Wednesday, October 21, 2009

INSIDENTE Pagsasalin ng Tula

(Salin ng tulang Incident ni Countee Cullen)

Nang makarating sa malaon ng lungsod,
Nakadama ng galak ang puso’t isip,
Napansin ko ang isang tagaroon
Nakatitig sa akin nang mataman.

Walo ang edad ko at munsik,
At ang lamang niya’y katiting,
Ngumiti ako, ngunit bumulalas sa kaniyang
bibig, ang salitang “Baluga”.

Nakita ko ang lahat sa lungsod
Mulang Mayo hanggang Disyembre;
Sa lahat ng mga nangyari sa akin doon
Ito lang ang tangi kong nagugunita.

51 comments:

Ian Chris Alejo said...

Ewan ko kung tama ang persepsyon ko, pero may discriminasyon ba na nangyari sa tula sa pagitan ng probinsyano at taga-lungsod?

angelica abiertas said...

May kahangahangang konsepto ang may akda sa paglikha ng tulang ito.Tunay ngang mahirap makalimutan ang pait na pinagdaanan natin sa nakaraan subalit ang tanging masasabi ko lamang ay hindi makabubuti kung ang mga pangyayaring nakapagbigay sa atin ng malalim na sugat at mga pasakit ay patuloy pa rin nating gugunitain hanggang sa kasalukuyan.Sana ay ituring na lang natin itong isang mabuting tularan upang hindi na tayo ulit masapit sa ganoong kalagayan.Dahil ang naunang kamalian sa atin ay dapat nating gawing basihan upang magawa nating iwasan ang mga pangyayaring magbubunga ng hindi kanaisnais para sa atin.

Clarisse Liberato said...

Diskriminasyon mula sa mga taga probinsya ang aking pagkakaintindi si tula. Mga matang mapanghusga ng mga taga maynila, kung anong binansag sa isa ay binansag na rin sa iba.

-BsPsychology1-4

EdAllan Ramos said...

Mapagpahulugan ang tulang ito at madaling maunawaan , mistula na sa isang maikling kwento lamang na ito ay napagbigyang kahulugan agad ang dapat mabatid tungkol dito.

JayBoy Ladag said...

ang pagkakaroon ng diskriminasyon sa mga taga probinsyang bagong salta sa lungsod at sa mapanghusgang mata ng ibng taga lungsod. sa tingin ko iba iba mag isip ang mga tao kung kaya nila ito nagawa. marahil ang paglagay nalmang ng ating sarili kung sayo ito ginwa ay marahil maiisip mo din na di mo nalng sana iyon ginawa.

patrick james abelardo said...

iyan lagi ang nga ekspresyon ng mga taga-probinsya sa mga Lungsod. sabi nila maganda, mayayaman ang tao at maraming trabaho pero hindi maikukubli ang kahirapan at mga karahasan. malaki ang mga ekspektasyon ng mga probinsya sa isang Lungsod tulad ng Maynila. makikipagsapalaran sila para lang mabuhay at kumain ng 3 beses sa isang araw mairaos lng.

angel mananquil said...

totoo ngang nagyayari ito sa tunay na buhay.nagiging tampulan nga ng tukso ang mga bagong salta at wala pang gaanong nalalaman sa lugar na bago niyang tirahan.masasabi kong isa itong uri ng diskriminasyon na lumalabag sa karapatan ng isang tao na igalang ano man ang kulay o katauhan niya. nagustuhan ko ang akda.maikli pero napakamakahulugan.

Jerlyn Austero said...

"baluga" ay isang salitang ginagamit sa mga Aeta. Ito ay hindi salitang nakakadismaya subalit maraming sadyang nabibigyan ito ng ibang kahulugan. Ang diskriminasyon sa rural at urban na pook ay isang palatandaang hindi nagkakaisa ang mga Pilipino. Sa akdang nabanggit napalitan ng dismaya o kahihiyan? ang damdaming kasiyahan at pagkasabik nito.Isa na din itong pahiwatig na 'di natin makatarungang pagtrato sa ating kapwa.

Michael Vincent Trugillo said...

Realidad ang ipinakita sa tula. Napakamakapangyarihan ng mga salita, at sa isang salita, maaaring makaapekto ito sa buong buhay ng isang tao at hindi ito mawala.

Marc Samson said...
This comment has been removed by the author.
Marc Samson said...

Magandang araw po sa iyo Ginoong Rom Peña!

Ang mga sitwasyong ito na sangkot ang panlahing diskriminasyon ' racial discrimination ' ay talamak di lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.

Tayo ay nasa iisang mundo lamang, hindi makatarungan na magkaruon ng pagsasapin-sapin o istratipikasyon batay sa lahi, kulay ng balat,o maging sa kasarian.

Lagi nating dapat isipin na tayo ay minolde at ginawa na batay din sa lumikha kung kaya't walang pagsasapin-sapin ang dapat mangyari. Tayo ay ipinanganak nang nasa tama at kahit kailanman ay hindi natin dapat kuwestyunin ang lumikha kung bakit ang iba sa atin ay hindi nakabibilang sa prinsipal na agos ng buhay.

" I'am beautiful in my way because God makes no mistakes I'am on the right track because I was born this way!!! " ( pinaraphrase mula sa isang sikat na kanta ni Lady Gaga ) ika nga. Sinasabi dito na hindi dapat tayo magkaroon ng pagdududa sa ating sarili dahil hindi nagkakamali ang Panginoon.

Kung kaya't dapat ay mamuhay tayo nang walang pag-aalinlangan sa halip ay pasalamatan natin ang Maykapal sa araw araw nating pamumuhay dahil binigyan niya tayo ng pagkakataong mamuhay sa mundo sa pamamagitan ng ating mga magulang.

-Marc-

Rosean Dellamas said...

Parang di lang ito nangyayari sa mga palbas kundi pati na rin sa tunay na buhay.

robert roy said...

Nakakatuwa dahil di mu akalain na ganoon ang mga reaksyon sa atin ng ibang tao lalo na kapag hindi natin kilala. :D


-BSPSYCHOLOGY 1-4

Geminie Villarin said...

hindi talaga maiiwasan ang diskriminasyon sa isang tao.may mga tao talaga na nanghuhusga kaagad kahit hindi pa niya ito nakikilala ng lubusan. nakakalungkot lamang dahil hindi pantay ang tingin ng mga tao sa atin.

Jenalyn Meneses said...

KAHANGA- HANAGA TALAGA ANG MAY-AKDA SAPAGKAT LAHAT NG KANYANG SINUSULAT AY NANGYAYARI SA TOTOONG BUHAY. ITONG TULANG ITO AY NAGPAPAKITA NG DI PAGKAKAPANTAY- PANTAY SA PAGITAN NG MGA TAO SA LIPUNAN. ANG ATING MGA SALITA AY SADYANG MAKAPANGYARIHAN. MAAARI ITONG MAKAGAWA NG KRIMEN NA HAHANTONG SA PAGKAMATAY. ANG SALITANG BALUGA AY MAAARING MAGDULOT NG IBA'T IBANG PANGYAYARI SA TAONG SINABIHAN NITO.

Marje Andag said...

Hindi talaga kaila na ang diskriminasyon ay tunay na nangyayari sa lipunan.Hindi laman sa Pilipinsa kundi maging sa ibang bansa.Sadyang may mga tao talaga na mahilig mamuna ng kamalian.Marahil, mas madali na makita ang mga bagay na wala sa isang tao kaysa sa mga bagay na mayroon siya.

tayong lahat ay ginawa nang pantay-pantay.Maaring mayroon ka na wala siya at mayroon siya na wala ka.Gayunpaman, lagi nating dapat pakakatandaan na ang buhay ay hindi para sa iisang tao9 'lang.Ang lahat ng tao ay may pare-parehong karapatan na mabuhay nang payapa.H'wag tayong manghusga sapagkat tayo rin, sa ating mga sarili ay may mga pagkakamali rin.

Claresille Ladao said...
This comment has been removed by the author.
Claresille Ladao said...

Totoong di lahat ng mga taga-lungsod ay nakadadamit ng maayos , nakabibihis ng magara at nakapagsasalita ng pormal tulad ng iniisip ng mga taga-probinsya . Masasalamin pa rin dito ang kahirapan at nakararanas pa rin ang mga taga-lungsod ng kakapusan na kailanman ay di matatakasan . Sa katunayan , mas masarap pa ngang mamuhay sa mga probinsya na malayo sa kaguluhan , polusyon at puno ng katahimikan .

Verlyn Ann Gupit said...

Diskriminasyon ang tangi kung naramdaman sa tulang ito na nakasakit sa damdamin ng taga probinsya, pero tayo ay nasa malayang bansa. Kailangan nating harapin ang mga mapanlait sa mundo. At taas noong ipagmalaki ang kanyang totoong pagkatao

Marjorie Quimora Fernandez said...

Nangangailangan ng malawak na imahinasyon ang tula upang ito ay higit na maintindihan ng mambabasa. Ang tulang ito ay makatutulong upang mapalawak ang imahinasyon ng bawat mambabasa. Ang pagpunta sa ibang lugar ay makatutulong upang matuto tayong makisama sa ibang tao at harapin ang mga pagbabago na maaaring maganap sa ating buhay. Sana po ay marami pang manunulat ang makagawa ng ganitong uri ng tula.

lizzette elago said...

ewan ko kung ano ang tunay na kahulugan! pero sangkot dito ang mga probinsyano!

carlo jimenez said...

Diskriminasyon ang nabatid ko sa pagbasa ng tula na ito. Laganap na ito sa mundo. Mahalagang mamulat ang ating kamalayan natin sa ganitong uri ng isyu. Baluga!

Tristan Jay Cruz said...

Diskriminasyon ang pangunahing paksa sa tula. Marami talagang mga tao ang mapanghusga.

Michael Joseph Tapit said...

Ang tulang ito ay nagpapahayg ng diskriminasyong lumalala na sa punong lungsod ng ating bansa. Maging sa kabataang nawawalan ng paggalang sa iba( mga batang lansangan)

Stephen Zion Macaraeg said...

makatotohanan at nangyayari sa kasalukuyan ang mga ganitong pangayari at ito ay kung ano ang realidad na namamalagi sa mga lungsod ngayon

harry medenilla said...

Napakareyalidad ang tulang ito.Sa isang salita lang maitatanim mo ito sa buong buhay mo.

Cassey Anne Rheberg said...

BSP I-4 PUP

Napakaikli ng tulan ito ngunit malaman. Sa aking pagkakaintindi ay ang nagsasalita ay taga-probinsya at pumunta dito sa Maynila upang makipagsapalaran. Nakararanas siya ng diskriminasyon mula sa mga taga-lungsod. At ang ibig sabihin ng dalawang huling taludtod ay lahat ng masasakit na sinasabi sa tao ay mahirap makalimutan. Kaya dapat tayo'y maging mahinahon sa ating pananalita nang walang damdamin ang masasaktan.

Chammy Gail said...

Sinasalaming Nito Ang Hndi Pagkakapantay Pantay Ng Pagtrato Ng Bawat Isa Sa Atin Paminsan Minsan .. Kung Sinu-Sino Pa Ung Nkaka-Angat O May ALam , Cia Pa Itong Mayabang At Mapagmataas .. Imbis Na Tulungan , Ibinababa Pa .. Ang Mahirap Sa Atin , Mhilig Tayong Manghusga Pero Pagdating Sa Atin Bulag Na Tayo .. Nakikita Ang Pagkakamali Ng Iba , Pero Sa Sarili Puro Mali Rin Naman .. Panu Kung Gawin Sau Ang Ayaw Mong Gwin Sau , Msakit Hndi Ba ?? Hndi Ntin Makalimutan Ang Pangitain Na Ito Sa Ating Buhay .. Mahalaga Sa Atin Ang May Konsiderasyon At Pagmamahal Sa Kapwa .. Wag Tayong Manghusga , Mapanakit , Makasarili At Masama Sa Ating Kapwa .. Bagkus Pkitaan Ntin Sila Ng Kabutihan At Pagtitiwala .. Nang Sa Gayon , Ikaw Ay Pagkatiwalaan At Mahalin Din Nila ..

Arianne Diaz said...

Dapat tayong maging maingat sa lahat ng ating sinasabi dahil hindi natin alam na kung minsan ay naksasakit na pala tayo at maaari pang hindi na nila makalimutan ang ating sinabi at maging sanhi ito ng kanilang ikahihiya at ikahihina.

Ricardo Bohol said...

isang tulang ito ito ay tungkol sa diskriminasyon ng taga lungsod sa mga probinsyano. ang mahihinuha ko rito ay wag nating agad-agad laitin ang ating kapwa sa panlabas na anyo nito kundi tingnan rin natin ang panloob na katauhan. madaling maunawaan ang tulang ito at maraming nakakarelate rito lalo na ang mga taga-rural na lugar.

Rhian Bitoin said...

Pamilyar ako sa tula. Nabasa ko na siya dati sa Ingles na lengwahe. Oo, nagkaroon ng diskriminasyon sa pagitan ng taga lungsod at taga lalawigan, naging mapait ito sa karanasan ng isang taga lalawigan kaya hinding hindi niya ito nalimutan.

Manuel Joseph Servando said...

Ang tulang ito ay nagpapakita ng diskriminasyon.. Hindi ito isang magandang gawain dahil sa simpleng salita lamang ay nkakap[anakit tayo ng damdamin ng iba.

Abigail Manalo said...

Kakambal ng buhay ang diskriminasyon at kadalasan ay ito pa ang tumatatak sa ating mga isipan. May mga sitwasyon pa ngang ito na ang nagiging mitsa ng ating pagkamatay, ngunit kung sino man ang nakaka ramdam o may kaparehas na pinag dadaanan ng ganitong "Tula", laging isipin nalang kung sino ang tunay na nakakatanggap sayo. Isipin nalang ang kanilang paniniwala sayo at subukang wag nalang pansinin. Kasi, wala namang pangit sa gumawa satin. Kahit na anong sabihin ng iba sa'yo,ang tunay na lamang na makakapag husga ay ang gumawa sa atin- sa iyo. :)

Abigail V. Manalo
BS Psychology 1-4

VM Paloma said...

Isa itong reyalidad na kapag may sinabi kang hindi maganda sa isang tao at ikaw ay mahalaga sa kanya, hinding hindi niya ito malilimutan. Ang isa pang reyalidad sa tula ay ang diskriminasyong namagitan sa isang taga-lungsod at isang galing sa probinsya na hindi naman natin dapat na tularan.

Cess said...

Walang sinuman ang nakakaligtas sa mata ng mga taong mapang husga. Kahit na sino man sa atin ay nakaranas na ng ganitong
sitwasyon. Pero kahit na ano mang sabihin ng iba, alam mo naman sa sarili mo kung sino ka talaga, kung papa-apekto kaba o tatawanan mo nalang. Hindi sapat ang panglabas na kaanyuan sa pagiging batayan ng tunay na katauhan o ugali ng tao. Sa huli, ang tunay na kagandahan ay nasa loob at wala sa labas na kaanyuan. :)

ghie ghie said...

"Sa lahat ng mga nangyari sa akin doon. Ito lang ang tangi kong nagugunita" Para sa akin, Kinalimutan ng persona ang mga masasamang ala-ala niya sa lungsod at ang tanging iniwan niya ay yung tagpong iyon, Dahil sa mga panahong yon siya ay inosente at may galak sa mundo. Walang bahid ng sakit at hinagpis ang kanyang buhay.

Irene Joy Geroy BSPsy 1-4

ghie ghie said...

"Sa lahat ng mga nangyari sa akin doon. Ito lang ang tangi kong nagugunita" Para sa akin, Kinalimutan ng persona ang mga masasamang ala-ala niya sa lungsod at ang tanging iniwan niya ay yung tagpong iyon, Dahil sa mga panahong yon siya ay inosente at may galak sa mundo. Walang bahid ng sakit at hinagpis ang kanyang buhay.

Irene Joy Geroy BSPsy 1-4

maureen de guzman said...

Malungkot isipin na sa iisang salita ng ating kapwa ay may mga pusong nasasaktan at sana nga lang gamitin na lang ito ng bida sa tula upang maging hamon na kahit anu pa sya ay magkakaparehas lang tayong may buhay at pantay pantay kaya gagawin nya ang kanyang mga nais.

jell tan said...

Diskriminasyon , ang aking salitang nakintal matapos kong basahing ang tula .. Mahahalatang nangyayari talaga ito sa ating kasalukuyang panahon nawa'y maging aral ito sa mga nakabasa :)

Joanna Marie Joaquin said...

Sa aking palagay tungkol ito sa diskriminasyon sa pagitan ng taga-lungsod at taga probinsyano. Nakakalungkot isipin na ganito ang nangyayari sa kasalukuyan. Sana mabago na ito.

adnel rose barbo said...

Ang tulang ito ay nagpapakita ng diskriminasyon. Maaaring sa mga nakatira sa pook urban pati na sa pook rural

Rizzelle manalad said...

Ito ay tunay na pangyayari sapagkat sa reyalidad ng buhay talagang nagkakaroon ng diskriminasyon.

Mary Joy Urminita said...

Sa aking hinuha, ang tulang ito ay nagpapakita ng deskriminasyon. Ipinapakita dito ang realidad na nangyayari sa tunay na buhay.

SalvieBallori said...

Isang tulang mapupulutan ng aral. Dapat tanggap natin ang isang tao saang lugar o probinsya man siya galing. Dahil ang kabutihan ng tao ay di makikita sa labas na kaanyuhan kundi sa busilak na pusong kanyang tinataglay.

kenneth barrera said...

sa aking pagkakaunawa,may diskriminasyong nangyari..
kalimitan tayo ay mapanghusga..

Galatians 5:14
For the whole law is fulfilled in one word: “You shall love your neighbor as yourself.”

Gerald Aloc BSA 1-15 said...

Kung ano ang unang impresyon ng isang tao sa isang lugar tatatak na ito sa kaniyang isip. At dapat wag natin kutyain ang ibang mga tao na galing sa ibalng lugar upang d cla magkaroon ng masamang pangyayari sa lugar na iyon.

Richelle Balza said...

Bagaman may pait sa nakaraan matutong mag move-on. Ang buhay ay patuloy ang pagikot kaya magpatuloy sa buhay. :)


Richelle Inocencio Balza
BSA I-15

Samuel Panogot said...
This comment has been removed by the author.
Samuel Panogot said...

Matutong Tumayokapag nadadapa

Samuel Panogot said...

Matutong Tumayokapag nadadapa

Arah Charisse Pile said...

Malupit ang siyudad para sa mga "BAGUHAN".