Monday, October 19, 2009

HAGUPIT NA MALUPIT Tula

Para Kina Ondoy at Pepeng)

Paano ko sasabihin
na hindi ka nakapuwing
sa matang may paglalambing
at sa pusong nakahimbing.

Katawan ang mga mata,
sa bawat hampas may bata,
mga bisig, nataranta
sa’yong itim na pagsinta.

Katawan ko’y dinaluhong,
hagupit ay sumalubong
ng malupit na daluyong
hanggang sa ako’y magsumbong.

Ang inipong bulas, lakas,
tikas at bikas, binutas
at binitas ng paghampas,
hanggang sa ako’y lumikas.

Sa paglikas, daa’y dilim,
sumalubong ang maitim
at mabalasik mong tingin
na humambalos sa akin.

Malalim ang hinanakit,
ang sakit, handang pumikit.
Ang tanong, bakit sinapit?
Ang sumbong, napakalupit!

Ang saklap ay tumutuklap
sa katawang naghahanap
ng taimtim na paglingap
at mainit na pagyakap.

Sa akin, latay ang basbas,
inanod ang buong lakas.
Bakit sa bawat paghampas
laging iniiwa’y bakas?

Mga bakas na sumugat:
ang kirot na di maampat,
ang hapding nadadalumat
at sakit na bumibigat.

Paano pa ibabalik
ang tamis ng pananabik
sa katawang dinalikdik
ng bangis na walang imik?

Di nga nagtagal, nalunod
itong liwanag sa pusod
ng kalupitan, inanod
ang lakas, kaya’t napagod.

Ang katawan ko’y humimpil
sa kabaong ng hilahil.
Dahil sa dahas, siniil
ako at iyong sinupil.

40 comments:

angelica abiertas said...

Kahit na lumipas na ang maraming panahon hindi natin makakalimutan ang mga dulot nitong pasakit ta hirap...

angelica abiertas said...

Sa mga unos na dumarating sa buhay natin kahit na ito ay nag-iwan man ng masasakit at mapapait na alala ay marapat lang natin itong tanggapin ng maluwag sa ating mga puso at lagi nating isipin na isa ito sa mga kaloob ng Diyos upang mas lalo tayong patatagin at maging handa sa susunod pang mga hamon na ating kakaharapin sa susunod pang mga panahon

Ian Chris Alejo said...

Walang akong masabi sa tulang ito! May tunog ang bawat taludtod. Isang makata.

vina solitario said...

maganda yung tula.
kasi di lang yung author yung nakaranas nung sinasabi niya kundi pati yung ibang mambabasa kaya makakarelate ka talaga or alam mo yung sinasabi niya...

rizza francia soriano said...

isang malaking aral ng pumasok si ondoy sa ating buhay... nakakalungkot naman yung tula habang binabasa ko.maraming buhay na namamatay dahil sa hagupit ng kalikasan ,.. kaya pangalagaan natin ang inang kalikasan..

Michael Vincent Trugillo said...

Maganda ang tulang ito. Sinasabi sa tulang ito na ang sakit na natatanggap ng kahit na sino ay nag-iiwan ng bakas at hindi ito makakalimutan. Minsan nagdudulot pa ng mas malaking unos at maaring maging sanhi ng pagkamatay.

robert roy said...

Napakaganda ng tulang ito. Ang kaso nga lang ay napakalungkot at sakit na mga pangyayari.

-BSPSYCHOLOGY 1-4

Joan Rose Miguel said...

Ang ganda ng pagkakagawa, ang mensahe ay buo at ang mga salitang ginamit upang maipakita ang kasawiang dinulot ay tugmang tugma.

Naging napakalupit ng mga nagdaang bagyo ngunit ang pananalanta ng mga ito ay nag-iwan sa atin ng isang pagbubukas ng isipan : Pasira na ang kalikasan dahil sa ating mga kapabayaan. Kailangan na nating umaksyon upang gumawa ng solusyon. Kung atin sanang naalagaan ito noon pa ma'y hindi na tayo hahantong sa ganito.

Napakahusay!

Cristina Ilao said...

ipinakita nito na hindi madaling kalimutan ang mga pagsubok na nagdaan na sa tuwing naaalala mu iyon ay mararamdaman mo pa rin ang sakit.

Jenalyn Meneses said...

Ang mga unos na dumating dumarating at darating pa lang sa ating buhay ang siyang sa ati'y magbibigay kalakasan at mas magpapakatatag pa sa ating mga sarili. Tatandaan natin na hindi pa huli ang lahat. Tunay nga na maaaring magdulot ito ng kamatayan ng iba ngunit wag pa rin nating limutin na nariyan pa ang Maykapal na ating makakasama sa paglakbay sa landas ng buhay.

Mariz Paculanan said...

Maganda ang pagkakagawa ng tula. Naaliw ako sa pagbabasa dahil sa tugmaan ng bawat linya pero ang tema ng tula ay nakakalungkot. Bilang isa sa mga nakaranas ng hagupit ng ondoy at pepeng, masasabi kong talagang napakahirap lalo na sa mga taong nawalan ng mga mahal sa buhay at nawalan ng ari-arian. At sa paglipas naman ng panahon, nakakatuwang tignan na tayong mga pilipino ay pinagpatuloy ang buhay na may ngiti sa labi sa kabila ng unos na yun.

Marje Andag said...

Inilalarawan ng tulang ito kung ano ang ating mga naging sitwasyon noong mga panahong sinubok tayo ng iba't ibang kalamidad gaya ng Ondoy. Maraming buhay ang pinatay, maraming ari-arian ang natangay.Pasira na ang ating kalikasan, at sa palagay ko, hangad ng tulang ito na hikayatin tayo na muling magmalasakit kay Inang kalikasan.Hindi madaling kalimutan ang mga idinulot ng mga sakunang ito kaya't sana ay matuto na tayo.

Verlyn Ann Gupit said...

Madami mang pagsubok ang dumating, dapat nating patatagin ang ating damdamin. Nagiwan man ito ng pasakit, may aral din itong kapalit. Dapat na maging handa at huwag kalimutang lumapit sa Maykapal.
:)

karen rose Ramilo said...

Sa pamamagitan ng tulang ito, malikhang naipabatid ang epekto at hagupit ng mga nagdaang bagyo… Maganda ang pagkakagawa at ginamitan din ng pagsasatao na naging sanhi upang lalo pang maging madamddamin ang pagpapahayag ng tula.

lizzette elago said...

sa mga problemang dumaan tiyak merong pinamalupit! pero tiyak nalampasan na natin yon!

jojelyn colopano said...

lahat ng problema ay kaya nating lampasan. tiwala lang

lyme garcia said...

napakaganda ng estilo na iyong ginamit.dito ay ginamit ang pagsasatao upang maipakita nag delubyong dinulot ng mga nagdaang bagyo.ipinapahatid nito na sa bawat problema at unos sa ating buhay ay huwag tayong mawawalan ng pag-asa bagkus dapat tayo matutong manalig at kumapit sa Poong Maykapal.

camille crisostomo said...

kailangan ay matuto tayong harapin ang mabibigat na problemang dala ng buhay. matuto nating tanggapin ang mga bagay na talagang di na natin maaaring maitama pa mula sa mga nagdaang pagkakamali na ating ginawa.

Rizzelle manalad said...

Ang tula ay mayroon na damdamin. habang binabasa mo ito, mararamdaman mo ang hagupit at ang iyak na nararamdaman nang puso habang dinadanas ito. May tugmaan ang tula na tila oa isang pakanta. Dahil dito, mawala man ang latay na naranasan, kahit kailan naman ay hinbdi ito malilimutn.

Stephen Zion Macaraeg said...

mahusay ang bawat tugma at ang bawat taludtod ay makahulugan , mahusay !

kcirlenn rodelas said...

Parte lamang ang mga pagsubok at kabiguan sa buhay. Ito ang magpapatunay kung gaano tayo katatag harapin ang mga problema at sakit na ating nararanasan. Ngunit, di nangngahulugang kailangan nating tumigil dahil lamang may problema o may iniinda tayong sakit. Kung sakaling dumating man tayo sa puntong kailangan na nating lumisan, harapin natin itong may ngiti sa labi dahil tapos na ang ating takbuhin.




Kcirlenn Rodelas
BS Psychology I-4

kcirlenn rodelas said...

Parte lamang ang mga pagsubok at kabiguan sa buhay. Ito ang magpapatunay kung gaano tayo katatag harapin ang mga problema at sakit na ating nararanasan. Ngunit, di nangngahulugang kailangan nating tumigil dahil lamang may problema o may iniinda tayong sakit. Kung sakaling dumating man tayo sa puntong kailangan na nating lumisan, harapin natin itong may ngiti sa labi dahil tapos na ang ating takbuhin.




Kcirlenn Rodelas
BS Psychology I-4

Cassey Anne Rheberg said...

BSP I-4 PUP

Napakamadamdamin ang pagkakagawa ng tulang ito. Sa pamagat pa lamang ay mahihinuha na ang mensaheng nais iparating ng may-akda. Nakakalungkot lang isipin na tuwing may bagyo o delubyo ay may nakakaranas ng ganitong hirap at pasakit. Maraming namamatay dahil sa kakulangang sa paghahanda ng pamahalaan at pati na rin ng mga tao. Kung ako naman ay mabibigyan ng pagkakataon na tapusin ang tula, tatapusin ko ito sa masayang pangyayari. Babangon ang bida at magbabagong buhay pagkatapos ng delubyo. Dahil isa lamang ito sa mga ugaling Pilipino na kailanma'y di maaalis. :)

Arianne Diaz said...

Ang daming talinghaga. Tungkol ito sa isang umiibig ng palihim. Ang galing ng pagkakasulat.

Chammy Gail said...

Sa Tulang Ito Makikita Ang Kabiguan At Pakiramdam Ng Masaktan .. Mganda At Matalinghaga Ang Bawat Salita Na Nagdudulot Na Mala-imahinasyong Larawan Sa Isipan .. Mkikita Na At Mararamdaman Ang Pighati At Sakit Ng Manunulat .. Kung Nkadarama Ng Ganitong Pasakit , Wag Sumuko At Magpatalo Sa Kabiguan .. Lumaban At Maging Matatag .. Gawing Tungtungan Ang Sakit Pra Makalaya Sa Kabiguan .. Ang Pagdaranas Ng Kabiguan Ay Hndi Masama , Nakakatulong Ito Sa Indibidwal Na Mas Lalong Mging MAtapang At Mas Matatag .. Kya Wag Kang Matakot MAsktan O Makaranas Ng Pighati , Dahil Dito Mas Nahuhubog Ang Iyong Personalidad O Pagkatao ..

Myra Togonon said...

Ang tulang ito ay isang masining na pagpapahayag ng mensaheng nais iparating ng may-akda sa dalawang malalakas na pwersa ng kalikasan ang dalawang bagyong sumira sa ilang pamilya, kagamitan, establishimyento at sumira ng mga pamilya sa pagkitil nito sa buhay ng napakaraming mga tao. Hindi lamang ang may-akda ang nakaransa ng ganitong kalupitan ng bagyo ngunit lahat halos ay apektado kaya naman ako ay nakadama ng simpatya. Habang binabasa ko ito ay tila ba bumabalik ang mga alaala ng mga panahong malakas ang hangin at humahagupt ang ulan. Magaling ang pagkakabuo ng tula. :)

Abigail Manalo said...

Tunay na nakakasindak ang naranasan natin sa mga bagyong(nabanggit) nagdaan sa ating bansa. Dahil dito sa tulang ito aking naalala ang mga nangyari, ang nakaraan akala ko'y nabaon na sa limot, ngunit aking laging naiisip, mahirap nga talaga ibaon sa limot ang mga pangyayaring nakasakit na sa damdamin. Haaay. Sana hindi na maulit pa ang ganitong mga kalamidad...

Abigail V. Manalo
BS Psychology 1-4

Justin Angelo Roldan said...

kPara sa dalawang bagyo ang tulang ginawa ng may akda. Kakaiba, hindi ba? Napakaayos ng gamit ng mga metaphor sa tula. Nabigyang hustisya naman ito dahil maganda nga ito. Mararamdaman mo talagang sa totoong buhay ito dahil nakapaloob sa tula ang emosyon ng mayakda. n

Cess said...

Ang tulang ito ay maari din sa araw-araw na pangyayari (hindi lamang sa mga bagyo). Halimbawa na lamang sa pag-ibig, naisasalin ang ibang salita ng tulang ito at naiduduktong sa mga ordinaryong pangyayari sa pag-ibig. Maaring hindi lahat ay pwede pero ating suriin mabuti. :)

maureen de guzman said...

Maganda ang pagkakasulat sa tula.Sinasaad din nito na natapos man ang pananalasa sa ating bansa ay hindi na nito maiaalis ang bakas ng bagyong ondoy at peping sa dami nitong iniwan sa atin, kasama na ang mga labi ng maraming Pilipino.

Manuel Joseph Servando said...

Namumuwi talaga sa bawat linya ng tula ang mensahe na nais iparating ng tula. Ang mga pananalasa na dumaan sa ating bansa, kahit lumisan na, ay nakatatak pa din sa ating mga isipan.

Manuel Joseph Servando said...
This comment has been removed by the author.
jell tan said...

Sa isang hagupit ni Inang Kalikasan maraming buhay ang nawala , sa kabuuan ng tula mahihinuha ko na napakalaking epekto talaga ang ibinigay sa atin ng hagupit ni Ondoy , na alam ng may akda ng tula ..
Ang may-akda ay isang responsablng mamayan ng bansa sa pagsulat lamang ng Tulang ito :)

Jeremy Ann Catunao said...

Ang mga pisikal na sugat na dinulot ng mga bagyo ay mawawala at mabubura pagdating ng araw, pero ang sugat sa puso ay kahit kailan di na mapapawi.

adnel rose barbo said...

Nakikita na natin ang hagupit ng kalikasan. Nag iiwan ito ng mensaheng dapat pangalagaan ntin ang kalikasan ng sa gayon ay d tayo mkaramdam ng ganitong unos.

kenneth barrera said...

napakalaking pagsubok sa ating buhay ang pananalasa ng bagyong ondoy..
marami ang namatay,..nawalan ng tirahan..dahil sa ting pagpapabaya sa inang kalikasan..
hindi pa huli ang lahat..
pakaingatan,pangalagaan ang ating inang kalikasan..

Chris Lo said...

Ang hagupit ng delubyo ay hindi na malilimutan ng mga taong nasalanta nito.

Jefferson Tiongson said...
This comment has been removed by the author.
Jefferson Tiongson said...

sa bawat linya makikita ang mga kasawiang idinulot ng higanti ng kalikasan

Arah Charisse Pile said...

Sana mabasa nila to. Pambukas isipan.