibig niyang ipahiwatig. Klaro, Diretso, at sadyang tunay na ating nauunawaan ang bawat salitang namumutawi sa kanyang labi. Ngunit, dapat nating tandaan na mga "Boss" daw niya, at dapat din niyang tandaan na bilang nangangako sa mga "Boss" niya na malaki ang pagkakaiba ng salita at gawa.

-Marc-

Cristina Ilao said...

hindi naman nararapat na sa paggawa ng tula ay laging may pinapanigan lalo na kung alam mo na mas makakabuti na iprisinta ang dalawang paniniwala kahit na hindi ito magkatugma.

Joycefer Alejos said...

tunay ngang napaka husay ng tulang ito dahil walang pinapanigan o kinakampihan ang tulang ito . Naniniwala ako na sa modernong panahon na ito ay ang mga alagad ng sining ay sinisilip muna ang pagkakapantay-pantay na opinyon ng iba.

kristel anne bernaldez said...

Binigyan tayo ng may akda ng pagkakataong timbangin kung ano ang magiging panig natin. Nasa sa atin kung ano ang magiginmg husga natin sa panunungkulan ng ating presidente. Tayo lang ang tunay na makakapaghusga base sa ating nakikita naririnig at nababalitaan.

Joan Rose Miguel said...

Naging patas ang paglalahad na ginawa ng manunulat sa tula sapagkat wala siyang panig na kinampihan. Pawang katotohanan at may punto ang kanyang pinahayag.
Hindi nga man siguro naging ganoon katapat ang dating pang. Arroyo ay may mga nagawa pa rin siya para sa bayan.

At si P-Noy, hindi na lamang ako magkokomento sapagkat may cybercrime law, ngunit baka naman sa paglipas ng panahon ay may mga magawa pa siya dahil ang kanyang termino ay hindi pa naman natatapos.

Magandang tula tunay at pawang katotohanan ang inilahad at ipinabatid!

Tyrence C. Medes Jr. BSA I-15 said...

Hindi ako sumasang-ayon sa pagiging neutral ng may akda, dahil kung ako man ang tatanungin ay magbibigay ako ng pangungutya upang malaman naman ni P-NOY ang kanyang mga sinabi at ginawa na sa aking palagay ay mali para mapag-isipan niya pa ito at mapagbuti kung may kakulangan pa; at papuri upang malaman niya ang kanyang mga sinabi't ginawa na sa aking palagay ay tama para magsilbi itong isa sa kanyang mga inspirasyon upang pagbutihin at ipagpatuloy pa ang mga ito.

Ricardo Bohol said...

tama lang ang ginawa ng may-akda sapagkat ang pagiging nuetral ay patunay lang na hindi perpekto hindi lang si p-noy pati tayo mismo. hindi naman lahat ng mga pangungutya ay gawa niya sa sarili niya dahil maski tayo ay ayaw nating mawalan ng pangngutya pero kahit papaano ay tama lang rin ang mga papuri sa kanya dahil marami rin siyang mga pagkakamali sa lipunan. Iisa lang ang ibig sabihin nito,maging pantay lang ang ating opinyon dahil hindi tayo perpekto. isang magandang tema na kahit papaano ay napddebatehan ng bawat isa kung ano talaga ang nararapat.

Mariz Paculanan said...

Masasabing maganda ang ginawang paglalahad ng mayakda. Alam nating ang bawat tao ay may kanya-kanyang flaws. Ang bawat pangulo ay nagkakaroon din ng mga maling desisyon o sabihin nalang natin na mga desisyon na hindi pabor sa mga mamamayan.

Para sa akin, ang opinyon ko lamang tngkol sa mga nangyayari ngayon sa ating bansa, hindi naman masamang magbigay ng opinyon ukol sa mga maling gawain ng pamahalaan dapat hindi sila magbingi-bingihan sa mga hinain ng mga mamamayan. Sa mga opisyal ng gobyerno, wag sana nilang abusuhin ang kapangyarihan nila. At para sa mga mamamayan, wag lang sana tayong umasa sa pamahalaan kung naghihirap tayo wag sana nating isisi sa pamahalaan iyon dahil hindi lang sila ang may kasalanan ,tayo din.

Verlyn Ann Gupit said...

Naging patas ang pagtingin ng may akda sa pagsuri sa paksa. Totoo ngang lubos nating nauunawaan si P-NOY kaysa sa nagdaang pangulo. Pinahahalagahan niya ang wikang atin.
Dapat din na ang kanyang mga ipinararating sa atin ay kanyang maisakatuparn upang marapat talaga syang purihin hindi lamang sa galing niya sa pagpapaunawa sa kanyang kabbayan. :-)

Mikhaela Calcita said...

Ang galing ng pagkakagawa ng tulang ito dahil wala siyang pinanigan sa dalawa. Para sa akin, hindi naman masamang magbigay ng opinyon sa mga maling gawain ng pamahalaan. Ang masama dito hindi sila marunong makinig sa mga hinain ng mga mamamayan. (kung baga labas lang sa kabilang tainga). Dapat matuto silang tumanggap ng mga mali nila at ayusin nila ito. Sila kasi ang nakakataas at sinusunod ng bawat isa.

-Mikhaela Andrea B. Calcita
BS Psychology 1-4

marie lyca dela cruz said...

Ang tulang ito ay naghatid ng nakawiwiling mensahe. Bukod sa naakma ito sa panahon, nalaman ko rin kung ano ang opinyon ng awtor sa kasalukuyang administrasyon at kung ano ang masasabi niya sa kasalukuyang presidente.
Naiparamdam niya sa mambabasa ang positibo at negatibong reaksyon niya sa kasalukuyang pamunuan at kung anong tunay ng kalagayan ng bansa.

lizzette elago said...

simple lang yung tula pero maganda ang nilalaman!

Star Daprosa said...

ang tulang ito ay walang pinapanigan.
nagpapakita na ang tulang ito ay hindi kailangang kumutya o pumuri ng tao sa pamamagitan lamang ng salita.
kinakailangan ng gawa.

kimberly beo said...

mahusay ang pagkakalikha ng panitikang ito ..
walang pinapanigan ..
walang bahid ng pagka-bias..

ipinapakita rito ang mga di magandang pangyayari sa nakaraang administrasyon .. at ang tamang paggamit ni PNoy sa ating sariling wika .. tama nga naman ang ginagawang iyon ni PNoy ngunit sana punan niya ang kanyang mga pagkukulang sa bansa ..

;)

kimberly beo said...

mahusay ang pagkakalikha ng panitikang ito ..
walang pinapanigan ..
walang bahid ng pagka-bias..

ipinapakita rito ang mga di magandang pangyayari sa nakaraang administrasyon .. at ang tamang paggamit ni PNoy sa ating sariling wika .. tama nga naman ang ginagawang iyon ni PNoy ngunit sana punan niya ang kanyang mga pagkukulang sa bansa ..

;)

kimberly beo said...

mahusay ang pagkakalikha ng panitikang ito ..
walang pinapanigan ..
walang bahid ng pagka-bias..

ipinapakita rito ang mga di magandang pangyayari sa nakaraang administrasyon .. at ang tamang paggamit ni PNoy sa ating sariling wika .. tama nga naman ang ginagawang iyon ni PNoy ngunit sana punan niya ang kanyang mga pagkukulang sa bansa ..

;)

kimberly beo said...

mahusay ang pagkakalikha ng panitikang ito ..
walang pinapanigan ..
walang bahid ng pagka-bias..

ipinapakita rito ang mga di magandang pangyayari sa nakaraang administrasyon .. at ang tamang paggamit ni PNoy sa ating sariling wika .. tama nga naman ang ginagawang iyon ni PNoy ngunit sana punan niya ang kanyang mga pagkukulang sa bansa ..

;)

carlo jimenez said...

Maganda ang tula sapagkat wala itong pinapanigan. Pantay-pantay ang pagkakatimbang sa mga opinyon. Isang akda na tunay na maipagmamalaki.

Micah Marquez said...

Sa'P-NOY' naipakita ng manunulat ang pagiging neutral niya. Hindi niya ninais na siraan o kutyain ang pangulo bagkus naipakita niya ang magkaibang reaksyon ng masa. Sa maikling tulang ito naging ispiker siya ng masa kung saan nasabi niya ang saloobin ng maaming Pilipinong walang sapat na tinig.

Micah Marquez said...

Sa'P-NOY' naipakita ng manunulat ang pagiging neutral niya. Hindi niya ninais na siraan o kutyain ang pangulo bagkus naipakita niya ang magkaibang reaksyon ng masa. Sa maikling tulang ito naging ispiker siya ng masa kung saan nasabi niya ang saloobin ng maaming Pilipinong walang sapat na tinig.

Jarrel Malimban said...

Ganito dapat tayo hindi lang bilang manunulat kundi pati na rin ang pagiging mambabasa: dapat ay wala tayong pinapanigan at tulad ng tape, dapat double-sided tayo na pinapakinggan o iniintindi yung magkabilang panig.

Michael Joseph Tapit said...

Bilang isang Pilipino ay makikintal sa aking damdamin ang kanyang mga sinulat, sapagkat bago umaksyon ay kailangan munang pag-isipan kung ang ating pinaglalaban ay may kabuluhan ba o wala.

Stephen Zion Macaraeg said...

neutral ang pagpapahayag ng damdamin ngunit nagkulang sa pagpapaliwanag ng dalawang panig kung sabagay ang bayan na ang dapat humusga

Chammy Gail said...

Ahm , Para Sa Akin .. Maganda At Mahusay Ang Pagkakagawa Ng Tula .. May Malalim Ngunit Makabuluhang Salita .. Nkakapagpamulat Ng Isipan , Na Maging Alerto O Responsable Sa Bawat Galaw At Salitang Binibitawan .. Sa Tulang Ito , Kapansin Pansin Na Walang Kinakampihan O Pinapanigan .. Kapwa Magkabilang Kampo Ay May Sinasabi , Bwat Salita Ay Nakakahumali .. Walang Labis At Wala Ring Kulang Sa Tula Dahil Bawat Detalye Ay Mahalaga At Tama .. Pinapakita Rin Sa Tula Ang Kahalagahan Ng Paggawa Kaysa Sa Salita , Aanhin Mo Nman Ang Salita Kung Sa Gawa Ay Wala Ring Maipakita ..

jesse del rosario said...

walang pinapanigan ang tulang bagkus ay inilalahad lamang ng manunulat ang napansin niyang pagkaka-iba sa administrasyong Arroyo at administrasyong Aquino.

kcirlenn rodelas said...

Sa aking nabasang tula ay hindi ko maiwasang mamangha sa pagkakaroon ng pagkakataong maibahagi ang magkabilang panig. Bihira lamang akong makabasa ng tulang may negatibo at positibong pahayag sa isang paksa. Sana'y mabuksan ang ating mga isipan sa pagtimbang ng namamahala sa atin.





Kcirlenn Rodelas
BS Psychology I-4

Rhian Bitoin said...

Nagkaroon ng pagpapaliwanag sa dalawang magkalaban o magkabilang panig. Sa pagpuri man sa kanya o pagkutya.

Manuel Joseph Servando said...

Ito ang halimbawa ng isang magandang tula kung saan ang may akda ay walang kinikilingan at ipinapakita lamang ang tunay na nangyayari na hindi nagpapakita ng pagiging bias.

jocy pito said...

Ang tula ay neutral,walang pinapanigan. Ito ang naging kalakasan ng tula dahil imbes na mangutya ay nagbigay na lamang ito ng mga tanong na nagsisilbing hamon para sa taong nilalaman ng tula.

Carmela Ursua said...

Hindi pa tapos ang panunungkulan ni P-noy, kaya nararapat lamang na walang panigan ang may akda. Maaaring sa susunod na taon, may makita tayong paglago sa ilalim ng kaniyang panunungkulan at maari rin namang manatili sa bulok na sistema ang Pilipinas.

maureen de guzman said...

Sa pagiging neutral ng tulang ito, nilalayon nito na ang mga tao ang humusga kung alin sa dalawang panig ang sa tingin nila na nararanasan nila sa panahon ng pamumuno ni P-noy. Isa rin itong pamamaraan na ipakitang may maganda at pangit sa kanyang panahon depende na lang sa tao kung alin ang pagtutuunan ng pansin.

Jasper Ibanga said...

Di natin masisi ang mga pagkakamali nila sapagkat tao rin lamang sila.

Marvyn Jason Velasco said...

Maganda't nakakabighani. Ipinapakita ang totoong mga bagay na di kapansin pansin. Tinatakpan ng mga idolo ang pagtingin natin sa isang tao. Ngunit sa tulang ito mapapansin na ang bawat tao ay tao lamang at maaaring may mga mali rin kahit gaano kaganda ang bakgrawnd nito.

Joseph Cabrera said...

Nakatuwa. Hindi ko inaasahan na mababanggit dito si GMA. Isang tunay na maestro dahil kahit sa maikling sanaysay na ito, lubhang napukaw nyo ang isipan ko lalung lalo na sa nabanggit tungkol sa mga palakpakan na natanggap ng nakaraang administrasyon. Husay. wasak.

Gerald Aloc BSA 1-15 said...

Pinakita ng may akda na wala syang tinutuligsa at kinakampihan. tinutuligsa(lalim):)

Chris Lo said...

Pinapahiwatig na hindi makakatulong ang pagkutya natin sa mga pagkakamaling nagawa ng iba.

Richelle Balza said...

Ang panahon natin ngayon ay mahalaga kung kanino ka kakampi. Kung knino ka kakampi, kung sa pula o puti. Ngunit nararapat lamang na matutong tumingin sa magkabilang panig. At sa tula ay wala itong pinapanigan. :)

Richelle Inocencio Balza
BSA I-15

Aira Tiburcio said...

mahusay po ang ginawa niyong ito nawa po ay marami pang makabasa nito.

Samuel Panogot said...

Nakita ko ang parehong magkabilang nagdedebate. Wala itong pinapanigan

Jefferson Tiongson said...

walang pinapanigan ang akda dahil tinignang mabuti kung ano ang mga idudulot ng mga sinabi ni P-Noy

Arah Charisse Pile said...

Pro ba or anti? Parang gitna. =)

Geleen Gail Inocencio said...

Sir gusto ko pong malaman kung ano na ang panig at tingin niyo kay P-Noy ngayon. At sa palagay ko din na hindi po ikaw yung tipo ng tao na nagsasalita ng hindi pa tapos. :)