Thursday, September 4, 2008

INAAAYOS ANG LAMAN

31 comments:

angelica abiertas said...

Napakanda ng kwentong ito hindi ako nagkaroon ng kahit konting intensyon upang likdangan ang bawat pangungusap na nakapaloob sa kwento.Lubhang kahangahanga ang pagmamahalan ng dalawang tauhan na sina Didrei at Rohan maging sa paglipas ng panahon ay hindi pa rin nagwakas ang kanilang pagmamahalan .At isa lamang ang napagtanto ko matapos kong basahin ang akdang ito at iyon ay ang paghihintay at ang pagkakatutong tumanggap ng mga pangyayari sa buhay .Huwag nating hayaang mabuhay tayo sa nakaraan bagkus ay matuto tayong pahalagahan at mahalin kung anu man ang mayroon tayo ngayon sa kasalukuyan...

vina solitario said...

move-on
nangyari na ang nangyari.
parte na ito ng nakaraan natin.
dapat ay kinabukasan ang pagtuunan natin ng pansin. pero hindi ko naman sinabing kalimutan na ang nakaraan. gawin lng natin itong magandang memories na dapat ipagpasalamat dahil nangyari ito sa atin.
hindi naman mangyayari ang isang bagay kung hindi talaga dapat eh.
pero isa lang ang sigurado, may dahilan kung bakit iyon nangyari.

Kathrina Salita said...

Sa unang talata pa lamang ay nakuha na ng maikling kwento na ito ang aking atensyon. Akala ko noong una ay isa itong nakakatakot na istorya kaya nag-alangan akong basahin. Pero dahil gusto kong malaman kung bakit tatawag si Didrei kalahating oras matapos ang kanyang libing.

Masasabi kong wagas ang naging pagmamahalan ni Didrei at Rohan ngunit Diyos na ang nagpasya. Kahit na nag-asawa si Rohan ng iba, hindi pa rin nawala ang pagmamahal niya para kay Didrei. At yan ang tinatawag na wagas na pag-ibig.:)

Nabasa ko na rin ang “Ang isang araw sa Panginoon ay isanlibong taon sa tao.” sa isang libro ni Bob Ong, hindi ko na nga lang matandaan kung anong libro. "Ang Paboritong Libro ni Hudas" ata ito. Pero hindi ko na matandaan.

Sana lahat ng nagmamahalan ay ganito, wagas at totoo sa isa't isa. Madaling makakuha nang atensyon ang istoryang ito sapagkat ito'y tungkol sa pag-ibig at marami ang nakararanas nito. ♥

lhyn praun said...

ang bawat oras ay mahalaga
hindi natin ito hawak.

kaysakit sa damdamin kung ang oras na ating pinanghahawakan ay mawawala pa.

para sa dalawang nag-iibigan nang tapat, gaano man kahaba ang oras dito sa lupa, ay mababalewala pagdating sa langit.


-- isang kwentong kahanga-hanga ang aking nabasa. nakalulungkot lang isipin dahil kung kailan nagsisimula nang baguhin ng lalaki ang kanyang buhay sa piling ng bagong pamilya, ay saka naman ito mawawala sa buhay nila.

ang buhay ay sadyang ganyan.

:(

angel mananquil said...

mahiwaga ang kwento. wagas na pagmamahal ang namutawi sa puso ng bawat isa.nakakalungkot ang panimula at ganoon din ang wakas.hindi ito isang tipikal na kwento para sa akin. malayo sa kwento ang buhay ko pero parang sa pagbabasa ko, nadama ko ang sakit sa mga puso ng pangunahing karakter.

Deo Javier said...

Isang lesson ang itinuturo ng kwentong ito sa bawat isa sa atin. Tama, ang bawat oras ay mahalaga. Kailan man ay di natin malalaman ang mga bagay na itinadhana sa atin. Pahalagahan ang bawat blessings na binibigay ni Lord satin. Nice Love story! :bd

Kate Alagao said...

nakakatawag pansin ang panimula ng kwento kaya mas nakakakuha pansin itong basahin. Nakaka-excite kasi gusto kong malaman kung mangyayari yung pangako na iyon. habang binabasa ko yung kwento, para bang naiimagine ko yung actual na nangyayari, dahil detalyado ng husto ang bawat pangyayari :) nakakaantig ng damdamin yung love story nila, nagtuturo ito na pahalagahan ang bawat pangyayari at oras sa ating buhay. na buksan din natin ang ating mga isip sa mga kasalukuyang bagay. Sa kabuuan ang kwentong ito maganda dahil napupukaw nito ang bawat damdamin ng mambabasa :)

Geminie Villarin said...

isang nakakaiyak na kwento.
ipinapakita ang kahalagahan ng oras sa bawat buhay ng tao dito sa lupa hanggang sa langit.Hindi natin alam kung hanggang kailan tayo mananatili dito sa mundo.Ipinamalas ni Rohan ang kanyang wagas na pagmamahal kay Didrei kahit na ito ay namayapa na, na kahit napangasawa na niya si Nicole ay hindi pa rin ito nagbago hanggang sa huli. Sana ay marami pang makabasa ng maikling kwento na ito dahil ito ay kapupulutan nga mga aral.

Ayeza Camille Bilugan said...

Pag-ibig nga naman. Masarap magmahal kaya masakit talaga mawalan ng minamahal. Ngunit dapat matuto tayo na tanggapin ito. Wag natin sirain ang ating buhay. May mga dahilan ang Diyos kung bakit nangyayari ang mga bagay-bagay. Dapat maging matatag at ipagpatuloy na maayos ang buhay. Wag tayo mangamba sapagkat may inilaan ang Diyos para satin. <3

Mariz Paculanan said...

Maganda ang kwento. Kalimitan, napapanod ko lamang ang mga ganitong kwento. Pero marami na rin akong nabasang kwentong namamatay ang kapareha ng bida.

Sa tuwing makakabasa ako ng ganitong kwento, lagi kong natatanong sa sarili ko, kung paano kung mangyari sakin yun? Anong gagawin ko? Pero naisip kong alam kong lahat naman ay may tamang oras. Edi kung ganoon ang mangyari sakin dapat maaccept ko yun. Baka ganoon talaga yung plano para sa akin.

Base sa mga naririnig ko o nababasa, sadyang makapangyarihan talaga ang pag-ibig. Pero bakit may mga nabibigo sa pag-ibig? may mga nasisirang pamilya dahil sa pag-ibig? may mga nagpapa divorce at annul ng kasal? hmm. malalaman ko rin un pagdating ng right time. ^-^

Claresille Ladao said...

Ganda ng kwento . Tunay ngang ang nagdaan na'y kailanma'y di na maibabalik pero di ito nangangahulugang ititigil mo na rin ang iyong buhay sapagkat wala na ang iyong minamahal . Kailangan pa rin itong harapin at magsimula muli gaano man kasakit ang mawalan .

Camille Lucelo said...

Ang ganda ng kwento! Hay, Pag-ibig nga naman. Makaranas man tayo ng mawalan ng minamahal eh hindi na dapat tayo magpatali sa karanasan na ito. Ang nakaraan ay nakaraan. Tapos na. Hindi natin dapat isarado ang puso natin sa bagong pag-ibig. Ika nga ng iba,"Ang lahat ng bagay ay may dahilan." :)

marie lyca dela cruz said...

Ang pamagat ng maikling kwento ay tunay ngang takaw-atensyon sa mambabasa at mas lalo pang mapapaigting ng kwento ang inaasahan mong takbo ng kwento. Ang kwento ay binubuo ng kabit-kabit na ideya na lalong nakatulong upang mapaganda ang kwento.
Ito rin ay naglalaman ng aral na siguradong mapupulot ng sinumang makakabasa nito. Ito rin ay lalong napaganda ng “twist” sa hulihang bahagi ng kwento na lalong nagbigay ng satispaksyon sa mambabasa dahil nagawa nitong pag-isipin ang sinuman.

Star Daprosa said...

napakaganda ng kwento.
ipinapahiwatig lamang nito na ang oras sa mundo at sa langit ay malaki ang pinagkaiba.
kaya pahalagahan natin ang oras na binigay sa atin ng Diyos.

jojelyn colopano said...

sinasabi nito ang kahalagahan ng oras. dapat lang talaga na hindi ito sayangin

Rizzelle manalad said...

Sadyang nakakatuwa ang kwento. Ito ay talagang kapupulutan nang aral. Noong aking binabasa to, nakaramdam talaga ako nang bugso nang damdamin. Para bang nakita ko ang kahalagahan nang oras dito sa lupa at kung paano mas mahalaga ang oras kapag ikaw ay nasa langit na. Kinatuwa ko rin ang pagbabasa nito dahil ang pagmamahal nang dalawa ay hindi mapaparisan ngunit masakit ito sa parte ni Nicole. Dito sinasabi lang na may iba't-ibang uri nang pagmamahal. Pwede kang sumaya o masaktan. Kaya't anu man ang iyong gagawin ay dapat mong pag-isipan upang hindi ka makasakit o masaktan man. :)

Kim Nichole Edora said...

Ang oras ay mahalaga sa buhay ng tao. Dapat pahalagahan natin ang bawat sandali kapiling ang ating mag mahal sa buhay. Sabihin na natin ang mga nais nating sabihin, iparmdam natin kung gaano natin sila kamahal dahil hindi natin alam kung hanggang kailan natin sila maaaring makapiling. Walang nakakaalam.

Camille Nicole Sanchez said...

kailangan nlang natin mag move on para satin din ito upang maging maluwag ang kalooban natin.

Arianne Diaz said...

Isa itong kwento ng wagas na pag-ibig. Nakakatuwa dahil tungkol ito sa pag-ibig, naging kawili-wili ang pagbasa ko dito. Isa sa mga natutunan ko dito na kailangan matuto tayong 'mag move on'.

nikka patricia marcelo said...

Naagaw ang aking pansin ng mga naunang pangungusap. Talaga nga namang napakasarap ang magmahal lalo na kung ito'y totoo. Ngunit dapat na alalahaning walang permanenteng tao sa buhay natin. Darating at dadarating ang araw na kailangan din nilang mawala, gustuhin man natin ito o hindi. Kaya dapat nating pahalagahan ang bawat minuto, ang bawat oras at bawat araw na dumadating. Sabihin ang lahat ng nais sabihin, gawin ang lahat ng dapat gawin bago pa mahuli ang lahat.

Myra Togonon said...

Nakakaantig, napakaganda, grabe... bitin? Hindi ko na po maisip kung ano pa ang mga salitang ipangde-describe ko sa maikling kwentong ito. Maganda ang flow ng kwento at nakaka-antig ang bawat eksena. Maayos na naisalayasay ang kwento. Sana po ay marami pang mga maikling kwento kayong gawin, Sir! :)

Mikhaela Calcita said...

PAG-IBIG! :">
Tanggapin natin ang mga bagay na hindi permanente sa ating buhay. Huwag nating hayaan ang ating sarili na mamuhay sa nakaraan. Sa halip, gawin nating gabay ang mga aral na natutunan natin sa nakaraan upang hindi na maulit pa. Wag tayo magmadali sa mga bagay bagay dahil may tamang oras para diyan at kung natatagalan ka onting tiis pa, hinahanda lang ni Lord ang taong nararapat para sayo at mamahalin ka ng wagas. :) At pag nakita mo na ang taong iyon, siguraduhin mo na ang bawat oras ay hindi nasasayang upang walang magsisisi o malulungkot sa huli.

-Mikhaela Andrea B. Calcita
BS Psychology I-4

Justin Angelo Roldan said...

Wooo, kahit hindi ako umiibig ay nakakaantig talaga ang maikling kwentong ito, Nais ko na tuloy ulit umibig, kaso walang iibigin. XD Unang bahagi palang at titulo ay nakakatawag na ng atensyon kaya dagdag puntos sa iyo yun sir! Saludo! Naiinggit tuloy ako sa wagas na pagmamahalan nila. :( Hahahahahahahaha

Liezel Alco said...

Sa pag-ibig, hindi nawawala ang may masasaktan. Sa kwentong ito, naramdaman ko kung paano dapat pahalagahan ang bawat sandaling kapiling mo taong pinakamamahal mo. Hindi mo masasabi kung hanggang kailan kayo magiging masaya kaya dapat sulitin ang bawat sandaling kapiling mo pa ang mahal mo. Isang mataas na papuri po para sa may-akda nito! Isang makabuluhang kwento ng pag-ibig.

cristy malco said...

Kung ako ang author ng maikling kwento, bibigyan ko ito ng wakas na hindi na muling magpaparamdam si Didrei sa pamilya ni Rohan at hahayaan na lamang niya na maging masaya na siya sa piling ni Nicole. Malaking tulong ito para kay Rohan upang tuluyang makalimot.

jell tan said...

NAKAKAINLOVE ! parang ang sarap ng may pag-ibig :)
<3 pero medyo nakakabitin
ang lakas makahatak pansin ng unang pangungusap kaya kahit may kahabaan tinyaga ko itong basahin WORTH IT naman pala :D

Jasper Ibanga said...

Kahit may ibang mahal yun mahal mo di mo pa rin maiwasan na mahalin pa rin siya. Isang Kwento na patungkol sa pag -big.

kenneth barrera said...

tunay ngang napakahalaga ng oras,...
ito ang natutunan kosa maikling kwentong ito..napakaganda kahit sa umpisa naging palaisipan sa akin ang pamagat..

SalvieBallori said...
This comment has been removed by the author.
crisby delgado said...

mula sa nakaraan ay nakapupulot tayo ng mga aral na maari nating gamitin sa kasalukuyan. gayunpaman, ang mga bahaging ito ng ating buhay ay dapat na nagtuturo sa ating magpahalaga sa mga kung anong natitira pa.

Arah Charisse Pile said...

Nakakatouch.. :<