Saturday, August 29, 2009

PAGKALIGAW Tulang Prosa

(Binasa sa SATULAWITAN '09 noong Agosto 28 sa PUP Main Campus at sa WIKA NG LAHI: Isang Gabi ng Tula, Awit at Palabas noong Agosto 29 sa PUP San Juan Campus)

Kung hahayaan mo akong likumin ng hiwaga. Hihinga ako ng maluwag na maluwag, pagkat di mo na maikukulong ang pinong binhi ko sa ugat ng hiwág mong lihim. Marami kang maaaring madaya sa sinsay mong dila. Sa pag-andar ng panahon ang tanaw ng laksang kamalayan tulad ng nagawa mo sa akin: pinalabo mo ang hiwaga, tinanggalan mo ng bisa, inilihim nang inilihim hanggang sa ako’y kumalat sa hangin. Di ka nasiyahan, ang haraya ng kahiwagaan—hinablot mo at pinatawan ng kasabihang higit na mahiwaga ang kapangyarihan ng kamay. Subalit magkaalinsabay ang bawat tumpak na imahen at tunay na talinghaga na ikinubli mo kahit na ang nakalihim sa hiwaga’y masasaliksik ng lilitaw na matatatakan. Buo na ang loob ko. Makikisabay ako sa bawat tutuklas ng nakalihim sa hiwaga, huwag mo na akong pipigilan, alpasan mo ang aking kamalayan, huwag mo na akong sasabihan, pagkat ang bawat salita mo’y lason sa aking isipan.

26 comments:

annie aurigue said...

nakakamangha. Sana maging ganyan din ako kalalim :)

Deo Javier said...

I agree to you Annie Aurigue.. Hahahaha.

robert roy said...

Grabe lang talaga kasi ang lalim nga.
Haha. :D
Nakakabilib dahil napakalalim ng paraan niya para maglabas ng nararamdaman sa isang tao na isang beses ko lang nagawa.
Hehe. :)


-BSPSYCHOLOGY 1-4

Joan Rose Miguel said...

Ang ganda. kahit na malalalim ang salita'y, kahit anong talinhaga man nito'y totoo pa rin ang nais ipahatid.

Ang katotohanan ang mkapagpapalaya sa pusong naguguluhan. Ngunit may mga taong pilit paring pinagtatakpan ang kasinungalingan at kinikintal sa ating isipan ang karuwagan. Ang buhay ng tao'y kakaiba sapagkat kailangan mong timbangin kung ano ang tunay na katotohanan at kung alin ang nagbabalat kayo lamang.

Jenalyn Meneses said...

Napakalalim ng mga salitang ginamit ngunit atin namang maiintindihan kapag isinapuso ang pagbabasa. Alamin lamang natin ang katotohanan at wag mapadala sa ating karuwagan.

Alyanna Joyce Guan said...

Napakalalim na mga salita ang ginamit ng may akda. Maging totoo lamang sa ating sinasabi. Tunay na magulo at mahiwaga ang buhay ng tao. Kailangan lamang ng katapatan at sinseridad. :))

jojelyn colopano said...

napahatalinhaga ng mga ginamit na salita sa tula . hindi ko na naman maintindihan.

harry medenilla said...

Huwag tayong padalosdalos sa ating mga ginagawa at kailangan nating harapin ang katotohanan.

jordan balladares said...

Ang hiwaga ay maaaring maging mapanganib kapag natuklasan kaya mahalaga na maging maingat tayo sa pagtuklas ng hiwaga at maging handa sa maaaring malaman dahil hindi lahat ng hiwaga ay may mabuting ibubunga.

Camille Nicole Sanchez said...

maganda ang tula kahit hndi ko msyadong maunawaan ang mga salita, naunawaan ko naman ang nais iparating nito.

Anna Nojor said...

Napakatalinghaga. Tunay nga itong mahiwaga. Ang bawat letra ay isinaayos sa masining at pinakapinag isipang paraan. Ang may-akda ay nagpakita ng mas may kapangyarihan sa kanyang kinakausap sa nilikha niyang tula. Walang makapagpapatibag sa gusto niyang gawin at iparating sa sarili at sa iba.

ghie ghie said...
This comment has been removed by the author.
ghie ghie said...

Isang napakagandang tula. Ang lalim ngunit may nakakatuwang kahulugan. Maligaw ka man sa kasinungalingan maaari ka pa ring bumalik sa katotohanan. Hindi man natin ito mapipigilan pwede naman nating layuan at iwasan.

Irene Joy Geroy BSPsy1-4

ghie ghie said...

Isang napakagandang tula. Ang lalim ngunit may nakakatuwang kahulugan. Maligaw ka man sa kasinungalingan maaari ka pa ring bumalik sa katotohanan. Hindi man natin ito mapipigilan pwede naman nating layuan at iwasan.

Irene Joy Geroy BSPsy1-4

jell tan said...

Maganda kahit papaano , ngunit para sa isang kabataang tulad ko ay mdyo nahihirapan na kaming umintindi ng napakalalalim na salita , kahit pa sabihing ito'y tagalog :)

mark diorico said...

Kahit ganoon ito kalalim, malalalim na salita ang ginamit ay maliwanag ang gusto nitong ipahatid at ipahiwatig. Ang katotohanan ang mkapagpapalaya sa pusong naguguluhan. Ngunit may mga taong pilit paring pinagtatakpan ang kasinungalingan at kinikintal sa ating isipan ang karuwagan. Ang buhay ng tao'y kakaiba sapagkat kailangan mong timbangin kung ano ang tunay na katotohanan at kung alin ang nagbabalat kayo lamang.

karla piangco said...

ang lalim ng mga salitang ginamit upang ipahayag ang kanyang damdamin. ngunit ang ganda ng kanyang ibig sabihin. sabihin ang nararamdaman, huwag magpapadala sa karuwagan.

crisby delgado said...

ang kalaliman ng bawat metapora at retorika ang nagpakulay sa tula. nakamamangha ang paaraan niya ng paglalabas ng nag-aalab niyang damdamin.walang kasing tulad ang husay ng mag-akda.

SalvieBallori said...

Harapin ang katotohanan sapagkat yun lamang ang pinakamabisang solusyon sa mga problema o anuman.

Chris Lo said...

Malalim ang pagkakasaad. Hindi lahat ng ginagawa ng marami ay tama at di lahat ng walang gumagawa ay mali.

kenneth barrera said...

nakamamangha..
ang ganda ng tula..gumamit talaga ang may akda ng matatalinhagang salita..

Gerald Aloc BSA 1-15 said...

Napakalalim ng mga salita ngunit ang nais ipabatid ng may akda...

Chris Lo said...

Nose Bleed :) Hindi ko maisplika ang kagalingan ng may akda.

danilo arrio said...

Sobrang lalim ngunt naintindihan ko naman kahit papano.
tama nga na minsan ay may nagbubulong sa atin ng maling paniniwala.Ipaglaban mo kung tama ka.

Arianne Diaz said...

Ang galing ng pagkakgawa,sobrang matalinghaga. -BSP 1-4

Arah Charisse Pile said...

Ang lalim. Hmm. Di ko masydo naintindihan.